Chapter 52

300 12 0
                                    

"If you don't fight for what you want, don't cry for what you lost.








Patty POV:


Nakatanggap ako nang text galing kay Ella, mag-usap daw kami.
Ito na ba yun? Makikipag-hiwalay na ba siya?? Psh!




Tinungga ko muna ang beer na hawak ko saka ako tumayo at naglakad palabas nang Bar.
Hindi naman ako lasing, medyo hilo lang kasi medyo marami din ang nainom ko.






Nakita ko si Ella sa labas nang apartment. Talagang hinintay pa niya ako para lang makausap.


Kinalma ko ang sarili ko, ayukong makita niya na hindi ako ok, ayukong mahalata niya na may alam na ako. Ayukong maawa siya sakin.
Gusto ko mismo manggaling sakanya lahat nang sinabi sakin ni Casper.





Nilapitan ko siya... ngiting-ngiti pa nga ako kahit deep inside sobra akong nasasaktan! :(





Pagkalapit ko sakanya, niyakap ko siya. Ahay! Kahit nasasaktan ako ngayon, namiss ko siya. Sa buong araw na umiwas siya sakin, ang sarap lang sa pakiramdam na nayakap ko na ulit siya.

" buti naman pinansin mo na ako... namiss kita, SOBRA!" Sabi ko sakanya kasabay nang paghigpit nang yakap ko sakanya.


Kung may power lang ako na patigilin ang oras, ginawa ko na! Gusto ko lang manatiling nakayakap sakanya.






Kumalas ako sa pagkakayakap sakanya saka ko siya tinitigan.


" masyadong malamig dito Mahal ko, tara sa loob. (^-^)" aya ko sakanya saka ko hinawakan ang kamay niya at maglalakad na sana ako nang hilain niya ang kamay ko dahilan para mapatigil ako.




" d-dito nalang, m-may sasabihin kasi ako."





Ito na ba yun? Ang totoo niyan, bigla akong nakaramdam nang kaba, dahil ba alam ko na kung ano ang sasabihin niya?






Kalma lang Patty... ayos lang yan! Kung ano man ang sabihin niya,t-tanggapin mo nalang.







" Patty..." banggit niya sa pangalan ko, nakatingin lang ako sakanya, hinihintay ang sasabihin niya na siguradong magpapadurog nang puso ko. :(






" Patty, maghiwalay na tayo"









Yung pakiramdam na habang sinasabi niya yung "maghiwalay na tayo" ay parang sinasaksak nang paunti-unti ang puso ko! Tangina naman!







Mas masakit pala kapag personal na sinabi sayo! Yung kanina kasi puro sa isip ko lang, tapos nung sinabi mismo sa harap ko... shit! Para akong sinampal nang isang daang tao sa sobrang sakit! T_T





Hindi ko na nga maramdaman ang lamig nang Baguio, ang nararamdaman ko lang sa mga oras na to ay ang sakit nang puso ko! T_T






" Ella..." yan nalang ang nasabi ko. H-hindi ko alam ang sasabihin ko. A-ano ba? Shit!






" sorry Patty , sorry kung lagi nalang kitang nasasaktan!"
Umiiyak siya habang nagsasalita.



Naramdaman ko nalang din ang pagtulo nang mga luha ko, hindi ko alam kung nahawa ba ako sa pag-iyak ni Ella, o dahil sa sinabi niya na lagi nalang niya akong nasasaktan?



Nakakainis!!!! Ayukong kaawaan niya ako!! Pero ako mismo naaawa sa sarili ko! Ganun na ba ako katanga talaga? Na kahit ilang beses na akong nasasaktan, umaasa parin ako na baka mahalin parin ako nang taong mahal ko?! Punyeta! Wala akong balak palitan si Rizal at magpatayo nang munomento dahil sa katangahan ko!


Hinawakan niya ang kamay ko, mas lalo akong naiyak. T_T




" h-huli na to na magkakasama tayo nang ganito katagal, huli na din to...na mag-uusap tayo, Masakit para sakin to Patty pero kelangan na nating umiwas sa isat'isa. T_T"
'W-wag mo na akong lalapitan, kalimutan na natin ang isat'isa!"




Wow! Hindi ako makapaniwala na nasasabi niya ang lahat nang yun! Shit! Wala ba kaming pinagsamahan? Lahat ba nang pinakita niya sakin hindi totoo?




" bakit? B-bakit ang bilis mong bitawan ako Ella? T_T akala ko parehas tayo nang nararamdaman, akala ko mahal mo rin ako gaya nang mga sinasabi mo sakin..."




" akala mo lang lahat yun Patty! A-akala ko rin mahal kita, pero nagkamali ako,a-awa lang ang naramdaman ko sayo Patty! Yun lang yun! T_T kung meron man akong mahal, si Casper lang yun! Siya lang ang mahal ko! T_T"






Pwede bang barilin nalang niya ako para minsanang sakit ang maramdaman ko, hindi yung paunti-unti niya akong pinapatay sa mga sinasabi niya! T_T




All this time, AWA lang pala ang naramdaman niya sakin?!! T_T
At ako naman si Tanga, akala ko LOVE na, naawa lang pala! T_T



Humahagulgol na ako dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko! T_T
H-hindi ko na kaya! Ang sakit-sakit na kasi! T_T




Tumalikod na ako at nag-umpisang maglakad palayo sakanya! Ayuko nang marinig pa ang sasabihin niya!

Galit ako! Pero hindi ko magawang magalit sakanya! Galit ako sa sarili ko kasi ang tanga ko para maniwala sa lahat nang mga pinakita niya! Shit! BESTFRIEND ko siya ee! Tapos siya pa pala ang manloloko sakin?? T_T
Ano bang ginawa ko? Minahal ko lang naman siya! Pero bakit ang sakit nang balik sakin?!!









Ella POV:






Napaupo nalang ako habang patuloy parin ako sa paghagulgol! Hindi ko kinaya ang mga sinabi ko sakanya, sobra akong nasasaktan habang sinasabi ko sakanya ang mga masasakit na sinabi ko kanina!

Wala namang totoo sa mga sinabi ko ee! Alam ko sa sarili ko kung gaano ko kamahal si Patty, at hindi awa yun! T_T
Kelangan ko siyang saktan para lumayo na siya sakin kahit doble ang sakit nun sakin! Hindi rin pwedeng magpatuloy kami sa pagiging mag-kaibigan ulit, parehas lang kaming masasaktan.


Hanggang dito nalang kami... na kahit mahal namin ang isat'isa, kelangan naming tanggapin na hindi kami ang nakalaan para sa isat'isa!







Tumayo na ako saka naglakad papasok nang apartment, napahinto ako nang makita ko si Patty sa harap nang unit ko.





Naglakad ako palapit sakanya...



" Patty, anong ginag-" naputol ang sasabihin ko nang bigla nalang niya akong yakapin.





T_T






Ano bang ginagawa niya?? Ang kulit naman kasi niya ee! Sinabi ko na nga kasing mag-iwasan nalang kami! Tapos wala pa ngang 30 minutes na nagkakahiwalay kami ito siya at yakap-yakap ako! T_T





" sorry, hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala ka ulit sakin. T_T
Tanga na kung tanga, pero ipaglalaban ko tong pagmamahal ko sayo! I love you so much para pakawalan lang kita at hayaang mapunta sa iba! Selfish na kung selfish, possisive na kung possisive... pero Ella, AKIN KA LANG!"

Sa mga sinabi niya, awtomatiko akong napangiti, damang dama nang puso ko ang sinabi niya.
Ngayon, hindi ko alam kung kaya ko pang panindigan lahat nang mga nasabi ko kanina, parang gusto ko nalang bawiin lahat at manatili nalang sa tabi ng babaeng mahal na mahal ko!


Naramdaman ko ang paghigpit nang yakap niya sakin, at dahil sa saya na nararamdaman ko ngayon sa piling ni Patty... napayakap narin ako sakanya.



























I Think I'm Falling IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon