Effort
Ella POV:
Pagkakita ko kay Casper, agad akong naglakad palapit sakanya. Alam ko nasasaktan siya, alam ko rin na galit siya kaya mas kelangan naming mag-usap, kelangan na niyang malaman lahat! Ang lahat na meron kami ni Patty T_T
" Casper..." tawag ko sakanya. Titig na titig lang siya sakin habang patuloy parin siya sa pag-iyak T_T
" Casper... i'm sorry T_T"
This time mas napahagulgol na siya, at habang nakikita ko siya kung gaano siya nasasaktan ngayon, parang dinudurog ang puso ko T_T
Hinawakan ko ang kamay niya, pero mabilis niya rin itong inalis. :(
"Please mag-usap tayo Casper"
Sabi ko sakanya.
" shit Ella! Sobra na akong nasaktan sa mga nakita ko ngayon!!! Dadagdagan mo pa talaga?!! Seryoso ka ba?!! Gusto mong mag-usap tayo?!! Para ano Ella?!! Para mas ipamukha mo sakin kung ano mang meron kayo ni PATTY?!!! Bullshit Ella! T_T
Ang manhid mo! Ang manhid manhid mo!! T_T"
Napapikit ako sa mga sinabi niya... kasabay nang pagpikit ko ay ang pagtulo nang mga luha ko T_T
" CASPER!" Rinig kong sabi ni PATTY na ngayon ay nasa tabi ko na pala.
" ... hindi mo kelangang sigawan at murahin si Ella! Kung galit ka, 'wag ka sakanya magalit! Sakin ka magalit! Sakin mo ibuhos yang galit mo! Saktan mo ako! MUrahin mo ako! Pero 'wag na 'wag si Ella!"
Hinawakan ko sa braso si Patty para pigilan siya bago pa sila mag-away ni Casper.
" wow! So nagpapaka-hero ka ngayon Patty?!! Tch! Gago ka pala ee! Ikaw pa talaga na kapamilya ko ang gagago sakin?!! Ikaw pa pala ang aahas sakin!? Patty, anong ginawa ko sayo para gawin mo sakin to?! Alam mo kung gaano ko kamahal si Ella! Pero bakit ikaw pa ang nang-agaw sakanya sakin?!!
T_T"
" Casper hindi niya ako inagaw! 'Wag ka kay Patty magalit kasi ako lahat ang may kasalanan nito! Please. Tayong dalawa ang mag-usap Casper. T_T"
Hinawakan ulit ni Patty ang kamay ko, hindi ko alam kung anong iniisip ni PAtty ngayon pero ayuko na siyang madamay pa sa pag-uusap namin ni Casper, tama na na sakin lang siya magalit kasi ako naman talaga ang nakasakit sakanya T_T
" I'm Sorry Casper..."
" sorry??! Sana naisip mo yan bago mo siya inagaw sakin! Sana inisip mo muna na may masasaktan ka! Sana nagpigil ka! Sana pinigilan mo yang nararamdaman mo kay Ella para hindi ka nakasira nang relasyon!! T_T"
Humigpit ang hawak ni Patty sa kamay ko.
" matagal akong nagpigil Casper... at alam mo kung anong pakiramdam na pinipigilan mo yung nararamdaman mo sa taong mahal mo? Para kang unti-unting pinapatay sa sobrang sakit Casper! Pinigilan ko ang sarili kong mahalin si Ella noon kasi alam ko naman na ikaw ang mahal niya noon... nagpaubaya ako, pinilit kong kalimutan kung ano man tong nararamdaman ko sakanya, naghanap ako nang iba para lang mawala ang atensyon ko kay Ella... pero sa huli, Siya at siya parin talaga ang hinahanap nang puso ko! MAHAL KO SI ELLA Casper, at hindi ikaw ang makakapigil sakin para ituloy ang pagmamahal ko sakanya!"
Silang dalawa nalang ni Patty ang nag-uusap, nakayuko lang ako habang patuloy parin ako sa pag-iyak.
Saglit akong tumingin kay Casper, kung kanina ay sobrang galit ang nakita ko sa mukha niya, ngayon ay medyo huminahon siya.
" Ella ... ok, sa ibang araw tayo mag-usap, alam ko naguguluhan ka lang, alam ko na ako parin talaga ang mahal mo, bibigyan kita nang panahon para makapag-isip, maisip na ako ang nararapat sayo at hindi kung sino man!" Pagkasabi niya nun ay umalis na siya. sinundan ko nalang siya nang tingin hanggang sa nawala na siya sa mga paningin ko.
Tinignan ko si Patty na ngayon ay tulala lang.
" sorry nadamay ka pa :("
" hindi mo kelangan mag-sorry kasi damay naman talaga ako dito ..."
Sabi niya pero hindi siya nakatingin sakin. Ang seryoso niya :(
Galit ba siya? Uff!
Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko saka siya humarap sakin ....
"... tutal damay ako dito, pangako Ella, lagi akong nasa tabi mo kahit anong mangyari. Sasamahan kita sa lahat nang problemang kakaharapin mo. ipaglalaban ko tong love ko para sayo Ella, kahit dumating ka sa point na marealize mo na siya parin talaga ang mahal mo, nandito lang ako. H-hindi kita iiwan."
Nakatingin lang ako sakanya habang sinasabi niya sakin ang mga linya na binitawan niya. Ramdam ko na pinipilit lang niyang maging matapang, pero deep inside, nahihirapan din siya :(
Pero sa kabila nang lahat nang iyon, thankful parin ako na nasa tabi ko siya ngayon. Sapat na sakin na kasama ko siya ngayong down ako.
" thank you Patty. Salamat kasi lagi kang nasa tabi ko."
Ngumiti lang siya bilang sagot sa pagpapasalamat ko dahilan para mapangiti na rin ako.
Inakbayan niya ako, saka kami nag-umpisang maglakad.
" tara Mcdo tayo. Libre ko na ang Fries mo (^-^)"
AYa niya sakin na ikinangiti ko lalo. Favorite ko kasi talaga ang fries at comfort food ko yun maliban sa matatamis na pagkain.
" tapos pagkatapos natin mag-Mcdo, bibilhan kita nang Cake, ice cream ... candies? Name it! Bibilhin ko para lang sumaya ka (^_^)"
Na-touch naman ako sa sinabi niya, eeffort pa talaga siya para lang mapasaya ako :)
Bilib na talaga ako kay Patty, hindi lang ako swerte kasi BESTFRIEND ko siya kundi dahil GIRLFRIEND ko pa siya. Wala akong pagsisisi kung ano man kami ngayon ni Patty, ang totoo nga niyan masaya ako kasi kahit mag-girlfriend na kami, ramdam ko parin ang pagiging BESTFRIEND niya :)
Yung tipong parang kanina lang ang lungkot ko at wala na akong ginawa kundi umiyak, pero ngayon napapasaya na ako ni Patty.
Naglakad na kami ni Patty papuntang Mcdo para bumili nang Fries saka kami dumiretsyo nang University.
Gumaan talaga ang pakiramdam ko, hindi lang dahil sa Fries, isama na rin si Patty na todo effort talaga para pasayahin ako :)
Yes nalulungkot parin ako pero mas lamang yung saya na nararamdaman ko.
Naniniwala ako na maayos din lahat nang to, sa ngayon, gusto ko munang namnamin tong saya na pinaparamdam sakin ni Patty, ayukong masayang to! (^.^)
