chapter 55

267 11 1
                                        










Ella POV:






Magkasabay kaming lumabas ni Patty ng university, masaya kaming nagkikwentuhan nang makita namin si Casper na naghihintay sa tapat nang university.


Kinabahan ako nang makita ko siya, lalo na ngayon na nakita niya ako na kasama si Patty :(
Bigla ko ulit naisip yung sinabi niya na magpapakamatay siya kapag si Patty ang pinili ko. :(
Bigla tuloy akong natakot!






" mauna ka nang umuwi, ako na kakausap kay Casper (^-^)"
Sabi ni Patty. Pambihira, nagawa pa niyang ngumiti samantalang ako natatakot na ako sa pwedeng gawin ni Casper. Mamaya mag-away sila!




" sasama ako!"


" kulit! Hindi na ok? Mamaya makita mo pa kaming magsabunutan, baka matawa ka lang! (^.^)"



Ayaw talaga pumayag! AHAY! nag-aalala lang naman kasi ako :(



" o-ok. B-basta mag-ingat ka please. Uwi ka agad!"


Pagkatapos ko siyang bilinan, nginitian na naman niya ako, ngiti abot tenga niya!


" sige ngiti pa hanggang mapunit yang bibig mo! (^-^)"
Pang-aasar ko sakanya.



" kinikilig ako shunga! HAHAHA!"





-_-



NAKU TALAGA! kaya hindi pwedeng kiligin 'tong Girlfriend ko kasi nasasabihan ako nang shunga! :)



" sige na Ella babes, uwi na ikaw (^-^)"



Ano daw?? Ella BABES?? HAHAHA! Naku talaga 'tong girlfriend ko, ang daming alam! Pero infairness, kinikiliti 'tong puso ko (^-^)








Sa sobrang abala ko sa pag-uusap namin ni Patty ay nawala sa isip ko na nakatingin pala samin si Casper.
Kasi naman si Patty, hinaharot pa ako! Nakakatakot na tuloy yung reaction niya--ang seryoso na kasi masyado na kulang nalang lamunin niya kami nang buhay ni Patty.




" s-sige... hihintayin kita."
Saka ako tuluyang umalis.
Sana maging maayos kung ano man ang pag-uusapan nilang dalawa, sana lang talaga hindi sila magsabunutan!














Patty POV:




Hinintay ko munang makalayo si Ella bago ko nilapitan si Casper, ang totoo niyan kinakabahan ako, hindi ko alam ang pwedeng gawin ni Casper, pero bahala na! Lalakasan ko ang loob ko para kay Ella...para sa FOREVER namin! (*^_^*)






" usap tayo." Sabi ko nang makalapit ako sakanya, tinanguan lang niya ako hudyat nang pagpayag niya saka siya naglakad.




Wala akong ginawa kundi ang sundan lang siya, hanggang sa nakarating kami sa Bar kung saan ako madalas pumunta.







" maaga pa para uminom." Pagbibiro ko sakanya.




" iinom lang tayo, hindi tayo maglalasing." Kalmadong sagot niya.






Umupo kami saka umorder nang tig-isang bote nang flavored beer.







" may nalaman ako..." panimula ko.
Hindi siya nagsalita, sa halip ay uminom lang siya.






"... seriously Casper? Magpapakamatay ka para kay Ella?? Psh! Pero naniniwala rin ako na hindi mo kayang gawin 'yun. Tama ba?"






" 'pano kung nagawa ko?"





Hibang na talaga siya! TCH!





" o di dadalawin nalang kita sa lamay mo. (^.^)"
Pagbibiro ko ulit dahilan para mapangisi siya.







" 'tama ka... hindi ko naman kayang magpakamatay at never kung gagawin yun. Sinabi ko lang yun para matakot si Ella at hindi niya ako iwan."






" masaya ka naman ba sa ginawa mo?"



" mukha ba akong masaya ngayon? Ang akala ko ayos lang sakin na 'one-sided love' ang meron sa relasyon namin ni Ella, na ayos lang kahit ako lang ang magbigay nang lahat...ang importante lang naman kasi sakin si Ella ee, na kapag nasa akin siya, akala ko magiging ok na ako...pero hindi pala, sa araw-araw na magkasama kami, oo kasama ko nga siya, pero yung isip niya wala sakin. Ang sakit pala nun! Yung araw-araw nalang nasasaktan ka kasi yung pakiramdam na hindi nasusuklian yung pinaparamdam mo'ng pagmamahal."





" kung nasasaktan ka na pala, bakit pinipilit mo parin ang sarili mo sakanya? Bakit hindi mo nalang siya pakawalan?"






" kasi tanga ako...umaasa ako na baka magbago ang isip niya at maramdaman niya ulit na mahal niya ako. T_T"






Ramdam ko siya! Ramdam ko kung anong pinang-huhugutan niya!
At sa mga oras na 'to, naaawa ako kay Casper :(




" yan tayo ee...lagi tayong umaasa. Umaasa parin tayo kahit alam naman na natin na umpisa palang wala naman na tayong mapapala, na sa huli, ang makukuha nalang natin pabalik ay SAKIT :("







" suko na ako Patty ... a-ayuko na. Siguro nga hanggang dito nalang kami ni Ella..."






Hindi ko na nagawa pang magsalita, wala na akong masasabi pa. Sakanya narin naman nanggaling na ayaw na niya, mas ok na rin yun atleast wala nang masasaktan pa, wala nang mahihirapan.






" i-ikaw nang bahala sakanya."






So pinaparaya na niya si Ella. Gumaan ang pakiramdam ko, atleast ginawa niya kung anong dapat. Masaya ako...hindi para sakin kasi masosolo ko na si Ella kundi masaya ako kasi magkakaroon na nang Closure ang relasyon nilang dalawa. Hindi na magiging komplikado ang lahat, wala nang isa sakanila na masasaktan.








" w-wala ka bang balak kausapin si Ella?"





" ok lang ba sayo??"
Saka siya tumawa.





" sira! Syempre ayos lang. Mas maganda kung magkausap kayong dalawa, ayusin ang dapat ayusin...at tapusin ang dapat tapusin."






" alam mo namiss ko 'to, yung nag-uusap tayo, yung ok tayo..."






Siya lang ba? Kahit ako rin naman, sobrang close naman kasi talaga kaming dalawa, at masaya ako na maayos na ulit kami. (^-^)







" at dahil ok na tayo... cheers! (^_^)"






At sabay naming tinungga ang bote ng beer na hawak namin! (*^_^*)



























I Think I'm Falling IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon