Daciana Kielle POV
"Kielle! Bumangon ka na nga riyan! Tanghali na!" malakas na sigaw ni mama mula sa ibaba. Inis akong bumangon habang nanatiling nakapikit ang dalawa kong mga mata. Ngayon na nga lang ako makakabawe ng tulog ini-istorbo pa ni mama.
Wala na rin naman akong nagawa kung hindi bumangon at mag-ayos ng higaan ko. Inimbitahan kase kami ni Mr. Asher Zeke, ang kapatid ni Mrs. Asteria na magpasko sa Isla del Bravo dahil umuwi sila ng kaniyang asawa ngayon sa Pilipinas.
Sobrang excited si mama dahil makakasama niya na ulit si Zianah kaya nagmamadali na naman siya para bumili ng mga regalo na ibibigay sa pamilya nila. Sa totoo lang ay humingi ako ng listahan kay Zeeian ng mga pamilya nilang nasa Isla del Bravo ngayon na medyo pinagsisisihan ko dahil buong pamilya pala talaga silang naroon. Maski si Mr. Ashford ay nagpasko rin kasama sila.
Kunot-noo akong napatingin sa isang lalaki na nakatayo hindi kalayuan sa bahay namin. Kitang-kita siya ngayon sa kwarto ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na bang nahuhuli 'yan na nakatayo at parang nag-aabang sa labas ng bahay namin palagi pero maski isang beses ay wala pa naman siyang ginagawang masama at hanggang titig lang talaga.
Dali-dali akong bumaba at tumakbo papalabas ng bahay para puntahan ang lalaki. Sa may likod ako dumaan para hindi niya ako makita dahil alam kong kapag nakita niya akong papalabas sa gate namin ay magmamadali rin siyang aalis papalayo sa bahay.
Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kinatatayuan niya, para siyang tanga na nakangiti habang tinatanaw si mama na nagwawalis sa maliit na hardin niya. Matangkad siya at moreno rin, halatang mga tipo ni mama sa lalaki.
Jowabels kaya siya ni mama? Ang ina ko ay nagdadalaga na.
"Huli ka!" sigaw ko habang hawak-hawak ang dalawang kamay niya. "Sino ka? at bakit palagi kang nakatanaw sa bahay namin, ha!?" sigaw ko na ikinagulat niya.
Nakatingin lang siya sa akin habang ilang beses napapalunok. "A-ako si-" hindi niya na natapos ang sasabihin niya ng bigla siyang patumbahin sa lapag ni Allyson na mukhang kararating.
"Are you okay? Sinaktan ka ba niya?" nag-aalalang tanong niya sa akin. Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin sa lalaki na iniinda ngayon ang sakit ng likod niya. "Kielle! Anong nangyare anak?" nag-aalalang sigaw ni mama habang tumatakbo papalapit sa amin.
"Good morning po, ma!" masayang bati ni Allyson sa kaniya. Kita ko na naman ang nakaka-inis niyang mga ngiti habang nakatingin kay mama. "Magandang umaga, Alley! Anong nangyari? Sinaktan ba kayo ng lalaki? Teka, tatawag ako ng barangay." nagpapanic na sambit ni mama.
"It's fine, ma. Kaya ko naman pong patumbahin itong lalaki na 'to. Binastos niya po ata kase si Daciana, ma." paliwanag ni Allyson at lumapit sa tabi ni mama.
"I-ian?" gulat na sambit ni mama ng makita ang lalaking dahan-dahang tumatayo mula sa lapag. Bakas din ang gulat sa mukha nung lalaki ng makita si mama na nakatingin sa kaniya ngayon.
Sabi ko na nga ba eh! Jowabels ng nanay ko ang lalaki na 'to.
"Magkakilala po kayo, ma?" kunot-noong tanong ni Allyson kay mama. "Oo!" mabilis na sagot ni mama. "Hindi!" sigaw naman nung lalaki. "Ano po ba talaga?" tanong naman ulit ni Allyson sa dalawa.
"Wow! Ikaw pa may ganang magdeny sa relasyon niyo ni mama? Sino ka ba ha? Bakit palagi kang nakatanaw sa bahay namin? Huwag mong ligawan ang nanay ko kung takot ka naman palang humarap sa akin!" sunod-sunod na tanong ko sa lalaki.
BINABASA MO ANG
Why Not Me? (Bravo Series 2)
RomanceAll her life, Zianah Khione has been the girl everyone admired from afar-the kind of beauty and grace that made heads turn but never quite captured hearts. She's always been the one people appreciated but never pursued, as if she was too perfect to...