Chapter 55

4.3K 123 63
                                    

Daciana Kielle POV

"Allyson.."

Mabilis na humiwalay sa pagkakayakap ko si Zianah. Hindi ko na nga namalayan na tumakbo na pala siya papalayo sa akin habang ako ay nakatitig lang kay Allyson na umiiyak ngayon sa harapan ko.

"Allyson.." bulong ko habang unti-unting lumalakad patungo sa kaniya.

"Ang manhid mo! Ang manhid-manhid mo, Daciana!" sigaw niya habang mahinang hinahampas ang dibdib ko. I tried holding her hands to stop her from punching me pero mabilis niya itong iniiwas sa akin.

"Allyson.." I whispered. "Tangina naman, Daciana! Nandito naman ako.. Bakit hindi na lang ako?" pag-iyak niya na ikinagulat ko.

Ako? Ako ba yung taong sinasabi niya na gusto niya pero may ibang gusto?

"Ang manhid-manhid mo!" sigaw niya na mas nagpa-iyak pa sa kaniya. She is just crying in front of me, kahit isang beses hindi nawala ang tingin niya sa mga mata ko.

"You love her?" tanong niya sa akin at kasabay non ay ang pagdaan ni Zianah sa tabi namin ni Allyson. She is crying too like Allyson kaya mabilis akong tumingin sa likuran ko pero wala naman akong nakitang kakilala ko or kakilala ni Zianah na naroon.

"Jo.." pagsumamo ko sa kaniya. "Let's just talk some other time, Miss Messina." sagot niya at dere-deretso ng lumakad patungo sa sasakyan nila.

Hindi ko alam ang nangyayare sa kanila. Bakit ba sila umiiyak?

Pinanood ko lang ang kotse nilang umalis papalayo sa lugar bago ko tinapunan si Allyson na umiiyak pa rin habang nakatitig sa akin.

"Halika na. Umuwi na tayo, ihahatid na kita sa inyo." saad ko bago hatakin ang kamay niya paalis sa lugar. Pinagtitinginan na kase kami ng mga tao baka sabihin nila kabit ko si Zianah at niloloko ko si Allyson.

Pagkarating namin ng parking ay marahas na inialis ni Allyson ang kamay ko na nakahawak sa kaniya. "Allyson! Bakit ba nagkakaganiyan ka?" naiinis na tanong ko sa kaniya.

"Daciana.. Hindi ba pwedeng ako na lang? Ako na lang ang mahalin mo at huwag na si Zianah?" umiiyak na paki-usap niya sa akin.

Dahan-dahan siyang lumuhod sa harapan ko habang hawak-hawak ang dalawa kong mga kamay.

"Ako na lang Daciana, please? K-kaya ko namang ibigay sa iyo ang lahat.. Kaya ko rin namang ibigay yung mga bagay na kayang ibigay ni Zianah sayo.. Mas kaya kong higitan ang pagmamahal niya para sayo.." umiiyak na sambit niya.

"Allyson... I.. I'm S-sorry.." I said apologetically. Mas lalo siyang nanghina habang nakaluhod sa harapan ko.

Lumuhod ako para pantayan siya. Iniangat ko ang tingin niya sa akin at dahan-dahan kong pinunasan ang mga luha sa mata niya.

"May darating din na tao na mamahalin ka, Allyson. Hindi ka naman mahirap mahalin eh kaya sigurado akong darating din yung para sa iyo." malumanay kong saad sa kaniya.

"Hindi naman p-pala ako mahirap mahalin.. Bakit hindi na lang ako ang mahalin mo, Daciana? Ako na lang kase! Ako na lang ang mahalin mo, please?" pagmamaka-awa niya.

"Tara na. Ihahatid na kita sa inyo." ayun na lang ang nasabi ko dahil alam kong hindi titigil ito hanggang hindi niya naririnig ang gusto niyang sagot mula sa akin.

Binuhat ko siya na parang bagong kasal at isinakay sa may shot gun seat bago ako sumakay sa may driver's seat.

Walang kahit isa sa amin ang nagsalita buong byahe pero ramdam ko ang tingin niya sa akin habang umiiyak. Tanging pagsingot lang kase niya ang rinig kaya hindi na ako  nag-abala pang tumingin sa kaniya.

Why Not Me? (Bravo Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon