Daciana Kielle POV
Dalawang linggo na halos ang lumipas mula noong gabing nakidnap si Zianah. Tatlong araw din siyang hindi pumasok at ang sabi sa akin ni Zeeian ay iwas daw ang ate niya sa mga tao. Lalo na sa mga lalaki.
Mula rin noong araw na itinaboy niya ako ay hindi ako nagsawang suyuin at bisitahin siya kahit alam kong walang Zianah ang haharap sa akin sa tuwing magpupunta ako.
Alam ko rin naman na napakalaking pagkakamali ang nagawa ko kahit pa sabihin kong hindi ko naman sinasadyang makalimutan ang tungkol sa date naming dalawa.
Hindi na rin pa bumalik ang mga magulang niya sa ibang bansa at mas pinili na muna nilang manatili sa tabi ni Zianah kahit pa mas lumaki raw ang problema na ikinahaharap ng company ni Mrs. Bravo sabi ni Zeeian sa akin.
I grabbed that opportunity na rin to ask for their consent na kung pwede ko sanang bisitahin si Zianah sa bahay nila na mabilis din naman nilang pinayagan. Hindi ko lang masabi sakanilang dalawa na nanliligaw na ako sa anak nila. Hindi ko pa kase kaya, natatakot pa ako sa magiging reaction nilang dalawa kapag nalaman nilang may gusto ako sa anak nila.
I was planning na rin naman to ask for their approval na ligawan ko si Zianah pero hindi pa siguro ito ang tamang oras para sa ganito kaya mas pinili ko na lang na magfocus na muna sa panunuyo kay Zianah.
Halos lahat na ata nagawa ko na pero hindi pa rin ako nagawang pansinin ni Zianah. Tuwing walang pasok ay maaga pa lang ay nasa kanila na ako. Sinasamahan ko siyang magdilig ng mga halaman niya sa garden nila, pinanonood ko siyang gumawa ng mga plates niya, natuto na nga rin ako magluto dahil gusto kong makuha ang atensyon niya.
Pero sa dami ng ginawa ko ay kahit isang beses ay hindi niya ako nagawang kausapin o kahit tapunan man ng tingin. Tango at iling lang ang tanging sinasagot niya sa akin sa tuwing kinakausap ko siya.
Ramdam ko ang distansya na mayroon kami ni Zianah dahil sa isang pagkakamaling nagawa ko. Alam ko naman na kasalanan ko kung bakit siya ganito kaya kahit ang sakit sa akin na hindi niya ako pinapansin ay wala akong magawa kung hindi tiisin na lang hanggang sa mapatawad niya na ako.
Nang-ika apat na araw ay pumasok na rin naman siya. Sobrang daming body guards ang nakapalibot sa kaniya. Sobrang naghigpit na rin ang university sa mga kotseng pumapasok at lumalabas dito.
Hindi rin magawang lumapit ni Theo sakaniya. Kita ko ang pagtanaw nito mula kay Zianah sa malayo. The last time Theo and I talked ay yung gabing nakindap si Zianah. After non ay hindi na kami nagkalapit at nagka-usap pang muli.
Sa dalawang linggong pagsuyo ko kay Zianah ay siya namang pagsuyo ni Theo kila Ms and Mrs Bravo. Halos isang linggo ata ang itinagal ng suyuan bago niya napalambot si Mrs. Bravo.
Ramdam ko naman ang lamig at ang nakakatusok na tingin sa akin ni Ms. Bravo sa tuwing bumibisita ako sakanila. Yung tingin niya noong tapatan niya ako ng baril sa ulo dati, ganun na ganun pero mas lumuwag naman siya sa akin kaysa dati.
Hindi ko pa rin nasasabi sakanila na ako ang taong hinihintay ni Zianah sa waiting shed noong gabi na nakidnap siya. Hindi rin naman ako pinilit ni Theo na umamin kaya naghahanap na lang ako ng tiyempo para umamin sakanilang dalawa.
"Are you done?" masungit na tanong sa akin ng head ng Senior High school department. Itong babaeng ito ang rason kung bakit nawala sa isip ko ang date namin ni Zianah. Nalaman ko na hindi naman pala niya pinapasa ang reports na pinagagawa niya sa akin, ang sabi-sabi base sa mga naririnig ko ay parang naiinggit siya sa akin dahil close ko si Mr. Ashford at mukhang natatakot siya na palitan ko ang pwesto niya pagdating ng araw.
"Yup. Naipasa ko na kay Mr. Ashford." walang emosyon kong saad habang nakatingin sa laptop ko. "I told you to bring that in my office dahil iche-check ko pa!" sigaw niya sa akin. Kitang-kita ko ang pamumula ng mukha niya habang masamang nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Why Not Me? (Bravo Series 2)
RomanceAll her life, Zianah Khione has been the girl everyone admired from afar-the kind of beauty and grace that made heads turn but never quite captured hearts. She's always been the one people appreciated but never pursued, as if she was too perfect to...