Alora Ciella POV
Hindi ko alam kung paano pero nakita ko na lang ang sarili kong buong lakas na naglalakad sa gilid ng kalsada papalayo sa impyernong iyon. Pagka-alis ng mga tauhan ni dad ay nagmamadali akong lumabas ng sementeryo para tumakas.
Alam ko sa sarili kong wala akong ibang mapupuntahan kung hindi kay Zeejei lang. Pero sa lagay ko ngayon, ayaw ko na munang mas mapalapit pa kay Zianah. Alam kong malalaman niya ang nangyare sa akin kapag kay Zeejei ako nanghingi ng tulong.
Bahala na kung saan ako tatangayin ng mga paa ko, ang mahalaga lang sa akin ngayon ay ang makalayo sa impyernong 'yun bago pa nila ako pagsamantalahan.
Wala akong pera at wala rin akong cellphone na dala-dala. Hindi ko alam kung saan ako aabutin at kung hanggang saan lang ang kaya kong puntahan ngayong gabi. Nanghihina na rin kase ang katawan ko dahil sa pagod, sakit, at gutom na nararamdaman ko ngayon.
"Bakit pa ba ko lumalaban? Hindi ba gusto ko naman na talagang mamatay?" natatawang tanong ko sa sarili ko. Iisa lang naman kase ang sagot kapag tinatanong ko 'yun sa sarili ko.
"I need you here with me."
Kahit hindi ko pa rin kilala ang nagbigay sa akin ng keychain na 'yun ay ang laki pa rin ng epekto nun sa akin. Pakiramdam ko may isang taong nagmamahal sa akin kapag naiisip ko yun. May isang taong naghihintay sa akin na maka-uwi ako ng ligtas.
Ganun naman dapat talaga, 'di ba? Hanggang may isang nagmamahal at naniniwala dapat ay magpatuloy lamang. Isa lang naman ang kailangan kong rason para magpatuloy. Sapat na sa akin na may isang taong nagmamahal at naniniwala sa kakayahan ko.
Halos pasikat na ang araw ng maramdaman kong bumibigay na ang katawan ko dahil sa pagod at gutom. Humandusay na lang ako bigla sa gilid ng kalsada umaasang may mabuting taong tutulong sa akin ngayon.
Is this my end? Ito na ba ang katapusan ng buhay ko? Kase kung oo ay hindi ko maiwasang magalit, hindi ko kayang tanggapin na mamamatay ako sa mga kamay ng demonyo kong tatay.
"H-hija? naririnig mo ba ako?" rinig kong sambit ng isang lalaki sa tabi ko. Malumanay ang boses nito at halatado ang pag-aalala sa tono niya kahit hindi ko makita ang itsura niya. Hindi ko magawang sumagot dahil alam kong nanghihina na talaga ang katawan ko. "Father! Ipasok na po muna natin siya sa loob ng simbahan!" nag-aalalang sigaw naman ng isang lalaki.
Ramdam ko ang dahan-dahang pagbuhat nito sa akin papasok ng simbahan. Pinilit kong dumilat at nakita kong isang pari at isang sakristan pala ang kasama ko ngayon. Pina-upo ako nito malapit sa may altar at nagmamadaling kumuha ng tubig at pagkain habang katabi ko ngayon ang pari na nakakita sa akin.
"Maaari mo bang ibahagi sa akin ang totoong nangyare sa iyo, hija?" malumanay nitong tanong sa akin. Alam kong sa itsura ko ngayon ay hindi malabong isipin ng mga tao na ginahasa ako kaya naiintindihan ko ang pag-aalala nito sa akin.
Wala na rin naman akong lakas para sumagot pa na sa tingin ko naman ay naintindihan niya kaya tahimik lang siyang umupo sa tabi ko habang hinihintay ang sakristan na bumalik.
"Father, ito na po." nagmamadaling saad ng sakristan sa pari. Inabutan nila ako ng isang baso ng tubig na mabilis kong tinungga. Mayroon ding pandesal na may keso na nakalagay sa plato na mabilis ko ring kinain.
"Dahan-dahan lang, hija." saad ng pari habang pinanonood akong kumain. "Kung gusto niyo pa po mayroon pa po sa loob. Kukuhaan ko na lang po kayo ulit, ate." nakangiting saad ng sakristan sa akin.
Hindi ko sila pinansin at nagmamadaling kinain ang mga tinapay sa harapan ko. Punong-puno ang bibig ko na halos hindi ko na manguya ito nang maayos. Nakita ko ang sakristan na nagmamadaling tumakbo ulit papunta sa loob para siguro kumuha ulit ng pandesal at keso.
BINABASA MO ANG
Why Not Me? (Bravo Series 2)
RomanceAll her life, Zianah Khione has been the girl everyone admired from afar-the kind of beauty and grace that made heads turn but never quite captured hearts. She's always been the one people appreciated but never pursued, as if she was too perfect to...