Alora Ciella POV
My life back then was pure black and white.
It was full of sorrow, pain, and suffering like it was made just for me to be racked with pain.
Hindi ko na nga mabilang sa daliri ko kung ilang beses ko na bang hiniling na mawala sa mundong ito, kung gaano karaming beses kong sinubukang kitilin ang aking sarili.
Pero ngayon na kapiling ko na si Zianah ay handa akong kalabanin ang kamatayan para lang manatili sa mundong ito, sa mundong mayroon akong Zianah.
Sa mundo kung saan ako ang napili niyang mahalin.
Pero kung sakaling dumating man ang araw na mawawala ako sa mundong ito ay aalis akong masaya at payapa.
Hahagkan ko ang kamatayan ng buong puso dahil masaya akong mawawala sa piling niya.
"Good morning, hon." nakangiting bati ni Zianah sa akin habang nakahiga kami sa kama at naka-unan siya sa aking braso.
It's been 122 days since we've been together. Apat na buwan ko ng girlfriend si Zianah. Ang bilis lang lumipas ng araw sa tuwing magkasama kaming dalawa, feeling ko nga isang linggo pa lang ang nakakalipas magmula noong maging kami.
"Good morning too, hon." bati ko at hinalikan ang noo niya. Palagi akong excited gumising sa umaga knowing na ang magandang mukha ni Zianah ang unang bubungad sa akin. Ang ganda-ganda pa rin niya kahit bagong gising siya.
Inlove na inlove talaga ako sa girlfriend ko.
"Anong gusto mong breakfast, hon? I'll cook na." malambing na tanong ko sa kaniya pero ang isang ito ay mas humigpit lang ang yakap sa akin habang isinisiksik ang mukha sa leeg ko.
"Hon.." I stated. "I want strawberry pancakes, hon. Please?" pagpapacute niya. Kahit hindi naman siya magpacute ay lulutuin ko pa rin naman kahit ano pang gusto niya.
"I'll cook na, hmm? Take a shower na lang muna." saad ko at hinalikan siya sa noo bago lumabas ng kwarto naming dalawa.
Pagkadating ko sa kusina ay nag-umpisa na rin kaagad akong magluto ng almusal naming dalawa. As much as possible ay ayaw ko sanang gumawa siya ng mga gawaing bahay dahil I want to treat her as my queen.
Hanggang sa kaya kong gawin ay ako talaga ang gumagawa ng mga gawain dito sa unit.
Sa totoo lang ay hindi talaga ako marunong sa gawaing bahay. Hindi naman kase ako pinakikilos ni mommy sa bahay at tanging mga kasambahay lang namin ang gumagawa ng mga ganito.
Lahat ata ay pinanood ko pa sa youtube bago ko tuluyang matutunan. Maski ang paghuhugas ng pinggan ay hindi ako ganoong marunong noon pero lahat ay natutunan ko dahil sa youtube.
Hindi ko tuloy maiwasang maalala si dad. It's been months at hindi niya na ulit ako ginugulo. Maski ang mga tauhan niya ay hindi ko na muling nakita pa.
Si mommy naman ay nakaka-usap ko pa rin through messenger nga lang. Hindi ko pa man din nasasabi sa kaniya ang tungkol sa relasyon naming dalawa ni Zianah.
Hindi naman ako kinakabahan since, mommy really loves Zianah so much noon pa lang. I first met Zianah noon sa Thailand when I was fourteen. Sinama siya ni Zeejei sa isang race ko na halos umabot ng five million baht ang pusta.
Walang kahit isang pumusta sa akin noon at tanging si Zeejei at ako lang ang naghati para lang mapantayan namin ang pusta ng makakalaban ko.
It was love at first sight to be honest. The moment I saw her walking towards me while holding Zeejei's arms, I knew that time, I fell for her.
BINABASA MO ANG
Why Not Me? (Bravo Series 2)
RomanceAll her life, Zianah Khione has been the girl everyone admired from afar-the kind of beauty and grace that made heads turn but never quite captured hearts. She's always been the one people appreciated but never pursued, as if she was too perfect to...