PROLOGUE

17.8K 297 14
                                    


"Z-zianah.." kabadong saad ko at tumayo para sana lapitan siya.

"Totoo ba lahat ng narinig ko?!" galit na galit niyang saad.

Nanlamig ang buong katawan ko ng makita ko siyang umiiyak habang nakatayo sa may pintuan.

"K-kanina ka pa ba riyan?" kabadong tanong ko na ikinatango niya kaagad. "Z-zianah, let me e-explain-"

"I heard everything! For fuck sake please stop lying! Ginawa mo ba lahat yun just to take revenge on us?!" dagdag niya habang pinupunasan ang luha sa mga mata niya.

Hindi ako makasagot. Hindi ko magawang sumagot. Hindi rin ako makatingin sakaniya ng deretso. Hindi ko kayang makita siyang nasasaktan ng dahil sa akin.

If I could just tell her everything na hindi ko rin alam na nabigla rin ako pero I can't. I did all of that just to save her from my useless father.

"PLEASE, ANSWER ME!" sigaw niya.

Wala na akong nagawa kung hindi umiyak. Ang sakit makitang nasasaktan ang taong mahal ko. Ang sakit makitang nagkakaganito siya ng dahil sa akin.

Mas kakayanin ko pang ako na lang ang makaranas ng lahat ng sakit kaysa makita siyang nasasaktan ng dahil sa akin.

Hindi ko naman ginustong sabihin ang mga salitang 'yun pero para sa kaniya, ginawa ko.

"FUCK! It hurts so badly! Lahat ba ng ginawa mo sakin is just part of your plan!? Lahat ba yun ay kasama sa plano ninyo, ha?! Answer me!" sigaw na saad niya sa akin.

Hindi ko kayang makita siyang ganito. Hindi ko kayang makita siyang galit na galit sa akin.

Her eyes show agony and betrayal and what hurts the most is that... I am the reason of her misery.

Ako yung rason kung bakit siya nasasaktan ng ganito ngayon.

"I'm sorry, Z." umiiyak na saad ko. Mas lalong lumakas ang iyak niya dahil sa sinabi ko. Alam kong walang magagawa ang sorry ko sa sakit na nararamdaman niya ngayon.

"B-bakit? P-paano mo nagawa sakin ito? I didn't do anything wrong para magawa mo sa akin ito." Umiiyak na sambit niya. "Bakit? Sabihin mo naman sa akin kung ano bang mali ang nagawa ko para ganituhin mo ako! Ang sakit-sakit kase!" sigaw niya.

Kita ko kung paano niya pigilan ang sarili niya na lapitan ako. The way she gripped her hand while looking at me seriously. Pero hindi niya magawang lumapit, siguro dahil kinamumuhian niya na ako.

Kung pwede ko lang sabihin na mahal ko siya, na mahal na mahal ko siya. Pero hindi pwede. Kailangan kong itigil lahat para hindi na siya masaktan pa lalo. Para hindi na siya madamay pa sa mga pinaplano ng walang kwenta kong tatay.

"N-naging mahalaga ba ako sa iyo kahit isang beses lang?" she asked while crying.

Kung alam mo lang kung gaano kita pinahahalagahan. Kung gaano ako nagpapasalamat sa Diyos dahil binigyan niya ako ng pagkakataong mahalin at ingatan ang isang katulad mo. 

Kung alam mo lang na ikaw ang pinaka the best na dumating sa buhay ko. Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong ipakita at iparamdam sayo na sobrang kamahal-mahal ka.

Pero hindi, hindi mo na pwedeng malaman at hindi ko na pwede pang ipaalam dahil kung uunahin ko ang nararamdaman ko para sa iyo mas lalo ka lang masasaktan.

Kaya kahit labag sa kalooban ko ay dahan-dahan akong umiling habang deretsong nakatingin sakaniya.

"I hate you! I hate you so much! I fucking hate you! S-sana hindi na lang kita nakilala!" galit na galit na sigaw niya sa akin.

Bago pa man ako makasagot ay nakatanggap ako ng isang malakas na sapak na nagpatumba sa akin sa sahig. "That's for hurting my sister." Nanggagalaiting saad ni Zeejei.

I was about to stand-up again ng makatanggap ulit ako ng isa pang sapak na nagpadugo lalo sa bibig ko. "And that's for making my ate cry, asshole!" sigaw ni Zeeian.

They quickly ran away from me para habulin si Zianah. Gusto ko rin siyang habulin para magpaliwanag pero alam kong narinig nilang lahat ang sinabi ng walang kwenta kong tatay at kahit ano pang paliwanag ang gawin ko hindi na sila maniniwala pa sa sasabihin ko.

Hindi niya na ako paniniwalaan pang muli.

Ang sakit. Ang sakit-sakit.

Buong buhay ko wala naman akong ibang hiniling na para sa sarili ko, wala akong ginawang masama sa kapwa ko, hindi naman ako nagreklamo sa buhay na mayroon ako, lumaban ako ng patas.

Pero bakit pinahihirapan ako ng ganito ng mundo?

Gusto ko lang naman siyang mahalin, alagaan, at iparanas yung mga bagay na hindi niya pa nararanasan. Yung pagmamahal na hindi niya kailangan kwestyunin ang sarili niya kung ano ba ang kulang sakaniya.


I was hers but she was never mine.


But what hurts the most is..


I almost had her.




"You did well, anak."

Why Not Me? (Bravo Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon