Patty POV:
Ilang linggo na ang lumipas nang magtapat sakin si Ella sa nararamdaman niya sakin, Maganda pala sa pakiramdam na sabihin sayo nang taong mahal mo na MAHAL ka rin niya. AAHHH!! putek! Tapos nireject ko lang siya?! Bakit ba kasi ngayon lang? Bakit hindi nalang noon na parehas pa kaming single?
:(Siguro tama na rin tong ginawa ko, ayos lang na isakripisyo ko ang nararamdaman ko kay Ella para sumaya na ulit sila ni Casper. Saka para narin kay Amy.
Nandito ako ngayon sa may Bar malapit dito sa may Apartment, hinihintay ko si SIMON.
Dumating siya after 30 minutes ...
" o anong problema natin Patz?"
Bungad niya , alam na niya kasi kapag may problema ako.Uminom lang ako nang beer na kanina ko pa iniinom .
" si ELLA ba yan o si AMY??"
Tanong niya na ikina-ngisi ko." tingin mo tama ba yung ginawa ko na nireject ko si Ella?" Tanong ko.
" bakit mo nga ba nireject? E diba gustong gusto mo ang Bestfriend mo?" Balik na tanong niya.
" kasi mag-bestfriend kami Simon."
Sagot ko." yun lang??"
" Simon mag-bestfriend kami!! Nireject ko siya kasi mas mahalaga sakin yung friendship namin! S-saka ayuko namang masira sila ni Casper."
" o 'wag kang sumigaw Patz! Ano ka ba? MAtagal nang sira ang relasyon nila ni Casper simula nagkagusto din siya sayo! Pagtataksil ang tawag dun Patz."
" at ako ang dahilan nun Simon :("
" 'wag mo namang solohin , lahat kayo may mali! Engot ka kasi ee, o ano ka ngayon? Kung hindi mo sana nireject si Ella, o di sana wala ka dito ngayon at umiinom! Tch!"
Tinignan ko lang siya nang masama saka uminom ulit." o tama naman ako Patz. E pano si Amy? Anong balak mo?"
Napaisip ako , sa totoo lang, pagkatapos magtapat sakin ni Ella , nagbago na naman lahat nang mga naiisip ko , biglang sa isang iglap lang ay bumalik lahat nang nararamdaman ko kay Ella T_T
" h-hindi ko alam Simon ... :("
" bakit ba kasi minadali mo? Dapat pinagpahinga mo muna yang puso mo kay Ella , yan tuloy, SIYA parin pala yang nasa puso mo. May masasaktan ka tuloy, pati sarili mo sinasaktan mo lang din ulit"
Naiiyak ako . T_T
Bawat move ko mali nalang, bawat move ko may nasasaktan T_TTinungga ko ang beer na hawak ko , medyo hilo narin ako dahil kanina pa talaga ako umiinom .
Actually hindi ako nagpaalam kay Amy , wala siyang alam na umiinom ako ngayon." tama na nga yang pag-inom mo! Ihahatid na kita sa apartment mo!"
Aya sakin ni Simon." hindi na, kaya ko naman ee"
" anong kaya ka dyan! Hindi! Ihahatid kita baka kung ano pang mangyari sayo, baka maisipan mo pang mag-suicide! Haha!"
Tama siya, baka pag hindi ko na kinaya tong mga naiisip ko , baka maisipan ko nalang tumalon sa isang building para hindi na ako nahihirapan! Uff!
Inalalayan na ako ni Simon palabas nang bar, sumakay na rin kami nang taxi pauwi nang apartment.
" sige na Simon umuwi ka na, salamat sa pagsama"
