Ella POV:
Hawak-hawak niya ang kamay ko habang naka-upo kami sa may terrace nila.
Aalis na siya bukas, wala na akong magawa para pigilan siya, ang tanging magagawa ko nalang ay ang tanggapin na magkakalayo na kami.
" Ella ..."
Tawag niya sa pangalan ko dahilan para mapatingin ako sakanya.
Nasa malayo ang tingin niya." gaano ka kasigurado sa nararamdaman mo sakin?"
Hindi ko inasahan ang tanong niya sakin, at mas lalong hindi ko maintindihan kung bakit niya natanong iyon? H-hindi ba niya ramdam na mahal ko siya?" tch! Patty tinatanong pa ba yan? Sigurado ako ok? Mahal kita! Mukha ba akong nagbibiro?!! Uff!"
Inis na sagot ko." so ibig sabihin ba niyan, mahihintay mo ako?"
Tinaasan ko siya nang kilay ...
" oo naman! Nakakainis ka na Patty ha! Wala ka bang tiwala sakin?"
Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko saka siya tumingin sakin.
" syempre meron ... natatakot lang ako ... natatakot ako na baka sa tagal kong mawawala, mawala din yang nararamdaman mo sakin.
Maraming pwedeng mangyari ... parang sainyo ni CASPER noon, nagkahiwalay kayo pero nung nagkabalikan kayo nawala na yung LOVE. ayukong mangyari yun Ella."" so anong ibig mong sabihin?"
" Look Ella, sigurado ako sa nararamdaman ko sayo. Mahal kita, SOBRA pa nga, pero gusto kong bigyan nang time yung relasyon natin, TIME para makapag-isip , maisip kung sigurado na nga ba talaga tayo sa nararamdaman natin . Na kapag bumalik ako at nagkita ulit tayo, hindi tayo magsisisi dahil lang sa masyado tayong nagmadali at nagpadala sa kung ano man ang nararamdaman natin ngayon."
Sorry pero hindi ko gusto ang sinasabi niya. Naiinis ako! Ano ba kasing sinasabi niya? Nakikipag-hiwalay ba siya?!! TCH!
" so ano 'to? Nakikipag-break ka?"
Diretsyang tanong ko sakanya.Hindi siia sumagot dahilan para mas lalo akong mainis!
" so ganun nalang? Porket aalis ka makikipag-break ka rin? WOW PATTY! ano 'to?! Akala ko ba ayos na? Ok na diba? Ok na nga ako na aalis ka! Tapos ngayon nakikipag-break ka? UFF! PATTY mahal kita! Sigurado ako dun! Hindi ko na kelangang pag-isipan pa yun kasi matagal na akong sigurado na Mahal kita! Pero ikaw ... hindi ka pala naniniwala sa nararamdaman ko sayo!"
Hindi ko na napigilan pa ang pagtulo nang luha ko, ang sakit! Nasaktan ako sa mga sinabi niya! Ito ba ang hindi sigurado? Iiyakan ko ba siya kung hindi ako sigurado na mahal ko siya? Tangina! Bwisit!
Inalis ko ang kamay ko mula sa kamay niya saka ako tumayo, nag-umpisa na akong naglakad pero hindi pa ako nakakalayo ay napigilan ako ni Patty.
Hinarap ko siya habang patuloy ako sa pag-iyak.
" ano pa ba Patty?! Nasasaktan na ako! Ano pa bang sasabihin mo? Na hindi kita mahal? Shit! Sana kung hindi kita mahal hindi ako iiyak nang ganito!! Ok! Nakikipag-break ka diba? OK! O di Break!!! Yan naman ang gusto mo ee!"
Mula sa pagkakahawak niya sakin ay hinarap niya ako sakanya saka niya ako nilapit dahilan para mayakap niya ako.
" I'm Sorry Ella. Sorry na. Please 'wag ka nang umiyak. I LOVE YOU."
Saka niya ako hinalikan sa may noo ko. Patuloy parin ako sa pag-iyak habang nakayakap na sakanya.
