Alora Ciella POV
This is the last day of foundation day at mamaya ay may concert na gaganapin sa quadrangle na taon-taon talagang ginagawa ng university. Naipanalo ng team namin ang bawat laro laban sa Intramurals Basketball Champion kaya naman kami ang lalaban sa special guests for this year.
"Mommy, where's momma?" tanong ni Zeeian kay Tita Ash. Kasama ko ngayon sila Tita Ash, Zeejei, Zeeian and Zianah. Nandito rin ang buong pamilya nila na nauna ng maupo sa pwesto nila kaya naman mas lalong dumami ang mga outsiders na bumisita sa university dahil alam nilang kumpleto ang Team Bravo ngayon dito sa CAU.
Madalas kase sila talaga ang inaabangan ng mga students at outsiders tuwing foundation day dahil never pa silang pumalya na umattend ng mga events sa CAU. Kanina nga ay dinumog ang Sky Cafe dahil sila lang naman ang naging crew at barista sa coffee shop ng tatlong magkakapatid kaya halos lahat ng security personnel ay naroon sa rooftop dahil nagkakagulo ang mga tao dahil sa kanila.
"I don't know, baby. Baka kasama na nila mamala mo roon sa loob." Sagot ni tita Ash. Sobrang dami kase talagang tao ngayon kaya kinailangan pa kaming ihatid ng mga body guards nila papasok ng gymnasium. Mostly na nandidito ngayon ay mga outsiders talaga which is expected na rin kaya mas dumoble ang security dito sa university.
"Oh My Gosh!" biglang sigaw ni Zianah. "What happened?" sabay-sabay naming tanong apat.
"I-I'm sorry, Miss Zianah. H-hindi ko po sinasadya." Pagpaumanhin nung babae habang may hawak-hawak na tray. "P-pasensya na po talaga, ma'am.. Hindi ko po t-talaga sinasadya.." naiiyak na pagpapa-umanhin ng babae. "It's fine, just be careful next time." Sagot ni Zianah habang pinupunasan ang damit niyang natapunan ng chocolate shake.
"I am sorry, ma'am. Hindi po namin siya nakita." Paghingi ng tawag ng sa sa body guard nila. "I-I'm really sorry po, Miss Zianah. Nagkakatulakan po kase talaga. Pasensya na po talaga." pagmamaka-awa nung babaeng may hawak ng tray. "It's fine. Don't worry." Sagot ni Tita Ash at nginitian ang babae to assure her habang pinupunasan din ang damit ni Zianah.
"Yan-yan, do you have extra shirt for your ate?" tanong ni Tita Ash kay Zeeian. "Hindi ko po dala ang gamit ko, mommy." Sagot ni Zeeian. "I have, tita. Kaso po Jersey lang hindi shirt." Sagot ko at kinuha ang pamalit ko sana na jersey.
"It's fine. Thank you, Alora." Sabi niya at kinuha ang jersey mula sa akin. "Mommy, mauuna na lang po kami sa loob. Samahan mo na lang po muna si Khione magbathroom." Paalam ni Zeejei na tinanguan lamang ni Tita. Nauna naman si Zeejei maglakad patungo sa pwesto ng pamilya nila kaya sumunod lamang kami ni Zeeian sakaniya. Mostly of their body guards ay pinasama nila kila Tita Ash at Zianah for their safety.
"Alora!" rinig kong tawag sa akin ni Mamala. "Mamala!" mabilis akong nagtungo sa pwesto niya para yumakap. "Hindi ko alam na naglalaro ka pala ng basketball." Natatawang saad niya. "Hindi po ba halata sa katawan ko, mamala?" Natatawang tanong ko sa kaniya. Ang payat ko kase at hindi rin ganun kalaki ang katawan ko katulad kay Zeeian. Nag-uumpisa pa lang din akong magkaroon ng laman bago ako magsimulang magwork out kasama ang magkapatid.
"Hindi nga eh, baka kaunting tulak lang sa 'yo tumilapon ka na kaagad." natatawa niyang sagot na ikinasimangot ko. "Mamala naman!" asar-talo kong sigaw. "Oh siya sige na. Galingan mo maglaro kailangan magpakitang gilas ka kay Zianah dahil ganyan ang ginawa ng anak ko noon para mapansin siya ni Asteria. Malay mo naman gumana rin sa apo ko, 'di ba?" Natatawa niyang kwento.
Medyo Confident naman kaming mananalo kami sa laro dahil kahit ang Champion ng Intramurals na Engineering Department ay hindi nanalo sa amin. Pero dahil special guest daw ang makakalaban namin ay wala kaming ideya kung paano sila maglaro o kung sino sila kaya medyo kinakabahan pa rin ako.
BINABASA MO ANG
Why Not Me? (Bravo Series 2)
RomanceAll her life, Zianah Khione has been the girl everyone admired from afar-the kind of beauty and grace that made heads turn but never quite captured hearts. She's always been the one people appreciated but never pursued, as if she was too perfect to...