Alora Ciella POV
Pitong araw na pala ang nakalipas mula ng ikulong ako rito at pitong araw na rin akong naghihirap dito sa impyernong ito. Nagising na lang ako ng wala na ang mga tauhan ni dad. Wala na rin ang mga dugo ko na nagkalat sa lapag at ang kintab na rin ng lapida ni ate na parang kagabi lang ay punong-puno ng talsik ng sarili kong dugo. Ramdam ko na rin ang panghihina ng katawan ko. I haven't eat for days now at maski ang tubig ay pahirapan nilang ibinibigay sa akin. Punong-puno na rin ng sugat at dugo ang buong katawan ko. Maski ang puting damit na suot ko noong nakaraan pa ay halos itim na ang kulay.
Buong lakas akong gumapang papalabas ng sementeryo kung nasaan nakalibing si ate. This place became my own hell dahil dito ako pinarurusahan ni dad sa tuwing may ginagawa akong hindi niya nagugustuhan. He personally chose this place para raw kapag namatay ako ay deretso libing na lang daw since wala namang nakakakilala sa akin bilang anak niya at wala rin namang iiyak at magluluksa kapag nawala ako. Walang kahit isang trabahador dito sa sementeryo ang naglakas-loob na tumulong sa akin, lahat sila ay pinanonood lang akong gumapang sa putikan para lang makalabas sa impyernong ito.
"A-ACHI!" iyak na sigaw ni Zeejei ng makita ako. Mabilis siyang tumakbo papalapit sa akin at hinubad niya ang jacket na suot niya para ipasuot sa akin. Nanghihina na talaga ako kaya binuhat na niya ako papasok ng kotse niya. Inihiga niya ako ng maayos sa backseat bago bigyan ng tubig na nasa bote.
"I-i cooked your favorite, Achi. I'm so sorry." umiiyak na saad niya habang pinupunasan ang mukha ko na punong-puno ng putik at sarili kong dugo. "I-It's not your fault, Zeej." naghihina kong sagot sa kaniya. Pinanood ko lang siyang lumabas ng backseat para magtungo sa driver's seat hanggang sa kusa ng pumikit ang mga mata ko.
"She just need to take a rest for awhile. Masyado siyang nadehydrate at nainfection din ang mga sugat na tinamo niya pero overall naman hindi naman malubha ang lagay niya ngayon. She just need to take a rest and eat a lot of food to gain her energy again." rinig kong sagot ng doctor kay Zeejei pagkagising ko.
Ang huling naaalala ko na lang ay nasa kotse kaming dalawa. I look around the room at mukhang hindi naman hospital ito hindi rin siya mukhang kwarto sa bahay kaya nagtataka ako kung saan ako dinala ni Zeejei.
"Achi.." nag-aalalang saad niya. Naupo siya sa tabi ko habang hinahaplos ang buhok ko. May dextrose na rin na nakatusok sa akin ngayon kaya siguro medyo gumaan na rin ang pakiramdam ko "Zeej, where are we?" nanghihinang sagot ko. "Nasa condo tayo." Sagot niya. "May condo ka? Bakit hindi ko alam?" nagtatakang tanong ko. "This is one of mommy and momma's project together and see those two building there? That's yan-yan's and khione's. The idea came from the famous twin tower pero triplets ang gawa ni mommy since tatlo kaming magkakapatid. Hindi mo alam ito kase hindi naman kami pwede rito lalo na baka mag-uwi raw kami ng babae rito." pagpapaliwanag niya sa akin.
"Sabi ng doctor you have to eat daw. I already cooked Beef with broccoli ayun na muna ang kainin mo bago ka magburger with a lot of cheese." sabi niya at naglakad na papalabas ng kwarto. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kung wala si Zeejei sa buhay ko. Kung hindi ko lang siguro siya bestfriend at kung wala siguro siyang hotdog baka niligawan ko na siya.
"Here's your food, Achi. Gusto mo subuan pa kita?" natatawang tanong niya habang bitbit ang tray ng pagkain. "Depende kung anong isusubo mo sa akin." sagot ko na ikinamula ng mukha niya. "Hoy! 'yang bibig mo talaga! Nanghihina ka na nga gusto mo pa magpatira sa akin! Bading ka ba!?" sigaw niya na ikinatawa ko nang malakas. "Kahit ano namang isubo mo sakin isusubo ko naman, Zeej." malanding sagot ko sakaniya. "Mangilabot ka naman, Alora! Tangina pareho tayong may tite kung sana babae ka pwede pa." sagot nito habang niyayakap ang sarili.
BINABASA MO ANG
Why Not Me? (Bravo Series 2)
RomanceAll her life, Zianah Khione has been the girl everyone admired from afar-the kind of beauty and grace that made heads turn but never quite captured hearts. She's always been the one people appreciated but never pursued, as if she was too perfect to...