SPECIAL CHAPTER II

5.3K 151 10
                                    

Zianah Khione POV

Sabi nila, hindi mo raw talaga malalaman ang totoong ugali ng isang tao kung hindi kayo magsasama sa iisang bahay. Madalas daw kase na lumalabas ang totoong ugali ng isang tao kapag mag-asawa na kayo.

Yung dating ugali nila noong magkasintahan pa lang kayo ay bigla na lang daw maglalaho at magbabago.

But, I didn't believe them dahil hindi ko naranasan ang ganung bagay kay Achi.

Being a first time mom and a wife was really hard and exhausting. It feels like I am working not just for 8 hours but, for a whole day. Wala akong day off at halos mapabayaan ko na rin ang sarili ko dahil hindi lang naman isa ang anak namin kung hindi tatlo.

It was hard at first but, every time I look at my three angels ay mabilis din namang napapawi ang pagod na nararamdaman ko. Alora, my wife, really made everything easier for me. Since the day I gave birth, naging hands-on mom and a wife siya sa aming apat. She's letting me sleep every night peacefully, siya mismo ang nag-aalaga sa amin ng mga anak namin tuwing gabi.

Just like now, it's our daughters' bedtime na. Siya palagi ang nagpapatulog sa mga anak namin habang ako ay nag-aayos naman ng sarili ko, they are all still sleeping with us dahil ayaw nilang mawalay sa momma nila.

Pagkalabas ko ng bathroom ay naabutan ko silang apat na natutulog na ng mahimbing sa kama. Kuina and Kiana are sleeping on the both sides of my wife while Kaela is sleeping on my wife's chest. Achi is hugging the three of them while sleeping peacefully, too.

Minsan hindi ko maiwasang magselos dahil alam kong mas mahal talaga siya ng mga anak namin kaysa sa akin. Their closeness to each other is no joke but, I'm so thankful that her dad wanted our kids to be just like her, dahil sobrang dali niya kase talagang mahalin at sobrang lambing pa and so are our kids.

Years had passed at nagsimula ng mag-aral ang mga anak namin. I am trying to be a full time mom but, hindi talaga kaya since I am handling both Baleatty and AZeec now dahil Momma and Mommy are now retired and enjoying their life kaya I had no choice but, to handle the two big companies.

Regarding naman sa triplets ay napagdesisyunan ni Achi na mag-home schooling na lang muna ang tatlo. My wife is so busy clearing all the cases na kasabwat ang daddy niya at dahil sa bigat ng mga cases na yun ay natatakot siya na baka pati ang mga anak namin ay madamay dahil sa mga ginawa ni Daddy Alonzo noon.

Pero kahit na home schooling lang silang tatlo ay we made sure na they are still living like a normal kids. The three of them started to attend different sports clinic na sinuportahan naman namin ni Achi. Kuina loves playing lawn tennis habang volleyball naman ang kinahiligan ni Kiana and lastly, Kaela started to play basketball like her momma.

Every Saturday ang sports clinic nila. Every end of the sports clinic ay may mga friendly tournament na nangyayari. We are so thankful na hindi sabay-sabay ang laban ng mga anak namin dahil hindi talaga namin alam kung paano hahatiin ang mga katawan namin kung nagkataon.

"Good luck, triplets! You can do it! Ate Skye will watch your games."

This is the triplet's first tournament kaya sobra talaga silang kinakabahan. And this is the reason kung bakit nila gustong mag-sports clinic. They really wanted to be like their ate Skye. Sobrang galing kase ni Skye sa lahat, she can do swimming, volleyball, badminton, and even basketball. Above all, she is also good at singing, dancing and academics.

Sa totoo lang she can be a singer or a model at kahit nga mag-artista ay pwede but, Skye hates spotlight so much na nirespeto naman nila Kash at Yan-yan.

Why Not Me? (Bravo Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon