Selos pa MORE!
ELLA POV:
Magkasama kami ngayon ng MAHAL KO dito sa unit niya, dito ako matutulog ngayon :)
Ganito ba kapag inlove ka? Gusto mo kasama mo lagi yung taong mahal mo.
Ang totoo nga niyan hindi sumasagi si Casper sa isipan ko ngayon, na kay Patty lang ang buong atensyon ko. Alam ko mali kasi si Casper yung Girlfriend ko pero kasi hindi ko mapigilan, si Patty ang gusto nang puso ko kahit si Casper ang sinasabi nang utak ko. :(
Tok tok tok
Parehas kaming napatingin ni Patty sa pinto.
" may hinihintay ka bang bisita? Baka si Amy yan! Tch!"
Inis na sabi ko.
Bumangon siya habang hawak niya ang kamay ko ... tinapat niya ang mukha niya sa may tenga ko ...
" Iloveyou Mahal ko ... kung siya man yan, 'wag kang mag-alala, SAYO LANG AKO (^-^)"
Saka niya ako nginitian dahilan para mapangiti na rin ako at mapanatag :)
Naglakad na siya papuntang pintuan at pagkabukas niya nito ay tumambad si AMY na todo kung makangiti nang makita niya si Patty.
Nawala ang ngiti niya nang makita niyang nandito ako sa loob nang unit ni Patty. Tch!
Kahit hindi pa siya pinapapasok ni Patty ay pumasok na siya. Uff! Kapal nang mukha niya!!
" nandito ka pala Ella? (^_^)"
Ayy bulag lang?? Parang ngayon lang niya ako nakita e nakita na niya ako bago pa siya makapasok!
" bakit? Bawal ba ako dito?"
Pagtataray ko.
" hindi naman :) aa siguro pwede ka nang umalis, nandito na kasi ako , salamat nalang sa pagsama sa Patty ko (^-^)"
Kumulo ang dugo ko sa sinabi niya! Letseng babae to!! GRRRR!!
" Aa hindi , dito lang si Ella. Dito siya matutulog."
Singit naman ng Mahal ko :)
Pinandilatan ko si Amy sabay ngisi! Akala ba niya?!! HAHa!! Ano siya ngayon?!! BWAHAHAHA!!
" FINE!"
Sabi nalang niya pero alam ko nainis siya! (^-^)
Nandito lang ako sa kama, habang si Amy naka pulupot na naman ang kamay kay Patty! Eeish! Putulin ko yang mga kamay niya ee!! Tch!
" gutom ka na ba Patty ko? Tara kain na tayo,nagdala ako nang food :)" alok niya kay Patty.
" hindi pa kami kumakain ni Ella ..."
sagot naman ni Patty.
" pero pang dalawang tao lang itong binili ko Patty ko."
Psh! Style niya bulok! Alam ko naman na ayaw niya talaga ee! Ang dami pang sinabi!!
" hmm ayos lang yan, share nalang kami (*^_^*)"
Naks naman! Kahit naiinis ako kay AMY, napapangiti naman ako nang Mahal ko sa mga sinasabi niya. :)
Nakangiti lang ako sa MAHAL KO, ganun din siya sakin ... epal nga lang tong Amy na to sa moment namin ee!
Nakikita ko siyang inis ang mukha sa peripheral vision ko, haha!' Buti nga sakanya!
