Chapter 67

4.8K 134 14
                                    

TW: Abused. Violence. R18!

Alora Ciella POV

Nagising akong wala na si Zianah sa tabi ko at tanging kaming dalawa na lang ni Cloud ang nasa kama. Wala na rin ang maleta niya na nakalapag lang kagabi sa may sahig.

Nagpaalam naman siya sa akin na maaga siyang aalis bago ako makatulog pero hindi ko pa rin maiwasan maging malungkot kapag iniisip kong tatlong araw wala si Zianah.

Nagulat ako ng biglang tumunog ang iPad ko na nasa side table. Nangmakita kong si Zianah ang tumatawag ay agad-agad ko itong isinagot.

"Good morning, hon! Did I wake you up ba?" tanong niya sa akin. Inaayusan na siya ng makeup artist habang nakasuot lang si Zianah ng bathrobe na nakalaylay yung bandang kaliwa niyang balikat.

"No, hon. Nagising na ako before ka pa tumawag pero hindi pa ako bumabangon. May interview na kaagad kayo?" tanong ko naman sa kaniya.

Bumangon na ako habang hawak-hawak ang iPad ko patungo sa kusina. Si Cloud ay nakasunod lang sa likuran ko.

"Yes, hon. This interview will be live kase internationally. Yung mga interview naman later ay hindi na live. Maybe mamayang gabi na ulit ako makakatawag sayo dahil we have a lot of interviews for today." malungkot na saad niya sa akin.

"It's fine, hon. Kailan kayo uuwi? Anong exact time?  Para masundo ko kayo." sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.

"Hoy, Vandeleur! Ilang oras palang wala si Khione diyan sa tabi mo tapos pina-uuwi mo naman kaagad! Ikalma mo 'yang betlog mo!" sigaw ni Master na nasa likuran lang pala ni Zianah.

"Don't mind her, hon. Our flight will be on sunday at ang arrival namin is 7pm." sagot niya sa akin.

Narinig kong nagsalita ang nag-aayos sa kaniya na kailangan niya ng magbihis kaya she just look at me apologetically na kinatanguan ko rin naman kaagad.

"Before you end the call, hon. Saan ko mapapanood yung live stream ng interview?" tanong ko dahil I want to watch my girlfriend on TV.

"I'll send you the link later, hon. I got to go na. See you later, I love you so much!" she said and kissed the screen a lot of times.

"Okay, hon. See you later! I love you so much too!" I answered and kissed the screen of my iPad too which made her giggle.

Maangas akong tao pero kapag gusto ni Zianah kahit ano pa yun ay ginagawa ko talaga.

Wala eh, under.

Habang nagluluto ako ng pagkain namin ni Cloud ay naka-abang ako sa interview na magaganap sa pamilya nila thru the link she sent me earlier.

Sobrang daming nanonood from all over the asia. Lagpas 1 million na nga kaming nandito sa link na sinend ni Zianah may iba pang links na nakita ko sa internet na may halos million din na manonood.

Saktong pagkatapos kong magluto ay nagstart na sila. Pinakilala pa silang lahat at naglakad pa sila sa parang isang red carpet na napapaligiran ng mga photographers at videographers kasama ang mga reporters mula sa iba't-ibang bansa.

Napakaganda ng girlfriend ko na halos lahat ng photographers na naroon ay nagsasalit ng tingin sa kaniya at kay Tita Ash.

Nakasuot siya ng puting tube na dress na fitted sa kaniya kaya kitang-kita ang kurba ng katawan niya, isama mo pa ang flat na flat niyang tiyan at ang makinis niyang balat.

She's walking elegantly habang nakahawak ang magkabilang braso niya sa braso nila Zeejei at Zeeian na nakaputing polo at tuxedo rin ngayon.

Noong una ay hindi ko maintindihan ang sinasabi nila dahil nawala ang subtitle pero mabuti na lang at nagkaroon din bago pa man pasagutin si Zianah.

Why Not Me? (Bravo Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon