OUCH! 〒▽〒
Ella POV:
NAGising ako na mukha ni Bes ang una kong nakita :)
NApatitig tuloy ako sakanya at basta nalang ako napangiti.
Ilang minuto din siguro akong nakatingin sakanya hanggang sa naramdaman niya siguro na may nakatingin sakanya dahilan para magising siya.
Dahan dahan niyang minulat ang mga mata niya at mukhang nagulat siya ng makita niya akong nakatingin at nakangiti pa sakanya.
Agad siyang bumangon at tumakbo patungong CR , nang makalabas siya ...
" binabantayan mo ako habang tulog ako?" Sabi niya na ikinatawa ko.
" ahaha! NApatitig lang ako bes :)"
Ngumisi lang siya pagkasabi ko nun . Luh? Baka iniisip niya na pinagnanasahan ko siya ha!
" ops! Kung ano man yang iniisip mo Bes, sinasabi ko na sayo , mali yan! Hindi kita type ok?!"
Tinaasan pa niya ako ng kilay .
" wala naman akong sinasabi bes, defensive? HAHA!"
" tch! MALAy mo kasi baka iniisip mo na pinagnanasahan kita."
Tinawanan lang niya ako. Aba!
" ok fine! Sabi mo ee :)"
Saka siya naglakad papunta sa pinto.
" san ka pupunta?"
Tanong ko.
" sa puso mo!"
Bigla niyang sagot. NApangiti ako sa sinabi niya at bigla nalang ako napatawa!
" o siya, uwi muna ako , bago ka pa tuluyang kiligin sakin."
Saka siya lumabas .
AKo kinikilig? Tch! Kilig ba yun? E napangiti lang naman ako.
Trip talaga ni bes minsan ee noh!
DAhil walang pasok ngayon, naisipan ko munang gumala , niyaya ko na si PAtty kaso inaantok pa daw siya , hay naku! Ang takaw niya sa tulog! WAla tuloy akong kasama :(
NAgwiwindow shopping lang ako dito sa MAll, kumakain din kapag trip ko , tch! Nababagot ako sa totoo lang , siguro kapag nandito si PAtty, hindi ko mararamdaman na boring ang araw na to. Uff!
PArang mas trip ko lang kumain ngayon, kaya pumunta ako sa Mcdo para tumambay at kumain na rin , dumiretsyo ako sa counter para mag-order nang isang coffee, apple pie at syempre , ang favorite Fries ko :)
NAghanap ako ng mauupuan , marami rin kasing tao kaya pahirapan maghanap mg pwesto, iginala ko ang paningin ko sa bawat lugar at isang tao ang pumukaw ng atensyon ko .
Bumilis ang tibok ng puso ko ... nakatingin lang ako sakanya, gusto kong gumalaw pero parang napako ata ang mga paa ko sa kinatatayuan ko ngayon.
" excuse me miss , nakaharang ka sa daanan" saka lang ako bumalik sa katinuan ko dahil sa nagsalita at nagsorry sakanya.
Huminga ako ng malalim , gusto ko na siyang lapitan, pero ng tumingin ako sakanya ulit , nakatingin na siya sakin.
⊙﹏⊙
Dug dug dug dug
Yan nalang ang tanging naririnig ko ngayon.
ALAm ko nagulat din siyang makita ako. Ano kayang nasa isip niya ngayon? MAsaya ba siya na nakita niya ako?
" E-Ella?" hindi ko namalayan na nasa tabi na pala niya ako.
