Chapter 75

5.2K 133 30
                                    

Zianah Khione POV

"A-achi.." Hindi ako makapaniwalang nakatingin ngayon kay Achi na seryoso lang na nakatingin sa akin habang yakap-yakap ang anak namin.

"H-hon.." Mabilis akong tumakbo patungo sa kama niya at niyakap siya nang napakahigpit. I can't stop crying, it's been two years. Dalawang taon na ang lumipas at ngayon lang siya nagising.

"T-tubig.." hirap na hirap niyang sambit kaya kumalas ako sa yakap at kinuhanan siya ng tubig. Pinanood ko lang siyang inumin ang tubig sa baso bago ulit lumapit sa kaniya.

"Mommy Cienna! Mommy Cienna!" sigaw ko ng biglang umiyak si Achi. Dali-dali namang tumakbo paakyat dito si Mommy at lumapit sa aming dalawa ni Achi.

"A-anak.. Anong masakit? Anong nararamdaman mo? Sabihin mo kay mommy." naiiyak na tanong ni Mommy Cienna habang hawak-hawak ang mukha ni Achi.

"H-hindi ko maramdaman ang mga paa ko! I can't even move it!" sigaw niya habang walang sawang pinagsusuntok ang kaniyang hita.

"Calm down, Ciella. Tatawagan ko lang ang doctor mo." nagpapanic na saad ni Mommy Cienna at dali-daling tinawagan ang doctor ni Alora.

"Hon.. D-do you remember me?" Naiiyak na tanong ko sa kaniya. She just looked at me seriously na para bang kinikilala niya ako.

Pinagpatuloy niya lang pananakit sa sarili niya habang umiiyak. I tried to calm her pero hindi siya nagpapa-awat sa akin.

"Ciella! Enough!" sigaw ni Mommy Cienna kasama ang doctor.

Huminahon si Achi habang chine-check siya ng doctor. Nakayakap lang sa akin si Mommy Ciena habang umiiyak na nakatingin kay Achi.

"You're doing good, Alora. Everything is normal." sabi sa kaniya ni Doc. "W-why can't I move my lower body?" she asked, crying.

Makahulugang tumingin ang doctor kay Mommy Cienna bago siya dahan-dahang tumango sa doctor.

"Your lower body got the severe damage because of the incident, Alora. However, the numbness of you lower body is just temporary, you will regain it again by the help of some therapy."

"I-is that all, doc?" she asked. May tono ng pagkapanatag ang pananalita niya.

"Unfortunately, your reproductive system was also damaged." dahan-dahang paliwanag ng doctor. "You're capability to impregnate someone decreases." dagdag ng doctor bago tuluyang lumabas ng kwarto.

"Zianah, ikaw na muna ang bahala. Ihahatid ko lang ang doctor." sabi ni Mommy Cienna.

"H-hon.." pagpapakalma ko sa kaniya. "Everything will be alright. Therapy lang naman ang kailangan mo at babalik din ang lahat. Makakapaglakad ka na ulit." paliwanag ko sa kaniya.

I was about to hugged her ng bigla niyang iniiwas ang sarili niya sa akin.

"I can't give you a child, Zianah." she stated while crying. "Wala ka ng aasahan sa akin! Just leave me alone!"

"Hon.." I cried. I tried reaching her hand pero wala. Iwas siya sa akin.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ng doctor? Baldado na ko, Zianah! Baldado na nga nabaog pa!" sigaw niya. "Iwanan mo na ko! Umalis ka na! Wala ka ng mapapala sa akin!"

Halos manghina ang katawan ko sa mga naririnig kong salita mula sa kaniya. Hindi ako naghintay ng dalawang taon para lang iwanan siya.

I understand her frustration pero wala naman na kaming magagawa roon. As long as buhay siya, sobra-sobra na yun sa akin.

"Ciella!" sigaw ni Daddy Alonzo pagkapasok niya ng kwarto. Naiiyak siyang lumapit kay Achi pero bago pa man siya tuluyang makalapit ay napahinto na lang siya dahil sa galit ni Alora.

Why Not Me? (Bravo Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon