Daciana Kielle POV
Ilang araw na ang nakalipas magmula ng huli naming pag-uusap ni Theo. Simula rin noong araw na 'yun ay hindi ko na siya nakita pang muli sa university man o kahit pa sa bahay nila Zianah. Hindi ko alam pero bigla na lang siyang naglaho ng parang bula.
Hindi ko rin maka-usap pa nang matino si Zianah dahil tulala lang siya at paminsan-minsan ay bigla na lang umiiyak kapag lumalabas kaming dalawa kapag hindi kami parehong busy sa school.
Madalas ay nagte-take out lang kami ng mga pagkain mula sa restaurant or sa fast food chains at kakainin yun sa loob ng kotse ko. Ang weird nga dahil palaging ganun ang set up naming dalawa habang nakapark ang sasakyan ko sa harapan ng seminaryo.
Magugulat na lang ako dahil bigla na lang umiiyak si Zianah habang kumakain kami sa loob ng kotse. Kapag tinatanong ko naman siya kung bakit ay hindi siya sumasagot. Halos tatlong araw din ata ang tinagal bago siya tumigil sa ganoong set up ng dates namin.
Pero madalas ay tulala pa rin o hindi kaya naiiyak na isinawalang bahala ko na lang. Hinihintay ko na lang na siya mismo ang mag-open sa akin kaysa kulitin ko pa siya kung ano ba talaga ang totoong pinagdaraanan niya.
"Kielle! May shoppe ka na naman!" rinig kong sigaw ni mama sa ibaba. Kinuha ko ang wallet ko na nakapatong sa ibabaw ng side table ko at nagmamadaling bumaba para kuhain ang inorder ko.
"Araw-araw ka na lang may shoppe! Ano na naman ba 'yang pinag-oorder mo?!" maagang sermon ni mama sa akin pagkababa ko sa may sala. Hindi ko siya pinansin at tumakbo lang papalabas para kuhain ang order ko.
Hindi naman kase shoppe itong dumating. Umorder kase ako ng dalawang bouquet ng sunflowers online at isang bote ng Jack Daniel's na tatlong litro kagabi. Inimbitahan kase ako ng mga magulang ni Zianah na magtanghalian sa kanila dahil hindi kami nakapag-usap ng masinsinan tungkol sa panliligaw ko sa anak nila.
Ang dalawang bouquet ng sunflowers ay para kay Zianah at sa mommy niya habang ang Jack Daniel's naman ay para kay Engr. Bravo. Sabi kase ni tropang Ian na paborito raw ni Engr. Bravo ang alak na 'yun kaya naniwala ako sa advice ni tropang Ian.
"Saan punta mo, 'nak?" tanong ni tropang Ian sa akin. Hindi ko alam kung kailan nag-umpisa basta naririnig ko na lang na tinatawag niya na akong anak. Hindi ko rin naman alam kung ano ang itatawag ko sa kaniya dahil hindi pa rin naman kami nag-uusap ng masinsinan tungkol sa kung ano ba talaga ang relasyon naming dalawa.
"Inimbitahan po ako ng mga magulang ni Zianah sa bahay nila para roon magtanghalian. Alam na po kase nila na nanliligaw ako sa anak nila." masayang balita ko sa kaniya. Kita ko naman ang mapang-asar na ngisi nilang dalawa ni mama kaya hindi ko na sila pinansin at nag-umpisa ng mag-asikaso.
Nangmakarating ako sa bahay nila ay ako na lang pala ang hinihintay. Papasok pa lang ako ng gate nila ay tanaw ko na kaagad si Zianah na nag-aabang sa akin sa labas ng pinto nila. As always she is wearing a white dress habang nakalugay ang mahaba at wavy niyang buhok.
Pababa pa lang ako ng sasakyan ko ay kita ko na siyang nakangiti habang nakatanaw sa akin. Kinuha ko ang paper bag ng alak at ang dalawang bouquet ng bulaklak para sa kanilang dalawa ng mommy nila. Binilhan ko na rin sila Zeeian at Zeejei ng coffee beans dahil nalaman kong mahilig sa kape ang magkapatid.
Dagdag points na rin.
"Hi, Jo! Flowers for you." bati ko sa kaniya pagkalapit ko sa kinaroroonan niya. Niyakap niya muna ako bago niya kinuha ang bulaklak mula sa akin. "Ang dami mo namang dala?" nagtatakang tanong niya sa akin. "This is for your parents tsaka sa mga kapatid mo na rin." sagot ko na ikinatawa niya.
Syempre manliligaw ako dapat magpagood shot kaagad ako sa pamilya niya. Hindi lang siya ang dapat kong ligawan pati na rin ang magulang at mga kapatid niya.
BINABASA MO ANG
Why Not Me? (Bravo Series 2)
RomanceAll her life, Zianah Khione has been the girl everyone admired from afar-the kind of beauty and grace that made heads turn but never quite captured hearts. She's always been the one people appreciated but never pursued, as if she was too perfect to...