Ella POV:
Magkakasama kami ngayon dito sa kotse ni Amy, katabi ko si Casper habang si Patty nasa harap katabi ni Amy. Tch!
Feel na feel nang Amy na to na katabi niya si Patty, nakakainis tuloy! Uff!
Nabigla ako ng hawakan ni Casper ang kamay ko dahilan para tignan ko siya at nginitian lang niya ako.
Sa buong byahe , wala akong ginawa kundi sulyapan silang dalawa, sumasama lang tuloy ang pakiramdam ko. :(
Pagkarating namin nang BAguio ...
" Patty ko, nagugutom ako. Tara kain tayo." Aya ni Amy kay Patty , uff! Ang arte! At talagang si PAtty lang ang inaya niya? Ang sabihin niya gusto lang niyang makasama si Patty, tch!
" aa ok lang , gusto niyo bang sumama bes,Casper??"
" ayos lang sakin :)" sagot ni Casper.
" ikaw Bes? Sige na sumama ka na."
Ngiting ngiti pa siya habang pinipilit ako , letse naman oh! Hindi ko siya matiis. :(Nakatitig lang si Patty sakin nang bigla nalang hawakan ni Amy ang mukha ni Patty at iniharap ito sa mukha niya!
(>_<)
" mukhang ayaw naman ni Ella, tayo nalang siguro PAtty ko :)"
Maarteng sabi ni Amy!" Aa oo! Busog pa kasi ako kaya kayo nalang!" Nakatingin ako kay Amy habang sinasabi ko yan saka ko siya nginitian nang plastic. Bwisit kasi! Halata namang iniiwas niya si PAtty sakin! Kainis!
" hindi narin ako sasama."
Sabi naman ni Casper." hindi ok lang na sumama ka. Ayos lang ako."
" ayuko , gusto ko kasama kita, kaya kung ayaw mo, ayuko na rin :) mas gusto kong makasama ka MOO :)"
Tinignan ko kung anong magiging reaction ni PAtty sa sinabi ni CAsper kaso mukhang wala lang naman sakanya :(
Siguro nga wala na talaga siyang nararamdaman sakin. :(Bumaba na ako nang kotse , sumunod naman si Casper at nang maabutan niya ako , hinawakan ko ang kamay niya at sabay kaming pumasok nang Apartment.
" bakit nga ba ayaw mong sumama?"
" ayuko , ayuko lang. Wala ako sa mood."
Masungit na sagot ko.Niyakap ako ni Casper habang nasa likuran ko siya ...
" ang sungit naman nang MOO ko ..."
Saka niya hinalikan ang balikat ko." ... Kiss nalang kita para mawala yang sungit mo :)"
At sa mga oras na to, naiharap na niya ako sakanya saka niya ako mabilis na hinalikan sa labi ko." ... meron pa ba? Isa pa gusto mo? Hehe!"
Binigyan niya ulit ako nang isang mabilis na halik sa labi ...
At sinundan pa niya ng isa!
Adik lang tong si CAsper ee!" ... ayan! Tatlo para ILOVEYOU :)"
(^-^)
Putek! Adik talaga! Pero kinilig ako!
(*^_^*)
Ee kasi naman, ang sweet kasi niya! :)Niyakap ko siya. Naappreciate ko ang effort niya para pasayahin ako at pakiligin, ewan ko ba kung bakit nagkagusto ako sa iba :(
Wala siyang alam pero nakokonsensya ako everytime na si Patty ang naiisip ko imbes na siya :(
Huhu!