Chapter 70

5.2K 142 71
                                    

Zianah Khione POV

Six days had passed at hindi na nga talaga umuuwi sa amin si momma. The four of us are now staying at the penthouse dahil kahit sa bahay ay hindi na nagpupunta ang mga pinsan namin kahit pa si mamala.

Calix told us na sinabihan sila ni momma na huwag na munang pumunta sa bahay for their own safety. Pero kahit na ganun ay mamala always cooked foods for us, pinadedeliver niya nga lang dahil baka raw magalit si momma kapag nalaman niyang nagpunta siya rito.

Regarding naman sa mga issues na kinasangkutan ni mommy at ng company niya ay napatunayan naman na hindi siya ang may gawa noon at nahuli na rin ang mga taong gumawa nito sa project na kalilipat lang sa pangangalaga niya.

Alam ko at sigurado akong si momma ang may gawa non. Si momma lang naman ang may kakayahang maglinis ng issue na ganon dahil kahit si daddylo ay walang magawa para linisin ang pangalan ni mommy during those days.

I am very sure na kahit hindi maganda ang naging huling pag-uusap nilang dalawa ay hindi naman kayang pabayaan ni momma si mommy at syempre kaming magkakapatid.

Mas lamang pa rin ang pagmamahal niya sa amin kaysa sa galit at sakit na nararamdaman niya towards daddylo.

Anim na araw na ring hindi pumapasok si mommy sa company. Nagkukulong lamang siya sa loob ng kwarto nila at walang sawang umiiyak. I don't know if she really processed their divorce paper pero I hope hindi.

"Sasama ba tayo kay daddylo?" biglang tanong ni Zeeian sa amin ni Kuya habang nasa study room kaming tatlo.

Regarding daddylo, he is still convincing the three of us na sumama sa kaniya. Mommy told us that it's fine with her kung sasama kami kay daddylo but, Kuya and I are still hesitant since momma doesn't want us to leave the country with daddylo.

"I don't think that it will be a good idea. Lalo na sa sitwasyon natin ngayon." paliwanag ni Kuya Kad kay Yan-yan.

"Maghihiwalay ba talaga sila momma at mommy, kuya? ate? is it my fault?" umiiyak na tanong ni Zeeian.

"It's just a misunderstanding, yan-yan. They just need time to think. Momma loves mommy so much and I am sure na hindi niya pipirmahan ang divorce papers." nakangiting pagpapaliwanag ni Kuya Kad.

Palagi siyang nakangiti kapag kinakausap niya kami ni yan-yan na akala mo hindi pinoproblema ang mga nangyayare sa pamilya namin ngayon. Pero halos gabi-gabi ko siyang naririnig na umiiyak habang hinahanap si momma.

Hindi rin siya makapagfocus sa pag-aaral lalo na ngayon na papalapit na ang board exam niya. She's really struggling and I can see that. Siya ang sumalo ng lahat dahil kahit si mommy ay hindi namin maka-usap nang maayos for days na.

Ganun din kami ni yan-yan. Pinatatawag palagi si mommyla dahil laging nakikipag-away si yan-yan sa school. She's been blaming herself kung bakit maghihiwalay sila momma at mommy at nailalabas niya sa iba ang galit niya sa sarili niya.

Ako naman ay malapit na ring mawala sa akin ang award na matagal kong iningatan. My grades are declining at nagwoworry na rin sa akin si Alora. Hindi ako makapagfocus masyado sa acads dahil mas nagwoworry ako sa pamilya namin at sa mga kapatid ko.

This is our last semester at finals week na rin namin. If hindi ako makasagot nang maayos sa final exam ay baka mag-extend ako ng isa pang sem at mawala sa akin ang latin honors ko na ilang taon kong iningatan.

We are also trying to message momma and she's responding naman sa amin, kinakamusta niya kaming tatlo palagi pati na rin si mommy. We tried finding her location pero parang may humaharang dahil hindi namin yun malocate. Pero we are so sure na nandito lamang siya sa Pilipinas at hindi siya bumalik sa Thailand.

Why Not Me? (Bravo Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon