Sorry na ...
Ella POV:
Sa loob nang ilang araw na hindi ko kinakausap si Patty ay parang araw-araw ko na ring sinasaksak ang puso ko! T_T
Mahal ko siya kaya sobrang sakit sakin nang sabihin niya na aalis siya, sobrang sumama ang loob ko to the point na ayuko muna siyang kausapin ... pero habang tinitiis ko siya, doble ang sakit na nararamdaman ko.
Gustong-gusto ko na siyang kausapin sa totoo lang, gusto ko na siyang makasama, gusto ko na siyang maka-usap pero kapag naiisip ko na kapag nag-usap at nagkita kami ay masasaktan lang ako lalo, ngayon pa na ilang araw nalang ay aalis na siya!
Naglalakad na ako papuntang university nang makasalubong ko si Simon. Nag-ngitian lang kami saka namin nilagpasan ang isat'isa.
Bigla kong naalala si Patty. Napatigil ako saka ko nilingon si Simon na hindi pa nakakalayo.
" Simon!"
Tawag ko sakanya dahilan para lumingon siya.
Naglakad ako palapit sakanya." b-busy ka ba? Pwede ba tayong mag-usap?"
Tanong ko." Aa sure."
Pumunta kami sa isang cafeteria ...
" Simon, nakakatext mo ba si Patty?" Agad na tanong ko.
" hmm Oo naman."
Sagot niya." k-kamusta siya?"
Tinitigan lang niya ako.
" Ella ... hanggang kelan mo siya titiisin? Aalis na siya dalawang araw mula ngayon, wala ka bang balak magpakita sakanya? "
Balik na tanong niya sakin." tingin ko hindi ko kaya na makita siyang umaalis ."
" pero nakakaya mo siyang hindi kausapin at hindi makita! Anong pinagkaiba nun? Tingin ko nga mas malala pa yang ginagawa mo ngayon. Alam mo, dapat nga mas nagbibigay ka nang oras kay Patty ngayon kasi aalis na siya ee, dapat mas sinusulit mo na makasama siya habang nandito pa siya ... pero bakit ka ganyan? Hindi mo ba naiisip na nasasaktan siya kasi binabaliwala mo na siya? Tingin mo ba ikaw lang ang nasasaktan sainyong dalawa? Ella, sana maisip mo rin na kung nasasaktan ka, ganun din siya! Kung nahihirapan ka, nahihirapan din siya! Ngayon kung mahal mo talaga siya, bakit kelangan sakin mo pa tanungin kung kamusta siya? Bakit hindi ikaw MISMO ang magtanong sakanya niyan? "
Hindi ko magawang makapag-salita, lahat nang sinabi ni Simon ay tumama sakin. Kasabay nang pag-urong nang dila ko ay ang paglabas naman nang mga luha ko.
Wala na akong nagawa kundi ang umiyak." sorry, sinabi ko lang ang dapat, sana lang natauhan ka Ella. Hindi ko intensyon na saktan ka, pasensya na."
Pinunasan ko ang mga luha sa mukha ko ...
" H-hindi mo kelangan mag-sorry Simon, Tama ka! Tama lahat nang sinabi mo. T_T ako nga 'tong mali ee ... ang selfish ko! Sarili ko lang iniisip ko, h-hindi ko manlang naisip ang nararamdaman ni Patty! T_T"
" pwede ka pa namang bumawi, hindi pa huli ang lahat. Ngayon mo patunayan sakanya na mahalaga siya sayo. Huwag mo nang hayaang maulit yung nangyari noon na nagsisi ka kasi hindi mo manlang napaglaban yung taong mahal mo. Tama nang nagawa mo yun kay Casper, pero 'wag na 'wag mo nang uulitin kay Patty."
![](https://img.wattpad.com/cover/42020568-288-k991865.jpg)