Chapter 27

3.5K 93 15
                                    

Alora Ciella POV


"Sumama ka na kase. Kami ng bahala kay momma, ipapaalam ka namin." saad ni Zeejei.


Nandito kami ngayon sa Mall para mamili ng ireregalo sa mamala nila dahil birthday nito sa darating na sabado. Gusto kase nilang isama ako sa Isla del Bravo dahil uuwi sila roon bukas. Hindi pumasok si Zianah ngayong araw since binigyan siya ng university ng one day break dahil kagagaling lang niya sa byahe galing Spain.


"Payag ka non, si Theo kilala na nila tapos ikaw hindi?" dagdag ni Zeeian.


"Kung ako yun hindi ako papayag." dagdag ni Zeejei habang umiiling na nakatingin sa akin.


"Kayong dalawa akala niyo talaga eh, 'no? pare-pareho lang naman tayong takot umamin dito." kantyaw ko sa kanilang dalawa.


"At least ako kilala na ako ng magulang niya. Eh ikaw ba, yan-yan?" mayabang na sabi ni Zeejei at binuggo pa ang balikat ni Zeeian.


"Ang mahalaga nakakakain tayo ng tatlong beses sa isang araw." sagot niya habang namimili ng ireregalo kay mamala.


"Sumama ka na kase Alora. Teka, ipapaalam na kita kay momma." saad niya at kinuha ang cellphone sa bulsa niya.


Wala namang problema sa akin na sumama sa kanila, sa totoo lang mas okay sa akin yun para makabonding ko ang pamilya nila kahit nandun pa si Theo. At least pantay na ang laban hindi ako nahuhuli.


"Okay daw sabi ni momma." anunsyo ni Zeejei habang nakangiti sa akin.


"Weh? Tingin nga." saad ko at kinuha ang cell phone niya.


Tender Juicy Hotdogs only! (Jumbo edition)


Zeejei Hotdog with cheese 🍆
Momma, pwede namin isama si Alora sa Isla del Bravo bukas?

Hungarian Sausage Classic 🍆
Momma, Reply agad! Mamaya na bebe time! @Favorite Jumbo hotdog ni Zee lalo na yung lumalabas na cheese 😋


Favorite Jumbo hotdog ni Zee lalo na yung lumalabas na cheese 😋
Ocakes kamo need natin taga hugas plato bukas.


Why Not Me? (Bravo Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon