chapter 6

429 16 0
                                        

nakita ko SIYA ...



ELLA POV:



PAgkalabas ko nang kwarto nakita ko agad si Patty na naghihintay sa tapat nang kwarto ko.

" good morning Bes (^-^)"
BATi niya sakin.

" kanina ka pa ba bes? Himala ha , nauna ka ngayon. Saka para atang blooming ang bestfriend ko ha :)" puna ko sakanya.

" masaya lang bes :) tara na?"
TAnong niya habang nakaakbay na siya sakin.

ILang araw ko nang napapansin na medyo wierd tong kaibigan ko sa mga kinikilos niya , syempre kaibigan ko siya kaya alam ko kung may mali sakanya.

" nag-breakfast ka na ba bes?"
TAnong niya sakin, umiling lang ako bilang sagot.

" tara kain muna tayo , kahit ako rin hindi pa nag-aalmusal bes ee"
Hinawakan na niya ang kamay ko saka niya ako hinila papunta sa isang kainan malapit sa apartment namin.

PANsin ko lang , mas nagiging touchy na tong kaibigan ko. :)
PANsin ko lang naman , walang malisya kasi bestfriend ko naman siya saka siguro normal lang naman to.


" ate dalawang HOTSILOG"
Sabi niya sa nagtitinda.

" naks , hindi mo na talaga ako tinanong kung anong gusto ko bes ha"

" kelangan pa ba bes? E alam ko naman na HOTSILOG lang naman ang gusto mo :)" sabi niya na ikinatuwa ko .
WEll, bestfriend ko talaga siya kaya hindi na ako nagtataka kung bakit alam niya kung anong mga gusto ko at ayaw ko. :)


NANg matapos na kaming kumain , naglabas na ako nang pambayad ko kaso imbes na tanggapin ni PAtty , pinatago niya ulit sakin.

" ako na bes , sagot kita ngayon :)"

Ayy galante ngayon ang bes ko! Hehe!
Hindi na ako tumanggi pa , sabi nga nila , bawal tanggihan ang grasya. Hihi!



Dahil maaga pa naman, hindi namin kelangan magmadali ni Patty sa pagpasok.
NAg-uusap kami ni Bes habang naglalakad, tawanan at kung anu-ano pa.


Nahagip nang mga mata ko ang isang taong matagal ko nang gusto at pinangarap makita ... ang puso ko , bumilis ang tibok .

NAKAsakay siya sa taxi , hindi ako pwedeng magkamali , alam ko na siya ang nakita ko. Shit! Naiiyak ako! Nandito siya sa baguio , nasa iisang lugar lang kami!

Hinabol ko ang taxi kung saan sakay siya habang tinatawag ko ang pangalan niya, kaso parang wala siyang naririnig kahit gaano na kalakas ang tawag ko sakanya.

Hinabol ko ang Taxi hanggang sa hindi ko na iyon nakita T_T

NApatigil nalang ako sa pagtakbo habang patuloy parin ako sa pag-iyak.


" bes ..."
SI PAtty .

NApayakap nalang ako sakanya , lahat nang sakit na nararamdaman ko noon pa man ay bigla nalang bumalik :(

Umiiyak lang ako habang nakayakap ako kay Patty , alam ko pinagtitinginan na kami nang mga tao sa paligid namin pero wala akong paki-alam kasi mas mahalaga tong nararamdaman ko! T_T


ANg tagal ko siyang hinintay , ngayon na nakita ko na siya , gagawin ko na kung ano ba talagamg tama na noon ko pa sana ginawa. T_T

Hindi ko na hahayaan ulit na magkahiwalay kami , kung noon hindi ko siya naipaglaban , ngayon gagawin ko na. Ipapaalam ko sa buong mundo kung gaano ko siya kamahal kahit pa magalit at tumutol ang mundo saming dalawa! T_T


Nang mahimasmasan ako , inaya muna ako ni PAtty na umuwi muna, hindi ko rin naman kayang pumasok na ganito ang sitwasyon ko, na si CASPER lang ang nasa isip ko T_T


" sure ka ba na siya yung nakita mo?"
TAnong sakin ni Patty at tumango lang ako bilang sagot dahil hindi ko rin magawang magsalita dahil sa pag-iyak ko T_T


" bes .. gusto ko siyang makita ulit. Alam mo ba kung bakit nandito siya?"
TANong ko kay Patty habang umiiyak parin ako.

" sorry pero hindi ko alam kung bakit  siya nandito , wala na akong contact sakanya."
SAgot niya.

" ito na yun bes , ito na yung oras para itama lahat nang mali na nagawa ko noon , siguro tadhana na ang gumawa nang paraan para magkita ulit kami."

Tuloy ang pagsasabi ko kay PAtty nang mga saluobin ko habang siya nakikinig lang sakin .




DAHil na rin sa pagod sa kakaiyak , hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.


NAgising nalang ako na may naka-kumot na sakin , hinanap nang mga mata ko si Patty, malamang siya ang may gawa nito .


nakita ko siyang nakahiga sa maliit kong sofa , nakatulog na rin siguro dahil sa pag-cocomfort sakin .

Kinumutan ko siya, halata namang nilalamig na siya.

Bumalik ulit ako sa kama ko , naiisip ko na naman ang pagkakita ko sakanya kanina at ang mga luha ko nag-uunahan na naman sa paglabas T_T
HANggang sa hindi ko na naman napigil at natagpuan ko na naman ang sarili ko na umiiyak.

Walang tigil na pag-iyak ...
Hanggang sa naramdaman ko na may humahaplos na sa may likuran ko, lumingon ako at nakita ko si Patty.

Agad akong napayakap sakanya , habang siya naman, inaalo ako. T_T

" iiyak mo lang, nandito lang ako"
MAs lalo akong naiyak sa pag-comfort nang bestfriend ko, buti nalang at nandito siya sa tabi ko at sinasamahan ako sa kalungkutan ko :(

" b-bes , tulungan mo ako , gusto ko siyang makasama bes .."
Sabi ko kay PAtty.

" a-anong tulong?"
Tanong niya.

Kumalas ako sa pagkakayakap sakanya at nakita ko na parang naiiyak na rin siya .

" o bakit bes parang iiyak ka narin? Dinadamayan mo talaga ako?"

" i-ikaw kasi ee! N-nakakahawa ka! Wag ka na kasi umiyak, nasasaktan din ako."
Sabi niya na medyo nakapag pangiti sakin. Ahay! ANg swerte ko na may bestfriend ako na Patty.

" ok sige , basta wag ka rin maiiyak ok?"

TUmango lang siya pero para siyang bata na malapit nang maiyak . ANg cute niya!

Tinawanan ko lang siya at tumawa na rin siya habang pinupunasan ang gilid nang mata niya.

" ang drama mo kasi bes! Ahay!"
Sabi pa niya.

" sorry naman daw! NAgmamahal lang! Bes .. pwede mo ba akong tulungang hanapin si Casper? MAliit lang ang BAguio , pwede natin siyang makita. Or kaya hingin mo number niya sa tita or tito mo. Bes , ito na yun, ito na yung time para saming dalawa kaya kelangan ko nang tulong mo Bes. MAaasahan ba kita?"
TANong ko sa bestfriend ko.

Hinihintay ko ang sagot niya ...

" s-subukan ko ..."
NApangiti ako sa sagot niya, alam ko naman na hindi ako hahayaan ni PAtty na malungkot kaya alam ko na tutulungan niya ako.

PEro bakit parang hindi siya masaya na nakita ko na ang pinsan niya at makakasama ko na ulit ???

I Think I'm Falling IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon