Akala ko OK na :(
Ella POV:
Gumaan ang nararamdaman ko. finally ayos na kami ni Casper, nabigyan na nang Closure ang matagal na sanang wala na.
Pakiramdam ko Buo na ulit ako... at pwede ko nang mahalin si Patty nang Buong-buo.
Excited na akong makauwi nang Apartment, Gusto ko na siyang makita, Gusto ko nang sabihin sakanya na AYOS NA, na wala na siyang dapat pang ikabahala kasi sakanya na ako nang Buo!
Pagkarating na pagkarating ko nang Apartment, sa Unit ni Patty ako agad dumiretsyo. Kumatok ako.
-_-
Naka-ilang katok na ako pero hindi niya binubuksan ang pinto.
M-may nangyari ba habang wala ako?!
Nasaan siya? B-bakit wala siya? Ang sabi niya hihintayin niya ako!
Nag-umpisa na akong mag-alala, naiiyak na rin ako. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko. :(
Kinuha ko ang phone ko saka dinial ang number niya...
" shit!"
Bulalas ko. Unattended kasi!
Naiinis na ako na naiiyak! Kasi naman ee! T_T
Nasaan ba kasi siya? Ano bang trip niya?!! Ang sabi niya hihintayin niya ako tapos wala siya?!! Niloloko ba niya ako?!!
Sunod kong tinawagan si SIMON, baka magkasama silang dalawa.
Well, sana nga lang magkasama sila para mapanatag ang loob ko.
[ hello Ella?]
Bungad ni Simon sa kabilang linya.
[ kasama mo ba si Patty?]
[ hindi. Bakit?]
Eeish! Ano ba Patty!! Nasaan ka ba?!!
[ w-wala kasi siya dito sa apartment, baka kako magkasama kayo. Kapag nagkita kayo,please inform me, nag-aalala na kasi talaga ako sakanya.]
[ ok sige, try ko siyang kontakin tapos tawagan kita agad.]
[ salamat.]
Saka ko na binaba.
8:00 pm
Naalimpungatan ako nang tumunog ang phone ko, dinampot ko agad, baka kasi si Patty na iyon, pero nadismaya ako nang pangalan ni Simon ang nakita ko.
Sinagot ko agad, baka may balita na siya kay Patty.
[ sorry Ella, sinubukan ko siyang kontakin kaso wala talaga. Hindi ba siya nagsabi sayo or nagpaalam manlang? Nag-away ba kayo?]
Siguro matatanggap ko pa na hindi siya nagpaparamdam kung nag-away man kami, kaso hindi naman ee! Ayos nga kami bago kami naghiwalay kanina :(
[ hindi ako mag-aalala at tatawagan ka pa kung alam ko kung nasaan siya diba? Eeish! Thank you nalang Simon. Sige.]
Saka ko binaba, nasungitan ko pa tuloy si Simon :(
Lumabas ako nang unit ko, baka nasa unit na niya si Patty.
HAY NAKU talaga! Sasabunutan ko siya kapag nakita ko! Tch! Sobra niya akong pinag-aalala!!
