Alora Ciella POV
"I'm sorry but, your child didn't make it." Malungkot na balita sa amin ng doctor.
This is the second time na nakunan si Zianah, the first time was so painful not only for her but, also for me. Parang silang dalawa ng anak namin ang nawala sa akin noong mga panahon na 'yun dahil hindi maka-usap si Zianah nang maayos at palagi lang siyang nagkukulong sa kwarto for months.
We are having a hard time to be pregnant dahil sa PCOS ni Zianah at dahil na rin sa epekto sa akin ng insidenteng kinasangkutan ko years ago. Naapektuhan talaga ang reproductive ko pero not to the point na nabaog ako, medyo bumaba lang ang kakayahan kong makabuntis na mas nagpahirap sa sitwasyon namin dahil na rin sa PCOS niya.
As expected ay hindi na naman ako kinibo ni Zianah throughout ng byahe namin pauwi. I've been trying to lift up the mood pero she's just giving me a cold shoulder.
Hindi na naman ulit siya lumalabas ng kwarto namin, tumatayo lang siya para maligo at magbanyo. Hindi rin siya kumakain kung hindi ko pa dadalhan ng pagkain sa kwarto. She's isolating herself to everyone.. even to me, her wife.
Pero kahit ganun ay iniintindi ko na lang siya, mas masakit talaga sakaniya ang nangyare dahil siya ang nagdadala sa anak namin kaya kahit hindi niya sabihin I know she's blaming herself kaya I always make her feel na hindi niya kasalanan ang nangyare sa anak namin at walang may gustong mangyare 'yun.
I've been crying alone every night blaming myself to all the things that happened to us. Hindi ko naman kase pwedeng ipakita sa kaniya na mahina ako kase mahina na siya eh. Dapat may isang matibay sa aming dalawa hindi pwedeng pareho kaming mahina.
Nagsimula na rin ulit akong bumalik sa trabaho after weeks of knowing that we lost our supposedly second child. Mas hindi ko kase kinakaya ang lungkot at sakit kapag nananatili lang ako sa bahay, feeling ko kase hindi lang anak namin ang nawala sa akin.
Feeling ko kase she's slowly slipping away from me too.
"Director General, pinadala po sainyo ng misis ninyo." sabi ng isang police officer at iniabot sa akin ang isang brown envelope.
"Salamat." sagot ko.
Bigla akong nakaramdam ng kaba at takot habang binubuksan ang brown envelope na ipinadala niya, I do have a feeling kung anong laman nito at hindi nga ako nagkamali.
An annulment paper.
Mabilis kong pinunit ang mga papel na may pirma na niya at nagmamadaling umalis ng presinto. Pinaharurot ko kaagad ang motor ko pauwi ng bahay namin.
Kaya pala bigla na lang siyang naging okay this past few days. Akala ko mas mabilis yung acceptance process niya ngayon kase it's our second time losing a child na pero hindi pala.
She's planning to leave me....for good.
Pagkarating ko ng bahay ay saktong papaalis na siya bitbit ang mga maleta niya. May passport din siyang dala-dala kaya mabilis akong tumakbo patungo sa kaniya para pinigilan siyang umalis.
"Zianah.." naiiyak na sambit ko sa kaniya. "Bakit naman ganito, hon? Iiwan mo rin ako?" tanong ko sa kaniya.
Hindi ko na mapigilan pang itago ang emosyon kong kay tagal kong itinago sa kaniya. I am crying so hard on her shoulder begging her not to leave me.
"I... I can't give you a child, Alora. You.. You should find someone who can give you a big... a-and happy family." she stated crying.
"H-hindi ko naman gusto non, hon eh. Ikaw.. I-ikaw lang ang gusto ko, hon. Makasama ka lang habang-buhay ang gusto ko. Bonus na lang kung magkakaroon tayo ng anak pero meron man o wala kuntento na ako ng nandito ka sa tabi ko. Masaya ako kahit tayong dalawa lang." sagot ko habang yakap-yakap siya.
BINABASA MO ANG
Why Not Me? (Bravo Series 2)
RomanceAll her life, Zianah Khione has been the girl everyone admired from afar-the kind of beauty and grace that made heads turn but never quite captured hearts. She's always been the one people appreciated but never pursued, as if she was too perfect to...