Chapter 46

3.6K 114 27
                                    

Alora Ciella POV

Nakasandal lamang ako sa aking motor hindi kalayuan kung na saan si Zianah ngayon. Sa nakalipas na mga araw napapansin kong parang palaging may nakasunod sa kaniya. Hindi ko alam kung iisa lang ba sila pero pakiramdam ko dalawa ang palaging sumusunod sa kaniya.

Hindi ko pa ito pinapaalam kila Master at Tita Ash kahit kila Zeeian at Zeejei din dahil ayaw ko naman silang mag-aalala pa tsaka hindi pa ako sigurado kung ano ba talaga ang pakay nila kay Zianah kaya nandito ako ngayon palaging nakasunod sa kaniya, sinisigurado kong nakauwi na siya ng ligtas sakanila bago ako umuuwi sa bahay.

Ilang oras na siyang nakatayo roon sa waiting shed na para bang may hinihintay, imposibleng si Theo ang ka-date niya dahil never siyang pinaghintay ni Theo at lalong hinding-hindi niya hahayaan si Zianah na maghintay sa kaniya ng ganito katagal.

Halos wala na ring tao sa university dahil maga-alas siyete na ng gabi. Ibinaba ko ang gamit at helmet ko sa motor ko para puntahan si Zianah. Maggagabi na at delikado na kung mananatili siyang nakatayo roon habang naghihintay. Ihahatid ko na siya sa kanila.

"Hey, Alora!" masayang bati ni Isha sa akin. Humarang siya sa harap ko kaya naatatakpan niya na ngayon si Zianah. "H-hey..." sagot ko habang nililingon ang pwesto ni Zianah. "Wala ka bang kotseng dala? I can drive you home." saad niya habang nakangiting nakatingin sa akin.

Mas lalo niyang naharangan ang pwesto ni Zianah kaya medyo natulak ko siya para makita kung nandun pa ba si Zianah. At saktong pagkakita ko ay may isang itim na van ang tumigil sa harap niya at hinila siya papasok.

"ZIANAH!" sigaw ko.

Bago pa man ako makatakbo papunta sa kaniya ay tinutukan ako ng lalaking dumukot sa kaniya ng baril at walang pasabing ipinutok sa kinaroroonan ko kaya mabilis kong tinulak pababa si Isha.

Fuck!

Kung hindi kase sana siya humarang edi sana hindi nawala sa tingin ko si Zianah. "A-are you okay?" I asked her habang chinecheck kung natamaan ba siya ng bala. "Y-yeah.." natatakot niyang sagot. Nanginginig din ang katawan niya sa takot.

Saktong pagtayo namin ay lumabas sila Theo, Allyson, Zeejei, at Zeeian sa main exit habang nag-aalalang nakatingin sa aming dalawa ni Isha na katatayo lamang habang nagpapagpag ng sarili.

"What was that?" tanong ni Allyson. "D-dinukot si Zianah, Zeej!" sigaw ko na kinabigla nilang lahat. "WHAT?!" sigaw nilang lahat. "I-I'll call the police." sabi ni Theo habang hawak ang cellphone.

"Wala ng oras kung hihintayin pa natin ang mga pulis." sagot ni Zeeian at kinuha ang phone niya sa kaniyang bulsa.

Kita sa screen ng phone niya ang location nilang tatlong magkakapatid. Medyo mabilis ang takbo ng sasakyan na kumuha kay Zianah at hindi ko rin halos alam kung saan sila papunta dahil papalayo na sila ng papalayo sa siyudad.

"Akin na 'to, mauuna na ako kung na saan si Zianah. Mayroon namang ganito kay Zeej, 'di ba?" sagot ko at hinablot ang cellphone ni Zeeian. "Alora! Delikado ang gagawin mo lalo na kung mag-isa ka lang!" sigaw ni Allyson sa akin habang hinihila ang damit ko papalayo sa motor ko. "Bitiwan mo ako, Allyson! Kaya ko ang sarili ko!" sigaw ko. "Alora! Paano kung mapahamak ka? Hintayin na lang natin ang mga pulis!" sigaw niya pabalik habang mahigpit na nakakapit sa leather jacket ko.

I punched her arms as hard as I can kaya napabitaw siya sa pagkakakapit sa jacket ko. Tumakbo na kaagad ako patungo sa motor ko at mabilis na sumakay doon. I heard them shout pero hindi na ako nagpapigil pa sa kanila dahil mas importante ang safety ni Zianah kaysa sa safety ko ngayon.

Pasalit-salit ang tingin ko sa daan at sa cellphone ni Zeeian na nasa phone holder, ang bilis kaseng makalayo ng sasakyan na dumukot kay Zianah kaya halos paliparin ko na rin ang motor ko sa sobrang bilis para lang mahabol sila.

Why Not Me? (Bravo Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon