TW: Violence
Alora Ciella POV
"Alora.."
Mabilis na napabitaw si Zianah sa pagkakayakap kay Miss Messina. She is just looking at me habang ako ay sunod-sunod na ang pagtulo ng aking mga luha.
Nahuli na naman ako.
The way she hugged her tightly shows how important she is in her life. At alam kong wala na akong laban sa pagkakataon na ito.
She was the reason kung bakit siya napahamak noong gabi na 'yun. Pero paano niya nagagawang yakapin ng ganun ang babaeng naging dahilan ng pakakidnap niya?
Walang duda. She love her so much. She love her so much to the point na kinaya niyang patawarin yung taong yun!
I just smiled painfully at her. If Miss Messina makes her happy, sino ba naman ako para ipagkait yung kasiyahan na yun sakaniya 'di ba?
Tumalikod na rin ako para lumakad papalayo sa kanilang dalawa. It hurts so much seeing the woman I love for how many years now loving someone else.
"Alora!" sigaw niya at hinila ang braso ko dahilan para mapahinto ako sa paglalakad. "It's not what you-"
"Do you love her, Z?" I asked while crying. "Siya na ba ang napili mo?" umiiyak na tanong ko sakaniya. "I... I don't-" hindi niya siguradong sagot.
I don't what? Eh kitang-kita naman sa kanilang dalawa na pareho nilang mahal ang isa't-isa. Kita ko rin ang kahon ng singsing na hawak-hawak ni Miss Messina kanina.
Impossible namang kay Allyson 'yun dahil tanaw ko rin siya sa kabila habang umiiyak na nanonood sa kanilang dalawa kanina pa.
"Nandito rin naman ako, Z. Bakit hindi na lang ako? Bakit hindi ako yung pinili mo?" I sobbed harder.
"Umamin din naman ako sa iyo. Pinakita ko rin naman sayo na mahal kita, pero bakit? Bakit ako ginaganito mo pero pagkasakaniya... hindi ka naman ganun?"
Nakatingin lang siya sa akin habang nakikinig sa mga sinasabi ko. Walang emosyon ang mukha niya but, tears started to fall from her eyes.
"Mahal din naman kita, Zianah. I do love you more than they love you.. Pero bakit hindi na lang ako?Why not me, Zianah?" I added and cried harder in front of her.
Gustong-gusto kong marinig sa kaniya mismo na siya ang pinili niya. Na she started loving her. So that, I can finally let her go.
Handa naman na akong magparaya. Pagod na rin kase ako. Pagod na akong patunayan sa kaniya na hindi ako katulad ng mga taong nagkakagusto sa kaniya tapos biglang titigil kung kailan nila gusto.
Pagod na akong patunayan na totoo ang nararamdaman ko. Pagod na akong ipagsiksikan ang sarili ko sa kaniya.
Ang sakit niyang mahalin.
"It's okay, Zianah. I know naman na rin ang sagot. If you really love her it's fine with me. Huwag mong isipin ang nararamdaman ko. I do accept rejection naman." I answered and smiled at her painfully.
"Alora.."
"Mahal kita, Zianah. Mula noon hanggang ngayon. And if she makes you happy, I will gladly let you go." I hugged her tightly for the last time.
"Pagod na rin naman akong patunayan pa ang sarili ko sayo, Z. Be happy with her." I whispered.
Hindi siya yumakap pabalik na nagpadagdag pa sa sakit na nararamdaman ko. Nang bumitaw ako sa pagkakayakap ay dali-dali na rin akong umalis sa harap niya. Ayaw ko ng makita pa siya dahil baka mas mahirapan pa akong pakawalan siya kapag nakita ko pa ulit siya.
BINABASA MO ANG
Why Not Me? (Bravo Series 2)
Roman d'amourAll her life, Zianah Khione has been the girl everyone admired from afar-the kind of beauty and grace that made heads turn but never quite captured hearts. She's always been the one people appreciated but never pursued, as if she was too perfect to...