Chapter 11

4.1K 113 22
                                    

Alora Ciella POV

"Alora, please join us. We need you for our basketball team." pamimilit sa akin ni Isha, one of my blockmate na varsity player.

Zeeian is also a basketball player kaya as much as possible ayaw ko sanang sumali dahil natuto na ako sa nangyare sa amin ni Zeejei noon.

"I don't play basketball." sagot ko.

Naglakad ako patungo sa upuan ko pero mabilis siyang lumapit sa akin at kumapit nang mahigpit sa braso ko.

"I know you play basketball, Alora. Sige naman na, please? I'll do anything for you kapag sumali ka sa team namin." pagpapacute niya sa akin.

Hindi na ako komportable sa lagay namin ngayon dahil dikit na dikit na sa akin ang katawan niya. Ayoko pa naman sa lahat ay may dumidikit sa akin ng ganito dahil hindi ako sanay.

Hindi Physical Touch ang love language ko.

"Ang aga-aga ang iingay ninyo. Kung maglalandian kayo roon kayo sa labas nakaka-istorbo kayo." masungit na saad ni Zianah at inilapag ang kape niya sa table ko.

She's reading a pile of papers na mukhang tungkol sa company niya. Ang aga-aga mukhang badtrip na naman ata siya sa akin. Wala naman ng bago.

"Oo na, sige na. Huwag ka ng makulit nakakaistorbo na tayo masyado." sabi ko kay Isha sa mahinahong paraan para tumigil na siya.

Nagtatatalon naman siya sa tuwa dahil sa sagot ko kaya hindi niya namalayan na naitulak niya ako sakto na natabig ko ang kape na nasa table ko sapat na para matapunan ang mga papers na malapit kay Zianah.

"What the fudge!" inis na inis niyang sigaw habang isa-isang inilalayo ang natapunan na papers.

"I-i'm sorry, Zia-" sabi ko habang pinupunasan ang kape na natapon sa table ko.

"Anong magagawa ng sorry mo ha? For fuck sake! This is an important files for my company and you ruined it!" napahilamos siya sa sobrang galit habang nakatingin sa nabasang mga papel.

"I didn't mean to, I'm sorry." bulong ko sapat na para marinig niya.

Lahat ng tao sa room ay nakatingin na sa amin. Bakas sa mga mukha nila ang kaba dahil galit na galit talaga si Zianah.

"I'm sorry tala-"

"Enough!" madiin niyang sigaw.

Napabalikwas ako sa sigaw niya. Kahit nga sila Allyson ay nagulat sa pagsigaw niya.

"Z, calm down." kinakabahang sabi ni Dani sakaniya.

"Hindi naman niya sinasadya." dagdag ni Brianna.

Si Allyson naman ay alanganing ngumiti lang sa akin.

"I'm really sorry, Zianah." nakayuko kong sabi. Hindi ko kayang tumingin sa kaniya dahil alam kong galit na galit siya sa akin.

"Just get out of my sight!" sigaw niya.

Naglakas loob akong tumingin sakaniya bago ako umalis sa harap niya. Namumula siya sa galit at ang bibigat ng bawat paghinga niya.

Gaya ng sabi niya ay sa pinakalikuran ako naupo sapat na para hindi niya ako makita.

"I'm so sorry, Alora. Kasalanan ko naman talaga at sa akin dapat galit si Zianah pero inako mo." sabi ni Isha. Bakas sa mukha niya ang takot dahil sa nangyare.

"Ayos lang." sagot ko at nginitian siya ng maliit para hindi na siya mag-alala pa.

Dumating na rin naman ang professor namin. Instead of listening ay pinagplanuhan ko na lang ang miniature na gagawin namin dahil baka lalo siyang magalit sa akin kapag wala pa rin akong idea.

Why Not Me? (Bravo Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon