Concern
PAtty POV:
" buti naman nasabi mo na. So anong nangyari?" TANong ni Simon.
NANdito kami ngayon sa tea house na tinatambayan namin kapag kami ang magkasama, as usual, siya lang naman ang pwede kong pagsabihan nang mga concerns ko kay Ella.
" ayon , friendzone ang peg! :("
Tinawanan lang ako nang mukong na to! Tch! MAy nakakatawa ba sa sinabi ko?!!
" alam mo PAtz, may bagay na kanta dyan sayo si Ella..."
Tinignan ko siya nang nagtataka, anobg kanta ang pinagsasabi niya? Ahay!
Kinuha niya ang phone niya at may kinalikot sa phone niya ...
" pakinggan mo yan Patz, pero yung PARE na word, palitan mo nang pangalan mo."
Plinay niya ang sinasabi niyang kanta ...
Pare, mahal mo raw ako ...
Yan ang sabi mo raw nung minsan ay malasing tayo ...
Pinakinggan ko lang ang kanta ...
Hanggang sa umabot na sa chorus ...
wala namang magbabago
Sa pagtingin ko sa iyo
Pero KAIBIGAN lang ang pwede kong ialay sa iyo
At kung higit pa run,
PAsensya na 'di ko makakaya...
PATTY, kaibigan lang kita ...
PINATAy ko ang kanta , saka ko siya tinignan ng masama.
" salamat ha! NAPAka supportive mong kaibigan SIMON! Tch!"
NAgawa pa niyang mang-inis! Naiiyak tuloy ako. Huhu!
" sorry na, e kasi sabi mo na FRIENDZONE ka kaya ayan ang kanta sayo ni Ella. ANg sensitive naman"
" wala ako sa mood makipag-biruan sayo!"
Inis na sabi ko sakanya.
" alam mo PAtz, swerte ka pa nga ee, kasi hindi ka nilayuan ni Ella... mahal ka talaga niya bilang bestfriend niya kasi pinapahalagaan niya ang friendship niyo. Ayaw mo yun? MAgkasama parin kayo."
" hindi naman ako umaasa na suklian niya yung LOVE ko sakanya, sinabi ko lang talaga para aware siya."
" talaga? Hindi ako naniniwala, simula nagtapat ka, nagsimula ka na ring umasa :)"
" ahay! BAHALa ka kung anong gusto mong isipin! SAKA ano kung umaasa ako? MAy pag-asa ba ako? Diba wala? Tch!"
" malay mo meron , diba nga sabi niya kapag ready na siya, siya na mismo ang manliligaw sayo? O! O di may pag-asa ka pa! Ang nega mo naman kasi ee!"
" walang kasiguraduhan yun Simon, maraming pwedeng mangyari. Saka ano namang laban ko kay CASPEr diba? ALAM naman nating lahat na simulat'sapul , siya na ang mahal ni Ella."
" panahon nga nagbabago, nararamdaman pa kaya?"
" pero hindi ganun kadali. Sabihin na nating nagkagusto na rin siya sakin, pero ang tanong, mahal ko parin ba siya sa mga panahon na yun? BAKA mapagod na rin ako maghintay :("
Totoo naman, lahat napapagod , lalo na kung walang kasiguraduhan na may hinihintay ka pala. :(
" o di ngayon palang kalimutan mo na kung ano man ang nararamdaman mo sakanya, tara mag-chix tayo. (^-^)"
