Daciana Kielle POV
"Kielle, ibigay mo ito kay Yoki ha? Kahit hindi ka na makakain basta maibigay mo ito sakaniya hindi naman para sa iyo itong niluto ko." panglimang beses na paalala ni mama sa akin.
"Ma, Khione kase hindi Yoki!" inis kong sagot. Ang ganda-ganda ng pangalan ni Zianah binababoy ni mama.
"Oo nga, Yoki tama naman ah." explain niya.
Nagpatuloy na lang ako sa pag-aayos ko sa sarili ko dahil malalate na ako. Ilang linggo na rin ang nakalipas ng malaman kong dito pala siya nag-aaral kaya paminsan-minsan ay sumasadya akong dumaan sa architecture department para makita siya.
Tungkol naman kay Miguel Reyes ay na-expel na siya. Hindi pa naaalis sa pwesto ang kaniyang tatay pero patuloy pa rin ang pagsampa ng kaso ng mga biktima nito.
"Ma! Aalis na po ako!" sigaw ko. Nagmamadali naman siyang lumabas ng kusina habang bitbit ang dalawang lunch box.
"Ibigay mo ito kay Yoki kamo kapag hindi na siya busy magpunta siya rito sa bahay natin lulutuan ko siya ng masarap." paalala niya ulit sa akin.
Humalik ako sa pisngi ni mama bago ako umalis ng bahay bitbit ang gamit ko. Maaga ako umaalis para hindi ako abutan ng traffic.
Gusto nga ni mama na bumili na ako ng motor o kaya kotse para hindi na ako mahirapan sa pagcocommute kaso mas priority ko mabili muna ang bahay na tinitirhan namin para wala na kaming problema.
Hindi ko sinabi sakaniya ang plano ko dahil gusto ko siyang isurpresa dahil matagal na niyang pangarap ang magkaroon ng sariling bahay. Sa ngayon naman ay naibibigay ko naman na ang pangangailangan naming dalawa at hindi niya na kailangan pa tumanggap ng mga labada.
One thing I loved about adulting is when I finally has the capability to buy and to spoil my mom the way she deserve to.
It's so good to be financially stable and treat my mom as a queen because she deserves every good thing the world can give.
»--•--«»--•--«»--•--«
Malapit na ang exam week kaya naman lahat ng mga estudyante ko ay puyat na puyat na kaaaral maliban kay Zeeian at Solene na parang ang fresh pa ring pumasok ngayong araw.
I just gave them a long quiz as a review for their examination on my subject kaya naman I have free time while waiting for them to finish the quiz.
I decided to use my phone na lang while I watch them answering. They have my trust naman kaya hindi ako masyadong mahigpit sakanila.
"Follow your dreams." pagbasa ko sa quotes na shinare ni mama sa facebook.
Dahil masunurin akong anak ay nagpunta ako sa instagram at hinanap ang account ni Zianah.
Zianah Khione Chua Bravo
@ZiaKhione
20│CEO of Zianah Cosmetics │ MNL, PH
145 post 5.6M followers 90 following
She almost have six million followers! What do I expect? She's a model in Thailand and in United Kingdom tapos a CEO of the number one cosmetic brand in the Philippines and a famous vlogger.
Dahil nandito na rin ako ay inistalk ko na rin siya. Most of her photos were from their travels in different countries. Grabe rin yung feed niya ang ganda sa paningin halatang Architecture student.
Every photos she posted ay laging may family photo sa last picture. It's either they are all smiling or the three of them are hugging their moms.
I admire Engr. Bravo and Arch. Chua's way of parenting. Up until now namaintain nila yung closeness nila sa mga anak nila.
BINABASA MO ANG
Why Not Me? (Bravo Series 2)
RomanceAll her life, Zianah Khione has been the girl everyone admired from afar-the kind of beauty and grace that made heads turn but never quite captured hearts. She's always been the one people appreciated but never pursued, as if she was too perfect to...