TW: gun, death, violence
Alora Ciella POV
"Director General! Kasabwat ng mga taong kumuha kay Ma'am Zianah ang driver nila."
Mabilis kong pinatakbo ang motor ko papunta sa condo kung nasaan sila Tita Ash, Mommyla, at Tito Zeke ngayon. Masama na talaga ang kutob ko kanina pa lang, ramdam kong may mangyayareng hindi maganda kay Zianah.
At tama nga ako.
Sinunod ko lang si Zianah dahil ayaw kong mag-away kami. Na pag-awayan pa namin pati ang maliliit na bagay katulad ng paghatid at sundo.
May pinagdadaanan siya ngayon at ang kaniyang pamilya kaya ayaw kong dumagdag pa sa iniisip niya. Ang tanging magagawa ko lamang ngayon ay huwag ng makisabay pa sa problema niya at maging pahinga niya sa nakakapagod na mundo na ito.
Pagkarating ko sa condo ay hindi ko na inayos pa ang pagkapark ng motor ko sa harap ng condominium nila at namamadali akong dumeretso sa elevator para umakyat sa penthouse nila.
Pagkapasok ko roon ay tumambad sa akin ang nagwawalang si Tita Ash na pinakakalma ni Mommyla na umiiyak din. Si Tito Zeke naman ay hawak-hawak ang kaniyang cellphone habang nagpapanic.
"Where's Zianah?!" sigaw na tanong ko sakanila. "She's nowhere to be found, Alora! Nawawala ang anak ko! At hindi na rin makita ang location niya sa cellphone namin!" nagpapanic na sigaw ni Tita Ash.
I immediately call Master. Tatlong ring pa lamang ay sinagot niya na kaagad ang tawag ko. Mukhang alam na rin niya ang nangyare kay Zianah.
"M-master, nawawala si Zianah!" pagpapaalam ko sa kaniya. "Huwag kang magpanic kilala ko ang dumukot sa anak ko. Isesend ko na lang ang location niya sa 'yo pumunta ka na kaagad papunta na rin ako." mahinahon niyang sagot.
"I also have something for you there kaya magready ka. Mag-iingat ka, mayayari ako kay Khione kapag napahamak ka." huli niyang saad bago ibaba ang tawag.
Nagmamadali kong itinago ang cellphone ko sa loob ng aking bulsa at aakmang aalis na ng biglang magsalita si Tita Ash. "Is that Ianah? Where is she? Alam niya ba kung na saan ang anak namin?" sunod-sunod na tanong niya sa akin.
Saktong nag notify ang location ni Zianah na sinend ni Master kaya lahat sila ay lumapit sa akin. Kinuha ko ulit ang cellphone ko para makita at medyo malayo-layo na sila sa kung nasaan ako pero umaandar pa rin naman kaya mas malaki ang chance na mahabol ko pa sila.
"Sasama ako!" sigaw ni Tita Ash habang pinupunasan ang mukha. "Asteria! Delikado!" sigaw na sagot ni mommyla.
"Anak ko yun, ma! Nawawala ang anak ko! Kaya sasama ako sa ayaw at sa gusto ninyo!" sigaw ni Tita at nauna ng lumabas sa unit. "Give me her location, Alora. Sasamahan ko si Ash papunta roon."
I sent Zianah's location to Tito Zeke dahil siya ang magmamaneho ng sasakyan nila ni Tita. Pinaiwan naman namin si mommyla dahil kailangan din namin masiguro ang kaligtasan ni Zeeian at Zeejei lalo na ngayon, hindi namin alam kung sino ba talaga ang may kagagawan ng lahat at tanging si Master lamang ang nakaka-alam.
Pagkababa namin sa lobby ay sumakay kaagad ako sa motor ko at pinaharurot kung nasaan si Zianah ngayon. Hindi ako pwedeng mahuli dahil bawat oras, minuto, at segundo ay mahalaga dahil hindi ko alam ang kayang gawin ng mga dumukot sa kaniya.
Iniisip ko kung sino ang may kayang gawin ito kay Zianah. Impossibleng ang manyakis na mag-ama dahil ako mismo ang nagpakulong sa dalawa. Sinigurado kong hindi talaga sila makakatakas dahil sa isang isla ko sila ikinulong dalawa kasama ang mga preso na may mabibigat na kaso sa bansa.
BINABASA MO ANG
Why Not Me? (Bravo Series 2)
RomanceAll her life, Zianah Khione has been the girl everyone admired from afar-the kind of beauty and grace that made heads turn but never quite captured hearts. She's always been the one people appreciated but never pursued, as if she was too perfect to...