Ikaw lang at AKO…
ELLA POV:
Nagising ako na wala sa tabi ko si Patty dahilan para mapabangon ako agad. Ginala ko ang mata ko sa kabuuan nang unit ko at nakita ko siya sa may mini kitchen na nagluluto.
Napangiti ako nang makita ko siya-- asawa lang ang dating??
Dahan-dahan akong naglakad palapit sakanya para hindi niya ako mapansin. At dahil mukhang busy siya sa ginagawa niya, hindi niya namalayan na nasa likuran na niya ako.
Dahan-dahan kong kinawit ang mga kamay ko sa bewang niya para mayakap ko siya saka ko sinandal ang ulo ko sa likuran niya.
" good morning Mahal ko(*^_^*)"
Bati ko sakanya.Masaya ako… SOBRA! sana ganito nalang araw-araw, na gigising ka tapos ang una mong makikita ay yung taong mahal mo.
Tinanggal niya ang kamay ko mula sa pagkakayakap ko sakanya saka siya humarap sakin na ngiting-ngiti dahilan para mapangiti rin ako.
" Good Morning (^-^), gutom ka na ba? Tapusin ko lang saglit tong niluluto ko."
" uunahin mo yan kesa sakin?" Kunwaring pagtatampo ko, gusto ko lang kasing magpalambing. (^-^)
Tinaasan niya ako nang kilay saka siya tumawa.
Siya naman ngayon ang humawak sa bewang ko at nilapit niya ako lalo sakanya. Dinikit niya ang mukha niya sa may gilid nang mukha ko na malapit sa tenga saka siya nagsalita.
" I love You Ella…"
Napa-ngiti ako sa sinabi niya, sapat na yung 3 words na yun para sumaya ako. (*^_^*)
" I Love You too."
Pagkasabi ko nun ay hinalikan niya ako sa pisngi saka siya humarap ulit sakin. Nakatitig lang siya sakin nang bigla nalang niya akong halikan sa labi ko.
Saglit na halik lang naman ang ginawa ni Patty, naglapat nga lang ang mga labi namin pero pagkatapos nun nakaramdam ako nang init kahit ang lamig nang panahon.
Pakiramdam ko tuloy nabitin ako sa halikan namin at parang gusto ko pa! AHHHH! ano ba yan!
Ano ba naman tong nararamdaman ko!Hinila niya ako papuntang lamesa, pinaghila pa niya ako nang upuan para maka-upo ako.
" thank you (^-^)"
Hinalikan niya muna ako sa may sintido ko bago siya bumalik sa pagluluto.
Hindi mawala ang mga ngiti sa labi ko, ang saya lang sa pakiramdam, sana lang hindi na matapos ang araw na to na magkasama kami.
Bigla ko tuloy naisip si CASPER, bigla akong natakot…paano kapag nalaman niya na magkasama kami ni Patty ngayon at maayos parin kami? Natatakot ako sa pwede niyang gawin :(" CASPER?" Nabalik ang atensyon ko kay Patty na ngayon ay nasa tabi ko na pala.
"H-ha?"
" si Casper ba yang nasa isip mo?" Tanong niya ulit.
Tumango ako bilang sagot.
" natatakot ako Patty…"
" dahil??"
Siguro kelangan ko nang sabihin kay Patty ang sinabi ni Casper sakin nang mabawasan naman kahit papano 'tong takot sa dibdib ko.
