SPG
ELLA POV:
" bes! Hintayin mo naman ako oh!"
Sabi ko kay PAtty habang hinahabol ko siya , hindi manlang nga niya ako pansinin
:(
" PAtz sorry na kasi , pansinin mo naman na ako please ..."
Pero hindi parin siya tumitigil para kausapin ako.
Hanggang sa nakarating kami sa first subject namin sa umaga. Hindi ko siya tinigilang hindi kulitin , kelangan maging ok kami ng bestfriend ko .
NAreject na nga ako ni Casper, pati ba naman si PAtty ay iiwasan din ako?? Huhu!
" kausapin mo naman na ako PAtty :("
HIndi niya parin ako tinitignan. Grabe! ANg hirap niyang suyuin! T_T
"Patty..."
Tinusok tusok ko ang tagiliran niya gamit ang hintuturo ko baka sakaling pansinin na niya ako.
Ilang beses kong ginawa yun hanggang sa nagsalita na siya.
" ano ba Ella?! Bakit ang kulit mo?!! NANanahimik na nga ako dito tas ganyan ka pa!!"
Ang totoo niyan nagulat ako sa ginawa niya... napahiya ako :(
" so-sorry ..."
Yan nalang ang nasabi ko habang nakayuko nalang ako :(
" g-gusto ko lang mag-sorry kagabi, alam ko naghintay ka sakin. I'm s--"
" enough! Hindi rin naman ako pumunta kagabi kaya wag ka na mag-sorry..."
Huminahon ang boses niya, tinignan ko siya.
" g-ganun ba? E bakit hindi mo ako pinapansin?"
TANong ko sakanya.
" wala lang ako sa mood."
Yan na naman siya sa wala siya sa Mood. ahay! Hindi kaya nagsisinungaling lang siya at naghintay talaga siya?
" seryoso ka ba na hindi ka talaga pumunta?"
PAninigurado ko at ngumisi lang siya bago nagsalita.
" oo . Saka ginugoodtime lang kita nung tinext kita nun. Buti naman at hindi ka kumagat ."
Saka siya ngumiti.
Ewan pero parang hindi ako convince sa sinasabi niya.
" ok ."
Yan nalang ang sagot ko sa sinabi niya.
" aa s-san ka nga pala kagabi?"
TAnong niya na biglang nakapag-paalala sakin kay CAsper at sa mga nangyari kagabi :(
" nakipagkita ako kay CAsper ..."
Ayuko naman talagang itago, gusto ko alam ni PAtty lahat ng ginagawa ko.
" kaya pala"
KAHit mahina ang pagkakasabi niya, rinig ko parin saka ko siya tinignan at makikita sa mukha niya ang blankong expression.
Napakagat na ako sa labi ko , pinipigilan ko kasing hindi maiyak lalo na hindi lang naman si PATty ang kasama ko.
NApayuko na ako , ayukong makita ako ni PATty na maiiyak na naman, para ano? Para maawa siya sakin dahil sa kakaasa kay CAsper??
NAKita ko nalang ang isang panyo sa lamesa ko , galing kay Patty .
" kelangan mo ata yan , hiramin mo muna." Para tuloy mas maiiyak ako dahil sa simpleng pag-comfort ng bestfriend ko.
:(
Patty POV:
Ito na naman siya ... nasasaktan, umiiyak dahil sa iisang tao. MInsan naiisip ko , ang swerte naman pala talaga ni CASper kasi may taong nagmamahal sakanya kahit pa hindi maganda ang nangyari sakanila noon , but still , siya parin hanggang ngayon ang gusto ni Ella. Ahay! Nakaka insecure, nakakaselos! Pero ano nga bang magagawa ko kundi ang maging shoulder to cry on nang babaeng mahal ko na BESTFRIEND lang ang tingin sakin.
