Chapter 77

6.4K 157 30
                                    

Alora Ciella POV

Katulad ng gusto ni Zianah ay kasama niya akong nagpunta sa garden kung saan sila mag-uusap ng daddylo niya kasama si Master. Pagkarating namin roon ay nandun na sila at kami na lang ni Zianah ang hinihintay.

"I'm sorry." pagbungad niya ng maka-upo na kami ni Zianah sa tabi ni Master. "I'm sorry kung itinago ko sayo ang nalalaman ko, Ianah."

He started crying while kneeling in front of us. Master is just seating comfortably while looking at him.

"Sa maniwala man kayo o hindi, wala akong alam sa mga plano nila. Hindi ako kasabwat ng mga Alcantara." paliwanag niya ulit. Walang sumagot at tanging katahimikan lamang ang tanging ingay na maririnig sa buong hardin.

"Tinanggap mo ba talaga ako para sa anak mo, Mr. Ashford?" biglang tanong ni Master habang nakatingin kay Mr. Ashford.

"Ianah-"

"Alam ko namang ayaw mo pa rin sa akin, Sir. Alam kong kahit ni-isang beses hindi mo ako tinuring na anak... Pero sana huwag mo namang gawin sa mga anak ko yung ginawa mo sa amin noon ni Zee." umiiyak na si Master habang nakatingin kay Mr. Ashford.

"Kaya ko pa kung ako lang eh. Pero paawat ka naman, sir. Kadugo mo na 'yang mga apo mo e'! Masaya ang anak ko sa piling ni Alora.. Kahit ayun na lang! Kahit para sakanila na lang.. Kahit huwag na ako." dagdag ni Master.

"Ang a-alam ko kase ay anak ng isang Alcantara si Alora.. Hindi ko naman alam na totoong Vandeleur pala talaga siya.. Alora... g-ginawa ko lang 'yun kase ayaw kong madamay ang apo ko sa mga plano nila.." pag-iyak niya.

"Tama siya, Master. A-ang alam ko rin po ay isa akong Alcantara.." pagsagot ko. "H-hindi ko po sinabi kaagad sainyo kase-"

"Matagal ko ng alam na isa kang Vandeleur, Alora.. Matagal ko na ring alam na si Messina talaga ang totoong anak ng Alcantara.." sagot nito sa akin.

"Alam mo naman pala! Bakit hinayaan mo pa siyang makalapit sa apo ko!? Kamuntikan niya na ngang rape-in si Zianah!" galit na sigaw ni Mr. Ashford.

Sa sobrang galit niya ay kinuwelyuhan niya si Master kaya mabilis na napatayo si Zianah para awatin siya.

"I was there! Noong kinaladkad siya ng magkapatid na Alcantara para ipagahasa sa anak niyang baliw a baliw sa apo ko!"

"She didn't rape me. Nag-usap lang kami ng masinsinan sa kwartong 'yun! Kaya huwag na huwag mong isisisi sa kaniya ang nangyare dahil biktima lang din siya rito!" sigaw ni Zianah sa kaniya.

She already explained everything to me. No more, no less. Kaya alam kong hindi rin talaga kayang gawin ni Miss Messina ang ganoong bagay kay Zianah.

"Sa ating dalawa Mr. Ashford, mas kapani-paniwala pang ikaw ang gagawa ng katarantaduhan para sa ikapapahamak ng mga anak ko. Kaya huwag na huwag mong kwe-kwestyunin ang mga desisyong ginagawa ko para sa pamilya ko. At huwag ka ng makielam pa sa buhay amin!" sigaw ni Master habang nakatayo sa harapan ni Mr. Ashford.

"Ianah.." may kinuhang papel si Master sa loob ng isang brown envelope at ibinigay niya yun kay Mr. Ashford.

"Ito ang divorce papers namin ng anak mo! Kumpleto na 'yan lahat at last requirements na lang 'yan para tuluyan na kaming maghiwalay dalawa."

"Ianah!" gulat na sigaw ni Tita Ash habang tuloy-tuloy na ang pagtulo ng mga luha niya.

"Ito naman yung gusto niyong mag-ama, 'di ba? Ang maghiwalay tayo? Huwag kang mag-alalala, malapit na Zee. Malapit na matapos ang process ng divorce natin at tatay mo mismo ang mag-aasikaso ng huling requirements nito."

"Ianah, please.. I'm sorry.." pagmamaka-awa ni Tita Ash kay Master. "I'm tired of this, Zee. Pagod na pagod na ako sa ganito. Pagod na akong saluhin lahat ng problema na ginagawa ng tatay mo sa pamilya natin."

Why Not Me? (Bravo Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon