Alora Ciella POV
"Ate Alora! Ano na? Matatapos na yung birthday ni ate Z hindi mo pa rin binibigay si qt." sermon sa akin ni Kash habang hawak yung aso na ireregalo ko kay Zianah.
Wala pa kase siyang name kahit sa parang birth certificate na binigay ng owner niya dati dahil hahayaan ko sana si Zianah na magpangalan sa kaniya. Pero syempre name niya at name ko ang nakalagay sa owner.
Fur Parents moments.
"I-ito na..Ipapaalam ko lang muna siya saglit.." kabadong saad ko at naglakad na papunta kay Zianah na kasama ang buong pamilya niya ngayon. Nahihiya kase ako na abalahin sila dahil mukhang nagkakasiyahan na sila ng pamilya niya.
"Hey, My Chicken! Ano na? Ang tagal mo naman masyado! Nakita mo ba yung necklace na suot ni ate kanina pagbaba? Iba na di ba? Naunahan ka na naman, My Chicken! Kaunti na lang at lelechonin na kita at gagawing pulutan!" inis na sermon sa akin ni Zeeian.
"E-eto na nga, ibibigay ko na! Chill lang! Save the last for the best." sagot ko ang nagtungo na sa lamesa ng pamilya nila habang sinamahan naman ni Zeeian si Kash magtago hindi kalayuan sa amin.
"Pwede ko po bang mahiram saglit si Zianah?" tanong ko sa mga tito at tita niya. "Siya. Nasa kaniya ang boto ko." masayang saad ni mamala habang nakatingin sa akin.
Boto? Hindi naman ako tumatakbo sa pulitiko bakit may pagboto?
"Ano pong boto?" nagtatakang tanong ko. "Ikaw ang napili ni mamala na maghuhugas maglilinis dito mamaya pagkatapos ng after party." sabi ni Tita Kim. "Ahh.. S-sige po." nakangiti kong sagot sa kanila. "Let's go na." aya sa akin ni Zianah at akmang tatayo na ng biglang dumating si Master kasama si Tita Ash.
"Not so fast. Saan kayo pupunta ha? Gabi na at dalawa lang kayo?" seryosong tanong ni Master sa akin. "A-ah.. Mag-uusap lang po sana kami, Master." kabadong sagot ko. "ANO!? Anong klaseng usap ba 'yan? At bakit dalawa lang kayo? Alam ko na 'yan Vandeleur! Papunta ka palang nakauwi na ko. Nakataxi pa nga ako." sagot niya sa akin na ikinatawa ng mga pinsan niya.
"Dinamay mo na naman si Alora sa gawain mo, Ianah." tumatawang sagot ni Tito Mack na ikinakunot ng noo ko. "Dahil kase sa 'Let's talk na 'yan kaya nabuo si Zeeian." Dagdag naman ni Tito JB na hindi na makahinga sa katatawa. "H-hindi po ganun, Master. Ano lang po normal na usap lang po." pagpapaliwanag ko. "Hindi-"
"You can go na. Basta riyan lang kayo sa makikita namin. Just to be sure." sagot ni Tita Ash sa akin habang hawak ang bibig ng asawa. "Thank you po, Tita. Bye, Master." paalam ko sa dalawa.
Nagsimula na kaming maglakad sa buhangin ni Zianah hanggang sa makarating kami malapit sa pinagtataguan ni Kash at Zeeian ngayon. Hindi naman kami masyadong lumayo sa pwesto ng pamilya niya pero sapat na ito para hindi nila marinig ang sasabihin ko.
Inihubad ko ang varsity jacket na suot ko at isinapin 'yun bilang upuan ni Zianah. Nilagyan ni Kash ng make up ang wrist ko kaya hindi kita ang peklat nito. Alam ko kaseng titignan yun ni Zianah kapag hinubad ko ang jacket ko at tama nga ako.
"Anong pag-uusapan natin?" seryosong tanong niya. Hindi ko maiwasang hindi isipin kung kanino galing ang necklace niya, naunahan na nga ba talaga ako? Pero okay lang dahil hindi naman ako nakikipagkumpetensiya sakanila. Gusto ko lang naman maramdaman ni Zianah na totoong mahal ko talaga siya at hindi ako katulad ng iba na sa una lang magaling.
"Your necklace looks good on you, Z." wala sa wisyo kong saad habang nakatingin sa necklace niya. "Ah ito ba, Miss Messina gave it to me as a gift." nakangiti niyang saad na habang nakahawak pa sa letter K na pendant nito na akala mo ito na ang pinakamagandang natanggap niya na regalo sa buong buhay niya.
BINABASA MO ANG
Why Not Me? (Bravo Series 2)
RomanceAll her life, Zianah Khione has been the girl everyone admired from afar-the kind of beauty and grace that made heads turn but never quite captured hearts. She's always been the one people appreciated but never pursued, as if she was too perfect to...