Chapter 21

3.4K 114 23
                                    

Daciana Kielle POV


The memories of what happened that night kept flashing back inside my mind. I heaved a deep sigh as I ready the things I needed for my next class. This is so frustrating, hindi ko makalimutan ang nangyare noong gabi na iyon.


Ilang araw na ang nakalipas pero hindi ako pinatutulog ng konsensya ko dahil sa pinaggagagawa ko noon. I just crossed the line and I regret it.


Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa next class ko, which is sa Senior high Department. I just walked elegantly sa corridor not minding the stares of the students who are just watching every single move I make.


"Good afternoon, class!" bati ko ng makapasok ako sa classroom.


They greeted me back while I am fixing the things I needed for my discussion. Wala ako sa mood at mukhang halata naman nila kaya they just keep quiet while waiting for me to get ready.


Hawak ko ang wireless mouse ko para sa presentation habang nakatayo sa gilid ng lamesa. Lahat naman sila ay tahimik lamang na nakikinig sa discussion ko habang ang iba naman ay nagte-take down notes.


I stopped what I am doing when someone knocked on the door.


"Good afternoon po, Ms. Messina." nakangiting bati sa akin ng isang med student.



"Yes? Do you need something?" seryosong tanong ko.


"Pinatatawag po kayo sa akin ni Mr. Ashford, pumunta raw po kayo sa President's office ngayon mismo. May importante raw po siyang sasabihin sa inyo." sabi niya na kinatanguan ko lang kaya umalis na rin siya kaagad.


"Okay, class. I have to go na just continue what you are doing earlier. We will just continue our lesson next meeting." anunsyo ko at nagsimula ng mag-ayos ng gamit.


Napapa-isip ako kung anong sasabihin sa akin ni Mr. Ashford. Siguro nakarating sa kaniya ang ginawa ko kay Zianah noong gabi na iyon. Impossible naman kaseng hindi dahil sila Ms. and Mrs. Bravo ang mismong nakakita ng pangyayari na iyon.


"Psst!" rinig ko.


Mabilis kong hinanap kung saan nanggagaling ang sitsit at nakita ko si Zeeian na natatawang nakatingin sa akin na para bang may pinahihiwatig. Tinaasan ko lang siya ng kilay at nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit ko.


"Yari ka! Bad shot ka na kaagad." biglang saad niya na ikinagulat ko.


"Tangina mo talaga, mamamatay ako ng maaga dahil sa iyo." bulong kong saad sakaniya habang nakahawak sa dibdib.


"Mamamatay ka talaga ng maaga dahil sa pinaggagagawa mo noong anniversary event. Good luck, huwag ka sanang mamatay dahil gusto ko pang makita kung paano ka irereject ni ate." natatawa niyang sagot at bumalik na sa upuan niya.


Baka pati si Zianah nagalit sa ginawa ko? Hindi na rin kase kami nakapag-usap pa non dahil dali-dali siyang kinuha ni Mrs. Bravo papalayo sa akin habang si Ms. Bravo naman ay nakatingin lamang sa akin nang masama na para bang pinagbabantaan ang buhay ko.


I tried looking for them after I realized na mali ang ginawa ko para humingi ng tawad pero nauna na raw silang umuwi non kasama si Ms. Chua at sila Zeeian kaya wala na akong nagawa pa.


Alam ko namang mali ang ginawa ko dahil para akong manyakis noong gabi na iyon kaya wala akong dapat sisihin kung hindi ang sarili ko at harapin ang magulang ni Zianah. Kailangan kong humingi ng tawad sa ginawa ko.


Why Not Me? (Bravo Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon