Shit! Nagseselos ako!
Ella POV:
Magkakaharap kami ngayon dito sa hapag kainan, katabi ko si CAsper habang nasa tapat ko naman si PAtty at katabi niya si Tita, humabol din pala si SIMON :)
bago kami mag-umpisang kumain, kinantahan muna namin si Patty na tuwang tuwa habang kumakanta kami. PAra lang siyang bata. Hehe!
" Happy Birthday Patz :)" bati ni Simon sakanya dahilan para tignan siya ni Tita.
" ikaw ba hijo ay nanliligaw dito sa anak ko?? NAKu, ok lang naman sakin yang ligaw ligaw na yan, pero ang gusto ko dito sa bahay para nakikita ko." SAKA siya tumawa. NAMula naman si Simon sa mga sinabi ni Tita. Haha!
" talaga po? KAso po kasi Tita, binasted na po ako nang anak niyo :)"
Tinignan ni Tita si PAtty...
" bakit mo naman binasted nak? Hindi mo binigyan nang chance?"
" grabe MA, binbugaw niyo ata ako kay Simon ee. (^-^) , tropa ko lang talaga yang mukong na yan Ma, wag niyo nang ipilit :)"
" tama Tita, ok na ako , naka move-on na po ako (^.^)saka mas gwapo yan sakin. Hahah!"
Napatingin naman kaming lahat kay Simon dahil sa sinabi niya, saka kami tumingin kay Tita na mukhang nagulat sa sinabi ni Simon.
" aa a-ang ibig ko pong sabihin ano ... aa GWAPA! tama! GWAPA tita, ang totoo po kasi niyan, kaya niya ako binasted kasi nalaman niya na BAKLA ako kaya yun po , baka matalbugan ko pa ang beauty niya kahit mas gwapa siya sakin. O-opo .. yun po ang ibig ko pong sabihin."
NATATAwa ako sa mga sinasabi ni Simon, pano naman kasi ang daldal kasi . Haha! Nag-act pa talaga siyang bading para makalusot. Geh push niya yan! Hahaha!
Mukhang napaniwala naman ni Simon si Tita kaya hindi na ito nagtanong pa.
Nagsimula na rin kaming kumain .
Si CAsper ang naglalagay nang pagkain sa plato ko, nagkusa siya kaya wala na akong nagawa.
Habang kumakain kami , may nag doorbell sa labas.
" may bisita pa po ba Ma?"
Tanong ni PAtty.
" wala naman na nak , teka tignan ko kung sino."
Tumayo na si Tita at lumabas ...
Napalingon kami pagkapasok ni Tita.
" sino MA?"
" manliligaw mo daw ?"
MANliligaw??? H-hindi kaya si ????
BUMungad si AMY sa likuran ni tita na may dalang isang human size na teddy Bear habang ngiting ngiti pa siya.
Nagulat kaming makita siya dito.
" Hello everyone ! (^-^) , hi PAtty ko :) HAPPY BIRTHDAY! (*^_^*)"
saka siya lumapit at hinalikan si PAtty sa pisngi. Mukhang tuwang tuwa naman si PAtty. Tch!
