MOVE-ON ???
Damn! Ang sabi ko kakalimutan ko na kung ano man ang nararamdaman ko kay Patty , pero ito ako ngayon sobrang apektado nang sabihin ni Amy na sila na. Fuck! T_T
napapatingin ako sa gawi nila Patty habang dikit na dikit si Amy sakanya at shit! Sumasakit talaga ang puso ko, naiiyak ako, nasasaktan? AAHHHH!
bakit kelangan ko maramdaman to? Huhu!" ayos ka lang Amy?" Tanong ni Amy sakin, tch!
" Yah! Masaya nga ako para sainyo ee!" Pagsisinungaling ko.
Halatang masaya si Amy, si Patty kaya? Masaya rin kaya siya? Seryoso ba talaga siya na sinagot niya si AMY?
Dahil sa mga naiisip ko at sa sakit na nararamdaman ko, ininom ko nalang! Magpapakalasing na lang ako ngayong gabi! Sana lang paggising ko bukas ayos na ako ulit , sana paggising ko mawala na tong nararamdaman ko para kay Patty at bumalik nalang ulit kay CAsper :(
Ramdam ko na ang hilo dahil narin sa dami nang nainom ko, pero hindi pa ako ganun kalasing , kaya ko pa, at alam ko pa ang nangyayari sa paligid ko.
Kitang kita ko parin ang pagdikit nang Amy na yan kay Patty! Bwisit siya! Tch!
Nagpaalam nalang ako para pumunta nang CR , naiirita na kasi akong makita silang masaya, nasasaktan kaya ako! Uff!
" samahan kita?" Alok ni CAsper.
" hindi na , kaya ko."
Saka ako tumayo at pagewang gewang na nagtungo nang CR.Gusto kong magtagal dito sa CR , Kung pwede nga lang dito nalang ako para hindi ko na sila nakikita, ang totoo niyan naluluha na ako, parang hindi ko na kayang ihandle ang situation ko ngayon. Alam ko wala akong karapatang maramdaman to pero shit! Kapag nakikita ko sila hindi ko mapigilang hindi masaktan T_T
Patty POV:
" uyy ayos lang ba si Ella Casper? Hindi pa siya bumabalik, baka nakatulog na yun sa sa CR."
Sabi ni Amy, nga naman , kanina pa siya nagpaalam pero ilang minuto na ang lumilipas wala pa siya.Pansin ko rin na hindi siya ok , may nangyari kaya sakanila ni Casper? Nag-away ba sila? Ahay!
Kanina ko pa siya gustong kausapin kaso kasi kasama ko si Amy.
Kami na nga pala , sinagot ko na siya , hindi naman mahirap mahalin si Patty ee, ang totoo nga niyan kaya sinagot ko na siya kasi may nararamdaman na ako sakanya. Pero hindi ko rin naman itatanggi na wala na akong nararamdaman kay Ella, yes meron pa , kaya nga mas ginusto ko na ring sagutin si Amy para tuluyan ko nang makalimutan si Ella. Alam ko mali na gumamit nang ibang tao pero alam ko rin na si Amy lang ang makakatulong sakin para makalinutan ko nang tuluyan si Ella.
" saglit puntahan ko lang siya."
Sabi naman ni Casper." Casper ako nalang , sige na ipahinga mo nalang."
Prisenta ko.Saming apat kasi , ako lang ang unti ang ininom habang sila tamado na dahil sa dami nang nainom.
Buti nalang at pumayag na rin si Casper. Tumayo na ako saka nagtungo nang CR.