Closure ...
Ella POV:
Gumising ako na maga parin ang mga mata ko. Akala ko magiging maayos na kami ni Casper kagabi pero mali pala ako.
Flashback ...
Pagkarating ko sa restaurant kung saan kami magkikita ni CAsper, naabutan ko siya na naghihintay. PAGkakita ko sakanya bigla nalang ako nakaramdam ng saya.
Nilapitan ko siya, pagkakita niya sakin nakita ko na naman ang mga ngiti niya na dahilan kung bakit nahuhulog ang puso ko :)
" kanina ka pa ba?tanong ko sakanya.
" hindi naman, medyo kakarating ko lang din. Order na tayo?" ALok niya.
PAGka-order niya ng pagkain , katahimikan ang bumalot samin, parehas kaming nagpapakiramdaman kung sino ba ang unang magsasalita.
" kanina tinanong mo ako kung galit ba ako sayo ..."
Nakatingin lang ako sakanya, interesado ako sa mga sasabihin niya.
" ... never akong nagtanim ng galit sayo Ella , kahit pa sobrang daming sakit ang naranasan ko sayo, hindi ko parin magawang magalit. Yung totoo? Umaasa parin ako noon na magbabago ang desisyon mo, na babalikan mo ako kasi sabi mo mahal mo ako, nag-stick ako doon, in fact, bago ako umalis, pinuntahan pa kita sa school mo kasabay nang pagbalik ko ng regalo mo sakin, umasa ako noon na pipigilan mo ako kasi kapag ginawa mo yun, susunod ako sayo ... kaso hindi kita nakita. Ang akala ko kapag lumayo ako, makakalimutan kita, pero hindi. Dumarating parin ako sa point na bigla nalang ako malulungkot kasi bigla nalang kita maiisip."
Naiiyak ako sa mga sinasabi niya, sobra ko pala talaga siyang nasaktan T_T
" so-sorry ... hindi ko gustong masaktan ka, kahit ako rin naman sobrang nasaktan sa mga nagawa ko sayo CAsper :(
Nung pumunta ka sa school bago ka umalis, lumabas ako noon , kaso wala ka na, hindi na kita naabutan CAsper. ALAm mo bang sobra akong nagsisisi noon na hindi manlang kita naipaglaban? T_T
Kung pwede ko lang ibalik ang nakaraan , itatama ko lahat ng mali ko sayo Casper!"Bumuntong hininga siya, halatang hindi niya inaasahan ang mga sinabi ko.
" nangyari na ang nangyari Ella, hindi na natin pwedeng ibalik ang nakaraan. Siguro sinadya na ng tadhana na mangyari yun kasi hindi tayo ang nakatadhana sa isat'isa Ella."
BAKIt ang dali sakanya na sabihin na hindi kami nakalaan sa isat'isa??! T_T
" kaya nga itatama natin ngayon CAsper, mahal parin kita! Noon hanggang ngayon hindi nagbago ang nararamdaman ko sayo CAsper! yung sinabi ko sayo na kalimutan na natin ang isat'isa, yun ang bagay na hindi ko magawa hanggang ngayon kasi umaasa parin ako na tayo parin hanggang sa huli CAsper, sobra parin kitang mahal! Sobra akong nasasaktan kapag naiisip ko lahat ng nangyaring hindi maganda noon!"
" sana naisip mo yan bago mo sabihin sakin na kalimutan kita..."
Sabi niya ." h-hindi mo na ba ako mahal CAsper? Kinalimutan mo na ba talaga ako? T_T"
Patuloy sa pagtulo ang mga luha ko, pero bakit parang wala akong makita kay CAsper na kahit kunting Concern sakin :(
" aaminin ko , nung makita kita ulit, natuwa ako, pakiramdam ko miss na miss kita,yung pakiramdam na parang may nararamdaman pa pala ako sayo--"
" yun naman pala ee! BAKit hindi nalang tayo ulit?! T_T"
NApayuko siya sa sinabi ko ..
" h-hindi na pwede ..."
" bakit?? M-may iba ka na ba?"
TANong ko sakanya,hindi siya sumagot." a-anong pumipigil sayo para maging tayo ulit?!"
Tanong ko ulit sakanya.Huminga ulit siya ng malalim bago nagsalita.
" m-may Girlfriend na ako ..."
PArang isang baril ang sinabi niya na tumagos hanggang sa puso ko, yung iyak ko kanina, ngayon ay parang hagulgol na. wala akong pakialam kung pagtinginan ako ng mga nakapaligid samin! Shet! ANg sakit! T_T
may iba na pala siya! T_T
KAya pala baliwala na ako sakanya!" t-tapos na tayo Ella, kaya ginusto ko narin na makapag-usap tayo para tuluyan nang tapusin ang satin. Mahal ko ang girlfriend ko ngayon, s-siya yung dumamay sakin nung mga panahong umiiyak ako dahil sayo , siya yung nasa tabi ko para pasayahin ako, siya ang tumulong sakin para makalimutan kita Ella. AYUkong maging unfair sakanya."
Durog na durog na ang puso ko sa mga sinasabi niya ngayon! ANg sakit malaman na may iba na siyang mahal at HINDI AKO IYON! T_T
Tumayo na ako at aakmang aalis na nang pigilan niya ako.
" Ella!"
Nilingon ko siya sa huling pagkakataon." SORRY ..."
Agad akong umalis pagkasabi nya nun, ang akala ko magiging masaya tong gabi na to, kabaliktaran pala ang mangyayari T_T
PAgkauwi ko nang apartment, iniyak ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko , iniiyak ko lahat hanggang sa napagod ako at makatulog na.
HAbang naaalala ko ang mga nangyari kagabi, hindi ko na naman mapigilang hindi maluha.
PAgbigyan niyo na ako ngayon, sobrang masakit lang talaga! T_T
NAkahiga lang ako dito sa kama ko , tulala , hanggang sa maisipan kong itext ang bestfriend ko , gusto ko ng kadamay at si Patty lang ang gusto kong makasama ngayon.
Binuksan ko ang convo namin sa inbox ko ...
Pumunta ka mamayang 7pm sa rooftop ng apartment, may sasabihin ako.
Inulit ulit kong basahin ang text niya na yan at napatapik nalang ako sa noo ko nang maalala na nakikipagkita pala siya kagabi! AHHHH!! ano ba naman Ella!! BAKit nawala sa isip mo?? MAs inuna mo pa ang ibang tao kesa sa bestfriend mo! O di sana hindi ka pa nasaktan!! T_T
PANIguradong naghintay sakin to kagabi! Huhu! At panigurado din na nagtatampo siya ngayon sakin!! T_T
BUmuntong hininga ako , bakit ba kasi ang palpak nang mga nangyayari sakin ngayon? Ahay!
Hindi ko na muna iisipin si CAsper, ang mahalaga ngayon ay ang Bestfriend ko!