Talk
Ella POV:
Palabas na kami ni Patty nang university para umuwi nang makita namin si Casper na naghihintay.
Parehas kaming napatigil ni Patty saka niya hinawakan ang kamay ko at hinila niya ako kung nasaan si Casper.
Ang sama nang tingin ni Casper samin lalo na sa mga kamay namin na magkahawak. Hindi ko alam kung anong iniisip ni Patty at kelangan niyang gawin to sa harap ni Casper, pero ayos lang sakin, pakiramdam ko safe ako sa ginagawa ni Patty.
" pwede ba tayong mag-usap?!"
Tanong agad sakin ni Casper nang makalaput kami sakanya.Tinignan ko si Patty kung anong reaction niya, nakatingin lang din siya kay Casper, ganun din si Casper sakanya. UFF! Pakiramdam ko ang intense nilang dalawa na baka malingat lang ako saglit ay magsabunutan tong dalawang to!
" yung tayong dalawa lang Ella!" Dagdag niya pa, tapos habang sinasabi niya yun, kay Patty siya nakatingin nang masama. AHAY!
" Aa ... o-ok . Nga-ngayon na ba?" Kabadong tanong ko.
Nginisian niya muna si Patty bago siya tumingin sakin.
" so tara na Ella?"
Huminga muna ako nang malalim saka ko tinignan si Patty na ngayon ay nakatingin narin pala sakin habang nakangiti.
At nagagawa pa talaga niyang ngumiti? Tch!
" ok, ingat ka. Kapag may nangyaring hindi maganda, tawagan mo lang ako. (^-^)"
Bilin niya sakin." walang mangyayari sakanyang masama habang ako ang kasama niya!" Singit ni CASPER na halatang
naiinis.Hindi nalang iyon sinagot ni Patty which is maganda kasi pag nagkataon, mag-aaway na talaga sila!
Binitawan na ako ni Patty saka siya tuluyang umalis.
Ito na! Dalawa nalang kami ni Casper, ano kayang mangyayari sa pag-uusap na to? Ahay!
Sa dami nang lugar na pwedeng puntahan para mag-usap, dito niya ako dinala sa condo unit niya.
Pinaupo niya ako sa couch saka siya tumabi sakin.
" nakapag-isip ka na ba?" Tanong niya. Ang totoo niyan, maraming beses na akong nakapag-isip, at sa maraming beses na yun, buo na ang pasya ko.
" Look Ella, sorry kung may pagkukulang man ako sayo para maghanap ka nang iba, pero ngayon sisiguraduhin kong mapupunan ko lahat nang pagkukulang na yun. Please, bumalik na tayo sa dati Ella. Iwan mo na si Patty! 'Wag mo na siyang paasahin na mahal mo siya kasi alam ko Ella na ako lang ang mahal mo at walang ibang tao ang makakapantay nun lalo na si Patty!" Hindi ko alam kung saan niya hinuhugot ang mga sinasabi niya ngayon sakin. Hindi niya alam ang sinasabi niya at mas lalong hindi niya alam ang nararamdaman ko :(
" Casper ... h-hindi ko pinapaasa si Patty, MAHAL KO SIYA."
" mahal? Hindi mo alam ang sinasabi mo Ella, naguguluhan ka lang. Nadadala ka lang sa mga panlalandi niya. Yun lang yun!"
Kontra niya sa sinabi ko." s-sigurado ako sa nararamdaman ko para sakanya Casper. I'm sorry :( alam ko nasasaktan ka sa mga nangyayari pero ayukong paasahin ka, ayukong igive-up yung taong nagpapasaya sakin para lang sa kaligayahan rin nang ibang tao. Casper, ayukong umasa ka kasi ayukong mas masaktan ka pa kapag pinagpatuloy pa natin to. Tama na yung isang bagsakan na sakit kesa sa paunti-unti kang nasasaktan. Mahalaga ka parin naman sakin kaya hanggat maaari ayukong mas masaktan ka. "
Sana lang maintindihan niya ako.
" so ganun nalang kadali para sayo na isuko ang lahat para lang kay Patty?!!" Galit na sabi niya. Nag-umpisa na rin siyang umiyak.
" shit Ella! Sasayangin mo lang yung pinaglaban natin?! Baliwala rin pala ang pagpili ko sayo kesa kay STELLA?!! Damn! Nagsakripisyo ako Ella para lang sayo! Tapos ganito lang?! Ibabasura mo lang pala ako?!! Na ang dali para sayong iwan ako at sabihin na itigil na natin to kasi may iba ka nang mahal?!! Tangina Ella! Paano ako?! Porket masaya ka na sa iba, iiwan mo ako habang ako umiiyak parin dahil sayo?!! T_T"
Hindi ko na rin napigilang hindi maiyak, galit na galit si Casper ngayon at natatakot ako sa pwedeng mangyari o pwedeng gawin niya T_T
" Casper hindi madali para sakin to! Hindi lang ikaw ang nasasaktan ngayon sa sitwasyon natin! Oo masaya ako kay Patty pero hindi ibig sabihin nun ay ok na ako! Paano ako lubusang sasaya kung may isang taong nasasaktan nang dahil sakin?!! Casper hindi ako ganun kasama para saktan ka lalo! Iniisip ko parin ang tama at makakabuti sating dalawa, at yun ay ang itigil na natin to! Casper, ayukong mag-stay pa sa relationship na wala na akong maramdamang LOVE, kasi mas masasaktan ka lang lalo! Please naman Casper makinig ka sakin."
Nag-iiyakan na kaming dalawa, lalo na siya. Mali ba tong ginagawa ko? Sobrang sama ko ba? T_T
Iniisip ko lang naman ang mas makakabuti saming dalawa, pero bakit hindi niya makita yun? Mas gusto ba niyang masaktan pa lalo?! T_T" HINDI! hindi natin to ititigil Ella! Ayaw mong mag-stay sa isang relasyon na wala nang LOVE? pwes ako gusto ko! So what kung hindi mo na ako mahal?! Ang point dito ay MAHAL KITA at ayukong mawala ka sakin kaya hindi natin ititigil ang realsyon natin! Hindi mo na ako mahal? FINE! kaya kong magpatakbo nang relasyon na ako lang ang nagmamahal! Mas ok na to kesa ang makita kitang masaya kay Patty?! NO WAY! hindi ko hahayaang mangyari yun Ella! Akin ka lang at walang sino man ang pwedeng umagaw sayo sakin!!"
Ano bang nangyayari kay Casper? Bakit hindi nalang niya ako pakawalan? T_T
Nag-uumpisa na akong matakot sakanya, ibang iba siya sa Casper na nakilala ko noon T_T" No Casper, hindi ka sasaya kung ikaw lang ang nagmamahal! Please tama na! Itigil na natin to T_T"
Pagmamakaawa ko sakanya habang hawak-hawak ko ang mga kamay niya.Tinanggal niya ang kamay ko na nakahawak sa kamay niya saka siya tumayo.
" mas lalong hindi ako sasaya kapag nakita kita sa piling nang iba!!" Pagmamatigas pa niya. T_T
Wala na akong nagawa kundi ang umiyak nalang, hindi ko na kinakaya ang mga pinapakita at pinaparamdam ni Casper T_T
Ayaw niya akong pakinggan!" tandaan mo to Ella, Magpapakamatay ako kapag pinili mo si Patty!" Pagbabanta niya na ikinagulat ko at ikinaalarma! Ano bang mga sinasabi niya?! Ganyan na ba siya kadisperada para lang hindi ako mawala sakanya?!! T_T
Tinignan ko siya saglit at nasapo ko nalang ang mukha ko habang patuloy parin ako sa pag-iyak T_T
" seryoso ako Ella, magpapakamatay talaga ako para sayo! Tandaan mo yan!"
------------
A/n: olryt! (^.^)Comment? Vote? Salamat sa mga patuloy na nagbabasa. Sobra po akong natutuwa.Kio
