Alora Ciella POV
Hanggang sa makarating kami sa Isla del Bravo ay hindi na kami kinibo pa ulit ni Zianah. Hindi naman namin nilalandi yung tatlong tindera ng mangga kanina at sinasabayan lang naman namin sila pero mali ata ang pagkaka-intindi niya roon.
Pagka-uwi nga namin ay saktong kagigising lang nila Kash, Lexy, at Theo. Kaya ito ako hindi na naman makalapit kay Zianah dahil may body guard na naman siya na hindi mahiwalay sa kaniya.
Kaya nagtungo na lang ako sa kwarto namin non para maligo na muna. Hindi na rin naman ako makakalapit pa kay Zianah kaya naisipan ko na lang na magpalakas na lang kay Mamala. Tutulong na lang ako sa pagluluto ng handa ni mamala.
Psipol-sipol akong naglakad patungo sa kusina at kasama ko na si mamala ngayon na nagluluto na nangtanghalian para sa aming lahat. Si Kash at Lexy ang nakatoka sa pag-iihaw ng mga dapat ihawin. Ang ibang mga pinsan naman nila ay tulog pa rin hanggang ngayon, lagpas alas diyes na ng umaga.
"Looking in your eyes, I see a paradise this world that I've found is too good to be true~" pagkanta ni mamala habang nagluluto.
Hindi ko alam kung pang-ilang beses niya na 'yang pinatutugtog ngayong umaga. Halos kabisado ko na nga ang lyrics pati na rin ang chords nito kahit hindi ako familiar sa kanta.
"Favorite song mo po ba 'yan, mamala?" nakangiting tanong ko sa kaniya habang inaalisan ulit ng bigote ang mga hipon na binili ko.
"Hindi naman pero pinatutugtog ko ito kapag masaya ako." nakangiti niyang sagot sa akin.
"You're happy po because it's your birthday?" nakangiti kong tanong sa kaniya.
"Hindi naman, masaya ako kase kumpleto ang buong pamilya ko. Nandito ang mga anak ko, ang mga apo ko, mga pamangkin ko, at syempre ang mga nobya ng mga apo ko." nakangiting sagot niya sa akin.
Hindi ko alam kung kikiligin ba ako sa sinabi niya pero andito si Theo at dalawa kaming may gusto kay Zianah. Pero nobya ang sabi ni mamala at hindi nobyo kaya sure ako na ako talaga ang tinutukoy niya.
"And we can build this dream together, Standing strong forever nothing's gonna stop us now~" sabay naming kantang dalawa na ikinagulat niya.
"Mayroon ka rin bang happy song, Ciella? patugtugin natin." nakangiting tanong sa akin ni mamala.
Hindi ko na nga matandaan kung kailan ko huling pinakinggan ang happy song ko. Sa pagkakatanda ko lang birthday ni ate Steph ko kinanta 'yun noong nalaman namin na cancer free na siya pero kinabukasan noon sa bahay ay hindi na siya nagising pang muli.
Nalaman namin na hindi pala totoo na cancer free na siya, sinabi niya lang sa amin 'yun dahil gusto niya ng umuwi at magcelebrate ng birthday niya sa bahay kase hirap na hirap na siya sa loob ng hospital. Kaya simula noon hindi ko na pinakinggan pa o kaya tinutugtog ang happy song ko dahil feeling ko laging may masamang nangyayare pagkatapos.
"M-mayroon po pero 'wag na po. Okay na po ako sa happy song ninyo, mamala." nakangiting sagot ko.
"All that I need is you~" pagkanta ko habang tinuturo pa si mamala.
"All that I ever need~" sunod na kanta niya habang nakangiti sa akin.
"All that I want to do~" pumipikit pa na pagkanta ko na tinawanan ni mamala.
"Is hold you forever, Forever and ever~" sabay naming birit ni mamala habang nakatingin sa isa't-isa.
"Huwag ka ngang kumanta, Vandeleur. Baka mamaya umulan pa sayang ang set-up sa labas." pareho kaming nagulat ng biglang pumasok si Master sa kusina habang nakasuot na ng apron.
BINABASA MO ANG
Why Not Me? (Bravo Series 2)
RomanceAll her life, Zianah Khione has been the girl everyone admired from afar-the kind of beauty and grace that made heads turn but never quite captured hearts. She's always been the one people appreciated but never pursued, as if she was too perfect to...