Ang sakit (╥_╥)
Casper POV:
Nagising ako na wala na sa tabi ko si Ella :(
At alam ko na kung bakit…siguro magkasama sila ni Patty.
Ang sakit! Sobrang sakit! T_T
hindi ko na napigilang hindi maiyak, pakiramdam ko kasi ang bigat-bigat na nang puso ko dahil sa sobrang sama nang loob ko ngayon T_T
Yung pakiramdam na galit ka pero hindi mo mailabas kasi ayaw mong magalit sa taong sobra mong minamahal T_T
Kahit ang sakit-sakit na nang nararamdaman ko, pinunasan ko ang natirang luha sa mga mata ko. Ayukong maabutan ako ni Ella na umiiyak, kasi baka kapag nangyari yun, mas masaktan ako sa kung ano man ang sabihin niya T_T
Ilang minuto pa ang lumipas at bumukas ang pinto, niluwa nito si Ella na halatang nagulat nang makita akong gising.
Nginitian ko siya na parang wala akong dinaramdam na sakit dito sa puso ko.
" k-kanina ka pa ba gising?"
Tanong niya.
" hindi, kagigising ko lang. Naalimpungatan kasi ako, hindi na rin ako makatulog. Ikaw san ka galing MOO?" Tanong ko kahit alam ko na naman na kay Patty siya pumunta.
" Aa .. nagpahangin lang."
Saka siya naglakad palapit sa kama at nahiga.
Tinitigan ko lang siya habang nakapikit na siya at letse! Naiiyak ako habang nakatingin ako sakanya T_T
Pero bago pa ako tuluyang maiyak, nahiga nalang din ako at pipilitin ko nalang makatulog ulit. Sana nga lang pagkagising ko bukas ay ayos na ang lahat. Sana panaginip lang tong lahat ... isang Masamang panaginip! T_T
Ella POV:
Nagising ako na wala na sa tabi ko si Casper. Ginala ko ang paningin ko sa paligid nang unit ko at nakita ko siya na busy sa paghahanda nang breakfast.
Naramdaman niya siguro na nagising ako kaya napatingin siya sa direksyon ko at nginitian niya ako saka siya lumapit sakin.
Hinalikan niya ako sa pisngi ko sabay sabi nang ...
"GOOD MORNING MOO ko (*^_^*)"
Matipid akong gumanti nang ngiti sakanya.
" wait lang MOO, dyan ka lang sa higaan mo ok? Dadalhan kita nang breakfast! (^-^)"
Saka siya nagmadaling kinuha ang tray na may lamang pagkain.
" breakfast in Bed (*^_^*)"
Nilapag niya sa may kama ang tray. Nakatingin lang ako sa tray ...
Nag-effort pa talaga siya, oo sweet, pero hindi ko makapa sa puso ko ang saya na dapat maramdaman ko ngayon :(
Walang epekto ... wala akong special na naramdaman ... walang spark! Walang kilig akong maramdaman. :(
" kain ka na MOO , ako nagluto lahat niyan (^_^), para sayo!"
Hindi na maganda to ... ayukong umasa pa siya, ayukong isipin niya na ayos lang kami kahit ang totoo ay hindi na talaga. :(
Sasabihin ko na sakanya kung anong nararamdaman ko sakanya at kay Patty. Hindi ko na dapat to pinapatagal pa!
" Casper ..."
" hmm ?"
" may sasabihin ako ..."
