Nasa tabi-tabi lang ...
Patty POV:
Mas napadalas ang pagsasama namin ni Amy, masasabi kong naging close kami sa bawat araw na magkasama kami.
Kami naman ni Ella, minsan nalang din magsama, mas madalas din naman niya kasing kasama si CAsper kaya siguro patas lang kami.
Pano nalang kung hindi ko nakilala si Amy? O di forever alone ang peg ko pag nagkataon.
Nakahiga lang ako dito sa kama ko, wala rin naman akong magawa kaya balak kong matulog buong araw :)
Tok! Tok! Tok!
Agad akong napabangon para buksan ang pinto .
Bumungad sa harap ko si Ella ...
" hi bes (^-^)"
BAti niya sakin.
Pinapasok ko na rin siya.
" napadalaw ka ata?"
Ngayon nalang kasi siya pumunta dito sa unit ko compare dati na madalas siya tumatambay dito.
ANg totoo nyan, nagtatampo ako , simula kasi naging sila ulit ni CAsper ay parang nawalan na siya nang oras sakin , mas madami ang oras niya kay casper kesa sakin .
Pero sino nga ba ako para kontrahin siya? Sabi ko nga kung saan siya masaya, masaya na rin ako kahit ang totoo, naiinis ako.
" grabe naman bes, namiss kasi kita , hindi mo ba ako namiss?"
Tch! Ako pa tatanungin niya??
SYEmpre kahit naiinis ako sakanya, namimiss ko naman siya, yun nga lang, kung wala rin naman kasi siyang time sakin, ayuko namang ipagpilitan ang sarili ko diba? Atleast ayos na rin siguro kapag ganito kami, tuluyan ko na siguro siyang makakalimutan.
" hindi ata kayo magkasama ni Casper?" Tanong ko.
" umuwi siya nang MAnila ."
Kaya naman pala..
" e bakit kayo ni Amy? NApapansin ko madalas kayong magkasama."
" a yun ba? Hmm, magkaibigan kami, saka siya lang naman kasi ang pwede kong makasama maliban kay Simon."
" may something ba sainyong dalawa bes?"
Tinaasan ko siya nang kilay sa tanong niya . Seriously? PAno niya nasabi na may something samin ni Amy? The Hell! Porket madalas kaming magkasama may relasyon na kami??
" ok ka lang bes? ANong something? Magkaibigan lang kami , bakit mo binibigyan nang malisya?"
Inis na sabi ko.
" o relax ok? Hindi mo kelangang magsungit bes. Ok, sorry , akala ko lang kasi meron."
" tch!"
" saka bakit hindi? Tingin ko naman bagay kayo. Saka feeling ko may something special siyang nararamdaman sayo."
" bes, anong tinira mo at nasasabi mo yan? Grabe! Walang something ok? KAya tigilan mo ako."
" hindi mo ba siya type?"
NAng-iinis ba talaga siya? ANong trip niya???
Tinignan ko nalang siya nang masama, ayuko na siyang sagutin!
" bakit hindi diba? Maganda siya, mabait, tingin ko naman mamahalin ka niya kapag naging kayo, masaya ka kapag kasama mo siya ..."
" o bakit hindi ikaw ang manligaw sakanya?" Inis na sabi ko.
