Alora Ciella POV
Nagising na lang ako ng tumama na ang silaw ng araw sa aking mukha. Namumugto ang dalawang mata ko at ang sakit din ng likod ko dahil sa pagkakahiga sa lapag. I slept beside ate's tomb dahil dito ako nagpalipas ng gabi sa sementeryo because I wanted to celebrate my birthday with her.
"I miss you, ate." saad ko habang sinisindihan ang huling kandila.
Sinimulan ko munang linisin ang lapida ni ate bago ako tuluyang tumayo para mag-unat. I just kept on staring on her picture on her tomb, the genuine smile of her and her eyes that was once filled of hope.
"If I could just swap our life, ate I will gladly do it with no hesitation. I know how much you wanted to live.. how much you wanted to fight your battle.. how much you wanted to achieve your dreams.. I'm sorry if I can't still let you go.. I know it's been years pero hindi ko pa kaya, ate. Hindi ko pa kaya ulit magsimula ng wala ka.. I am still surviving even though I know how bad you wanted me to live.." I wiped my tears while caressing her photo.
"P-pero sapat na sa akin na malaman na m-masaya ka na kung nasaan ka man.. Kaya I p-promise you.. starting today.. I will live my life.. H-hanggang sa kaya ko, ate. Magpapatuloy a-ako.. Palagi akong hahanap ng r-rason para magpatuloy.." Dahan-dahan na akong tumayo para umalis, ngayon ang alis namin papuntang Isla del Bravo.
"I have to go na, ate. I-i will celebrate my first ever Christmas with Zeejei's family.. Advance Merry Christmas, ate. Sana masaya ka riyan.." Sambit ko bago lumabas ng mausoleum.
Nagmamadali akong umalis ng sementeryo pabalik sa bahay nila Zeej, I know nag-aalala na yun sa akin ngayon. Wala akong dalang cellphone dahil alam kong tatawagan niya lang ako nang tatawagan kaya hindi na ako nag-abalang dalhin pa 'yun.
I started to drive safely na rin. I know someone is waiting for me to go home safely.
Pagkarating ko sa bahay nila ay nakita ko agad si Zeejei na nag-aalala habang naghihintay sa labas ng bahay nila. Namumugto ang mga mata niya just like mine and she is still wearing her pajamas.
"Achi! Saan ka ba galing? Nag-aalala ako sa'yo akala ko kung-" hindi ko na siya pintapos pa at mabilis ko siyang niyakap nang mahigpit. "I love you, Zeej. So much.." I stated. "Happy birthday, Achi.. Pa-kiss ako." pagpapatawa niya.
Nagulat ako ng hawakan ni Zeejei ang kaliwang pisngi ko at hinalikan ako sa kabilang pisngi ko. "Bading ka ba, pare?" pang-aasar ko. "Hindi 'no! Wala kase akong regalo sa 'yo kaya kiss ko na lang ang ireregalo ko sa'yo." sabi niya.
Nagtataka akong tumingin sa kaniya. "Hindi galing sayo yung-"
"Khione! Saan ka galing? Alam mo bang nag-aalala kami sa'yo? Saan ka ba nagpunta? At kailan ka pa natutong tumakas tuwing gabi ha?!" sunod-sunod na tanong ni Zeejei kay Zianah.
"I just..uhm, went to Allyson's house to spend the night there. A-and I.. left a message to mommy last night naman." sagot ni Zianah. "Wala ka bang bahay para makitulog ka pa sa bahay ng iba? Alam mo namang aalis tayo ngayon tapos-"
"Jeez, Kuya! Ang aga-aga ang ingay mo.. I'm tired, okay." sagot ni Zianah at naglakad na papasok ng bahay. "Akala ko ba nakitulog ka kila Allyson eh bakit mukhang hindi ka naman natulog?" sunod na tanong ni Zeejei sa kapatid niya.
Tuloy-tuloy pa rin ang pagsesermon ni Zeej kay Zianah pero laking pagtataka ko pa rin kung kanino galing ang regalong natanggap ko kagabi. Maybe kay Zeeian siguro dahil hindi naman alam ni Zianah na birthday ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Why Not Me? (Bravo Series 2)
RomanceAll her life, Zianah Khione has been the girl everyone admired from afar-the kind of beauty and grace that made heads turn but never quite captured hearts. She's always been the one people appreciated but never pursued, as if she was too perfect to...