Daciana Kielle POV
"Nakidnap si Zianah."
4pm, Waiting shed.
Si Zianah. May date nga pala kami ni Zianah. Alas kwatro ng hapon ang usapan namin at halos maga-alas otso na ng gabi. She's been waiting for me for four hours, how could I forgot about our date?
Mabilis akong tumakbo papalabas ng opisina ko at nagmamadaling nagpunta sa Waiting shed wala na akong pakielam sa mga sigaw ni Allyson, ang mahalaga sa akin ngayon ay si Zianah.
Nanlalamig ang buong katawan ko dahil sa kaba at mas nanghina ang mga tuhod ko dahilan para mapa-upo ako sa lapag ng makita ko ang pagkarami-raming pulis sa waiting shed.
May harang na roon habang napapalibutan ang lugar ng mga estudyante mula sa iba't-ibang universities na mukhang kumukuha ng impormasyon tungkol sa nangyari, may mga pulis rin na nagbabantay at mayroon ding mga nag-iimbestiga. Natanaw ko roon si Ms. Chua na umiiyak habang nakayakap siya kay Mr. Ashford na may kausap na mga pulis. Kita ko rin ang dalawang bala ng baril na nasa lapag na sa tingin ko ay kakailanganin nila sa pag-iimbestiga.
"M-mr. Ashford, n-nasaan po si Zianah? May balita na po ba kayo? Sino po ang gumawa sakaniya nito?" sunod-sunod na tanong ko. Hindi ko na mapigilan na pagtulo ng luha ko hindi ko alam kung dahil ba sa pag-aalala o dahil ba sa konsensya ko.
"Wala pang balita.. Kahit sila Zeejei at Zeeian ay nawawala rin." kalmadong sagot ni Mr. Ashford pero bakas pa rin ang pag-aalala sa mga mata niya. "Daddylo.. Mommyla.. Nasa bahay na raw po silang tatlo.." hingal na saad ni Allyson sa dalawa hawak-hawak ang cellphone niya. "A-anong nangyare?! Ayos lang ba sila?! S-sinong may gawa nito sa apo ko?!" sunod-sunod na sigaw ni Ms. Chua.
"Hindi ko pa po alam.. Pero wala raw pong malay si Zianah ngayon sabi ni Zeejei." sagot nito kaya mabilis na sumakay sila Mrs. Chua at Mr. Ashford para umuwi. Hindi ko na rin pa hinintay si Allyson at patakbo akong nagtungo sa kotse ko para puntahan si Zianah.
"Ako na ang magmamaneho." sambit niya at kinuha ang susi mula sa akin. Hindi ko alam kung bakit parang ang kalmado niya ngayon knowing na nakidnap ang kaibigan niya. Bakit parang wala lang sakaniya? Bakit hindi siya nag-aalala? Wala ba siyang pakielam kay Zianah?
"Alora was there when it happened. Pinigilan ko siya pero hindi siya nagpapigil. Knowing Alora, she will do anything for Zianah. Alam kong walang mangyayareng masama kay Z as long as nandito si Alora. Ganun niya kamahal ang kaibigan ko, Daciana." biglang saad niya habang nagmamaneho.
This is my fault! Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyare kay Zianah. Kung hindi lang kase ako padalos-dalos sa pagdedesisyon edi sana hindi nangyare ang ganito sakaniya. Hindi sana napahamak si Zianah ng dahil sakin.
Dali-dali akong bumaba ng kotse ng makarating kami sa tapat ng bahay nila. Lahat ng tao roon ay aligaga at hindi alam kung ano ang uunahin nila. Pagkapasok namin ng bahay nila ay tumambad kaagad sa akin ang mga nagkalat na tulo ng dugo sa sahig. Sinundan ko ang mga tulo ng dugo na papunta sa hagdan papa-akyat ng second floor.
Halos manghina ang katawan ko ng maisip ko si Zianah, I was so stupid. Napakacareless ko. I made her wait for hours kaya nangyare ang ganito. Kung nakinig lang sana ako kay Theo hindi sana siya mapapahamak ng ganito.
Mabilis akong napalingon sa may ibaba ng may marinig akong malakas na iyak at sigaw. It was Mrs. Bravo habang nakatingin sa mga dugo na nagkalat sa lapag. Halos manghina at manginig ang katawan niya na mabilis ding naisalo ni Ms. Bravo na galit na galit ngayon.
"Ianah! Ang anak ko!" malakas na sigaw niya habang umiiyak. Nakaluhod siya sa may lapag habang nakatitig sa dugo na nagkalat sa may harapan niya. Binuhat siya ni Ms. Bravo at nagmamadaling umakyat patungo sa kinaroroonan ko. Mrs. Bravo is just crying so loud na maski ang mga katulong na kasama namin ay napapa-iyak habang nakatingin sakanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Why Not Me? (Bravo Series 2)
RomanceAll her life, Zianah Khione has been the girl everyone admired from afar-the kind of beauty and grace that made heads turn but never quite captured hearts. She's always been the one people appreciated but never pursued, as if she was too perfect to...