Daciana Kielle POV
Nangmaka-alis si Allyson at yung lalaki ay pumasok na rin kami ni mama sa bahay bitbit ang mga regalong binili namin para sa pamilya nila Zianah. Tuwang-tuwa si mama sa regalo ni Allyson sa kaniya, napakaraming makeup ba naman ang natanggap niya na mukhang galing pa lahat sa mamahaling brand.
Nakatitig pa rin ako sa regalo na ibinigay niya sa akin. Nangmakaakyat si mama sa kwarto niya ay dahan-dahan ko ng binuksan 'yun at tumambad sa akin ang isang susi ng kotse. Mabilis akong tumingin sa labas at naroon nakapark ang kotse sa tapat ng bahay namin. It's my dream car and my first ever car, a gray Ford Ranger Raptor.
Lakad-takbo ang ginawa ko habang nakangiting nakatingin sa regalo niya sinubukan ko yung iunlock gamit ang susi at sakto naman tumunog 'yun kaya hindi ko mapigilang hindi kiligin. Grabe naman magregalo ang isang Allyson. Kung totoo man na may ibang gusto ang totoong gusto niya ay ang malas naman niya.
Ginto na naging bato pa kung sakali.
Para lang akong tanga na nakatitig sa regalo niya sa akin. Sa totoo lang pinag-iipunan ko na rin ang pinaka-unang kotse ko pero hindi ko plano ang ganito dahil napakamahal ng isang 'to. Nabalik lang ako sa reyalidad ng maramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko mula sa bulsa ko.
From: Allyson
Merry Christmas, Daciana. Sana nagustuhan mo ang regalo ko. :)
Bigla akong nahiya ng maalala ko na hindi ko man lang siya binilhan ng kahit anong regalo. Kung sana lang sinabi niya na reregaluhan niya ako para naman nakabili man lang ako kahit papaano ng regalo para sa kaniya.
To: Allyson
Merry Christmas din! I love it super. Yung regalo ko pagbalik na lang namin.
Nangmarinig ko na naman ang malalakas na sigaw ni mama ay nagmamadali akong tumakbo papasok ulit ng bahay. Syempre ni-lock ko ulit ang kotse ko bago tuluyang pumasok sa loob. As usual ay nagmamadali na naman siyang mag-ayos ng mga gamit para sa alis namin.
Naka-ayos naman na ang mga gamit na dadalhin ko kaya may oras pa ako para matulog bago kami umalis papuntang Isla del Bravo. Ibinaba ko ang mga gamit namin ni mama habang naghahain na siya ng hapunan namin.
"Kielle, kanino ba yung kotse sa tapat natin? Ang laki-laki na nga ng No Parking na sign sa gate hindi pa ba nila nakita yun?" inis na saad ni mama habang masamang nakatingin sa akin. "Ah ayun ba ma? Kotse ko yun." nakangiting sagot ko. "Aba! Saan ka naman kumuha ng pera pambili non? Ibinebenta mo ba ang sarili mo, Kielle?" galit na galit na tanong ni mama.
Ako magbebenta ng katawan para lang sa kotse? Pwede rin. Bakit ba hindi ko naisip yun. Sana ganun na lang ang ginawa ko kaysa nag professor sa CAU.
"Regalo sa akin yun ni Allyson, ma." mahinahong sagot ko. Bakas ang gulat sa itsura ni mama na mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Sabi ko sayo may gusto yun sayo eh. Ang manhid mo rin talaga eh no? Akala mo ang ganda mo." saad ni mama sa akin. "Ito si mama kung ano-ano na naman pinagsasabi." inis na sagot ko. Alam ko na kase ang kasunod niyan, ipagpipilitan na naman niya ako kay Allyson kahit alam niyang si Zianah talaga ang gusto ko.
"Yung lalaki ba, ma. Tatay ko ba talaga siya?" seryosong tanong ko. Napatigil siya sa pagkain at tumingin sa akin ng deretso. Kita ko ang takot sa itsura ni mama dahil sa tanong ko. "Kielle.." bulong niya. "Ma, hindi naman ako magagalit. Kung siya man ang tatay ko ay okay lang sa akin, kita ko rin naman na masaya ka at mahal mo pa rin siya kaya okay lang sa akin kung magbalikan kayong dalawa." mahinahong saad ko sakaniya.
BINABASA MO ANG
Why Not Me? (Bravo Series 2)
Roman d'amourAll her life, Zianah Khione has been the girl everyone admired from afar-the kind of beauty and grace that made heads turn but never quite captured hearts. She's always been the one people appreciated but never pursued, as if she was too perfect to...