chapter 13

310 13 1
                                    

7 pm ...




ELLA POV:



LAte na ako nagising, buti nalang at sunday ngayon. Gusto kong gumala, pero wala din naman akong kasama.

ANg totoo nyan, nalulungkot ako sa treatment sakin ni PAtty, may nagawa ba ako para iwasan niya ako? MAHalaga sakin si PAtty higit pa sa ibang tao kaya ang lakas ng epekto sakin na hindi kami ok :(



NAHiga nalang ako, itutulog ko nalang siguro tong lungkot ko.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng biglang tumunog ang phone ko.


Text galing kay PATTY .

Buti namam at nagpardam na siya :)
Binuksan ko ang pinadala niyang mensahe ...


Pumunta ka mamayang 7pm sa Rooftop ng apartment , may sasabihin ako.

Ee? ANo daw? MAY sasabihin? BAkit kelangan mamaya pa? Pwede namang ngayon? ANong trip niya?

NAgtipa ako ng isasagot sakanya.

[ ngayon na!]

MABilis naman siyang nag-reply ...

[ kulit! MAMaya na! BAsta hihintayin kita!]

napapaisip tuloy ako kung anong sasabihin niya. Mukhang seryoso. Ahay!


TInuloy ko na ang pagtulog ...

Nagising ako nang mag-aalas kwatro na. dahil napahaba ang tulog ko , nakaramdam na ako mg gutom , hindi pa pala kasi ako kumakain simula kaninang agahan. Hindi ko na rin naramdaman ang gutom dahil sa lungkot ko.


Naisipan kong kumain nalang sa labas, naligo na ako at nagpalit ng pang-alis , nang ok na ako , pumunta na ako sa isang Fast food na malapit.

PAgkapasok ko, nagtungo ako agad sa counter para umorder , tumingin ako sa paligid hanggang sa nahagip ng mata ko ang taong gustong gusto kong makita-si CAsper .

Awtomatiko akong napa-ngiti pagkakita sakanya , ang lakas parin talaga ng epekto niya sakin.

PAgkatapos ko umorder , lumapit ako kung san siya naka-upo , wala naman sigurong masama kung tatabi ako sakanya, wala rin naman siyang kasama.

Nagulat siya pagkakita niya sakin.

" O Ella nandito ka!"
Bulalas niya.

" aa ayos lang ba na dito nalang ako?"
Saka ko siya nginitian.

" ok lang , wala rin naman akong kasama ee."
Ibig sabihin solo ko siya ngayon? :)
WAAHH! ang harot ko! BAKit ba kasi pagdating kay CAsper nag-iiba ako? Ganito ba kapag mahal na mahal mo siya??

" ano palang ginagawa mo dito sa baguio? Dito ka na ba nakatira?"
Curious na tanong ko sakanya.

Nginitian lang niya ako ... pakiramdam ko tuloy tumatalon talon na ang puso ko sa mga ngiti niya! :)

" hindi . ANg liit ng mundo noh? Akala ko hindi na magtatagpo ang landas natin."
Sabi niya.

" kaya nga. PEro masaya ako na nakita kita."
Ito na yun, gusto kong sabihin sakanya lahat!

" namiss mo ako?? (*^_^*)"
PAkiramdam ko namula ako sa tanong niya. Shemay! Bakit kelangan pa niyang itanong e obvious naman na miss na miss ko siya!

Tumango nalang ako bilang sagot habang yukong yuko ako.

" ako rin ..."

NAPAtingin ako sakanya sa sinabi niya. Ibig sabihin ba nun, may something parin siyang nararamdaman sakin? Mahal parin ba niya ako?? WAAAHHH! ANg puso ko! Sobrang natutuwa!


" t-talaga??"
PAninigurado ko.

" oo . Nakakamiss ka din kasi. Hindi naman basta basta lang yung pinagsamahan natin noon. Aa nevermind :)"

BAKit parang ayaw niyang pag-usapan ang nakaraan?? :(

" aa CAsper ... g-galit ka ba sakin?"
LAkas loob na tanong ko sakanya , napatingin lang siya sakin, walang expression ang mukha niya. :(

So ibig sabihin galit parin siya sakin :(

Bigla siyang ngumiti .

" ok, tingin ko kelangan nating pag-usapan ang dapat pag-usapan. Kung ok lang sayo , magkita nalang tayo mamayang 7, kunin ko number mo tas text kita kung saan tayo magkikita . Ok ba sayo yun?"

AT dahil gustong gusto ko siyang makasama at makausap, pumayag ako . Baka ito na yung chance na maitama lahat mg mali ko , ito na yung oras para saming dalawa ng MOO ko :(

" so, see you later Ella. MAuna na muna ako , may pupuntahan lang ako saglit."
Saka niya ako iniwan mag-isa :(
SInundan ko siya ng tingin hanggang sa hindi ko na siya natanaw.



PAgkauwi ko sa unit ko, agad akong nag-ayos. Excited ako! Excited ako makasama siya! MAtagal kong hinintay ang pagkakataon na to at hindi ko pwedeng palagpasin to!

Tinext na ako ni CAsper kanina kung saan kami magkikita, hinihintay ko nalang na mag-7 para umalis , ayuko naman na ako ang mauuna sa meeting place namin , baka mahalata niya na sobrang excited ko sa DATE na to .

Ok ako na ang assumera! para sakin, isa tong DATE! :)



Dumating ang Alas syete ng gabi at hudyat na para umalis ako , ito na yun!
Sana maging maayos ang lahat at bumalik na si CAsper sakin :)




PATTY POV:

Nandito na ako sa rooftop :)
Actually kaninang 6:30 pa ako dito , di naman ako masyadong excited noh? Hehe!

Kinakabahan ako sa totoo lang pero masaya din naman ako na masasabi ko na kay Ella tong feelings ko sakanya. Sana maging maayos ang lahat :)


NAg-effort naman ako sa pagtatapat na to, naglatag ako nang blanket saka ko inayos ang mga pagkaen na ako pa mismo ang nagluto , special to kasi favorite niya ang niluto ko :)

ANg gagawin ko nalang ay ang maghintay, hindi naman siguro siya matatagalan kasi nasa kwarto lang naman siya :)


Tinanaw ko muna ang view nang buong lungsod na puno nang mga ilaw habang hinihintay ko SIYA.


tinignan ko ang oras sa phone ko ...

7:30


Wala parin siya ...


Hindi kaya nakatulog siya kaya wala parin siya? Imposibleng makalimutan niya, hindi si ella ang tipo ng tao na makakalimutin.

NAghintay parin ako , baka nga nakatulog lang talaga siya.




Nakaupo na ako sa nilatagan ko , nakapalumbaba at nag-aabang nang pagdating NIYA.

Pagtingin ko sa phone ko ...

9:30


Ang tagal ko na palang naghihintay :(
Pero bakit wala parin siya? Ibig sabihin ba, wala siyang pakialam sa sasabihin ko?

Darating pa ba siya???


Hindi ko na napigil ang mga luha na kanina pa gustong kumawala, ang sakit pala sa pakiramdam nito , pakiramdam ko nareject ako T_T


Pero kahit ganun , naghintay parin ako ...

HANggang sa yung 9:30 naging 11 na :(


Walang ELLA ang dumating :(


Ibig sabihin ba nito, mas maganda na hindi ko nalang sabihin at hayaan ko nalang itago?

O mas maganda kung tuturuan ko na ang sarili kong mag-move on? T_T

Kakalimutan ko nalang na MAHAL ko siya ...



Yun ang dapat kung gawin T_T

I Think I'm Falling IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon