Chapter 66

4.6K 135 37
                                    

Zianah Khione POV

"Ang sakit, hon. Ganyan pala ang tingin mo sa akin. Of all the people, hindi ko inaasahang ikaw pa ang maniniwala sa magaling kong tatay."

I just watched her walked away from me while wiping her own tears. Nangmakapasok siya sa loob ay pumasok na rin ako sa loob ng sasakyan ni Momma.

Momma didn't ask anything about what happened, she just started to drive while I am here crying about what I saw earlier. I know she saw it and maybe heard it too pero kahit isang tanong ay wala pa rin akong narinig mula sa kaniya.

Something inside me wants to believe her and her explanation pero hindi kayang baguhin ng explanation niya ang nakita ko kanina sa loob. Hindi nagtutugma ang explanation niya sa nakita ko. Sinusubukan kong alisin o baguhin ang kung ano mang namumuo sa isipan ko pero hindi ko magawa.

Mas paniniwalaan ko kung ano ang nakita ko.

I saw it with my own eyes.

I saw how Isha kissed her neck and how Alora's body responds to it. I saw how that woman did what I did to her last night. And what hurts the most is I can see how satisfied she is while that woman is kissing her on her neck.

Hindi ba siya nakuntento sa katawan ko? Hindi ba siya nasatisfy sa ginawa namin? Bakit kailangan pa niyang maghanap ng iba?

Kapag nakikita ko siya nakikita ko lang yung mga marka ng mga halik na ginawa sa kaniya ng ibang babae.

How could she do that to me?

She treats me so well to the point that I didn't even feel that she is cheating on me.

Lolokohin na lang niya ako harap-harapan pa. Hindi na lang muna niya ako pina-uwi muna bago sana siya nagdala ng ibang babae sa bahay nila.

"Ka-akibat ng pagmamahal ang sakit at ka-akibat din ng saya ang lungkot." Biglang sambit ni momma sa may tabi ko. She's just driving at nakafocus lang sa daan ang attention niya.

"You can ask, momma. I know you want to ask what happened to u-us.." humihikbing saad ko kay momma. Nagnakaw lang siya ng tingin sa akin kaya umiwas kaagad ako ng tingin.

"Gustong-gusto ko siyang sapakin kanina dahil pina-iyak ka niya... Pero hindi ko magawa kase.. I want you to learn, anak. Ayokong kaunting problema niyo lang ay tatakbo ka na sa ibang tao." pagpapaliwanag ni momma.

"Kanino ako magsasabi? Should I keep everything to myself, momma? It hurts so much!" I cried harder.

"Sa kaniya. Both of you are in a relationship, anak. Kaya dapat sa kaniya ka rin tatakbo, sa kaniya ka rin magsasabi. Kase paano niyo maaayos ang problema ninyo kung ang takbo ninyo ay palayo sa isa't-isa?" mahinahong paliwanag sa akin ni momma.

"She hurts me, momma. I saw her with another girl!  She's cheating on me!" hindi ko na mapigilan ang paglakas ng hikbi ko ng maalala ko ulit ang ginawa nila ng babae na 'yun sa bahay nila.

"Sure kang cheating?" tanong ni momma na ikinatango ko kaagad. "Ang bobo naman niya kung ganon. Nandun ka sa bahay nila tapos pinapunta niya pa ang isang babae niya?" hindi makapaniwalang tanong ni momma sa akin.

"I saw it with my own eyes, mom! I saw how she reacts sa kiss ng babae na 'yun sa leeg niya! She's cheating on me at harap-harapan pa talaga!"

"Tinanong mo siya? Umamin ba siya? Nag-usap na kayo?" momma asked.

Dahan-dahan akong umiling at nag-iwas ng tingin kay momma.

"You know what, baby. Ayan din yung dahilan ng paghihiwalay naming dalawa ng mommy mo noon. She instantly believe other people rather than giving me chance to explain my side. Siguro kung binigyan lang niya ako ng pagkakataon na magpaliwanag dati, hindi kayo lalaki ni Kadynce ng wala siya." malungkot na kwento ni momma.

Why Not Me? (Bravo Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon