Alora Ciella POV
Since Finals week is fast approaching, maraming school works na naman ang ibinigay sa amin. Most of them is individual na kaya naman mas mabilis kong ginagawa ito para hindi na ako matambakan.
I am currently doing my plates inside my room when someone unexpectedly knock on my door.
"Come in!" I shouted.
"Ma'am, pinatatawag na po kayo sa dining hall." sabi ng isang maid namin.
"Tell mom mamaya na ako kakain." I answered while still doing my plate.
"M-ma'am, si sir po ang nag-utos." kabado niyang sagot.
Mabilis akong napatingin sa kaniya kung seryoso ba siya sa sinabi niya at mukhang oo dahil kahit siya ay kinakabahan ang itsura.
"Susunod na lang po ako." sagot ko.
Itinabi ko muna nang maayos ang mga plates ko bago nag-ayos ng sarili. I didn't know na uuwi siya ngayon. Ang alam ko next week pa dahil hindi pa tapos ang business trip niya.
After putting my plates on a safe place ay nag-ayos muna ako kaunti ng sarili ko bago bumaba sa dining hall.
Naabutan ko si dad na seryosong kumakain kasama si mom. At mukhang mainit na naman ang ulo niya dahil walang ni-isang maid ang nakabantay sa amin ngayon.
I seated in front of my mom. Walang kumikibo sa aming tatlo at tanging tunog lamang ng mga spoon and fork ang tanging maririnig.
"How's your school, Ciella?" mommy asked.
Si mom and dad lang ang tanging tao sa buhay ko na tumatawag sa akin ng Ciella. That is why I don't like my second name, naaalala ko lang ang mga pagpapahirap, away, at sigawan na pinararanas sa akin ng mga magulang ko.
"It's fine, mom. I am currently the Rank 2 overall sa buong architecture department po." masaya kong sagot.
Nakita ko namang ngumiti ng matamis si mommy sa akin which makes my heart happy.
"Rank 2? pangalawa ka na naman?" natatawang saad ni dad.
"Y-yes, dad." sagot ko.
"Lagi ka na lang pangalawa!" sigaw niya na may kasamang diin.
"Midterms pa lang naman po, dad. Babawi na lang po ako sa finals." nakangiting sagot ko.
"Just stop this nonsense, Ciella!" sigaw niya at binato ang plato sa likod ko.
"Dad, I am-"
"Itigil mo na 'yang kahibangan mo, Ciella. Sinabi ko naman sayo na itigil mo na yang ginagawa mo dahil kahit kailan hindi ka magiging katulad ng ate mo! Hindi ka kaseng galing ni Stephanie!" sigaw niya.
"I-i'm sorry, dad. I am trying naman." nakayuko kong saad.
"Puro na lang disappointment ang ibinibigay mo sa akin. Sana kase ikaw na lang ang namatay at hindi si Stephanie!" sigaw niya.
And that's it.
Sana nga ako na lang ang nawala at hindi si ate.
Never in my life nainggit ako kay ate kahit siya palagi ang magaling sa aming dalawa, kahit mas mahal siya ni dad at mom kaysa sa akin.
Never akong nakaramdam ng sama ng loob sa kaniya.
Pero nakakapagod din palang maikumpara sa ibang tao.
"Enough!" sigaw ni mommy.
"Ano? Kakampihan mo 'yang walang kwenta mong anak?" sigaw ni dad habang dinuduro-duro ako.
BINABASA MO ANG
Why Not Me? (Bravo Series 2)
RomanceAll her life, Zianah Khione has been the girl everyone admired from afar-the kind of beauty and grace that made heads turn but never quite captured hearts. She's always been the one people appreciated but never pursued, as if she was too perfect to...